8

177 1 0
                                    

Kaitlyn

***

"Congrats Miss Amara you're  3 weeks pregnant"sabi ni doktora sakin napangiti nalang ako at kutob ko nadin naman na kaya ngumiti nalang ako 

"Thank you Doc"at lumabas na binilinan lang ako ng mga bawal at mga kailangan kong inumin na vitamins 

Pumara nalang ako ng taxi at umuwi na sa apartment habang nasa byahe ako nakita kong nag text si alex 

 From : Bading Alex

  "What did the doctor said?" 

Nung pag kasagot nya ng call kanina nag text sya sakin na may kailangan pa daw syang puntahan kaya umalis na sya, hindi ko nalang sya nireplyan at pinatay nalang yung phone.

"Maam andito na po tayo" kumuha ako ng pera sa wallet ko at binigay sa driver

pagpasok ko ng bahay ko umupo agad ako sa sofa dahil nakaramdam ako ng pagod at naalala kong hindi pa pala ako kumakain ng lunch kaya ng hihina ako bigla. Kinuha ko yung cellphone ko at umorder nalang sa jollibee ng pagkain

pag katapos kong umorder ng pagkain biglang may nag doorbell kaya tumayo ako at binuksan yung pintuan, laking gulat ko makita si ate na nasa harap ng bahay ko

"A......te" tinignan nya lang ako binuksan yung pintuan at pumasok 

"Ate kamusta ka?bakit ka pumunta dito?" Tanong ko sa kanya, tinignan nya lang ako at umupo don sa sofa katabi ng bag ko

"So this is your house?Cheap" napapikit ako sa sinabi nya

"Oo ate" sabi ko nalang sa kanya, tinignan nya lang yung buong bahay at tumayo na sya at nag lakad na papunta sa pintuan, palabas na sana sya ng ayain ko syang dito na kumain

"No thanks, i hate your presence" tas lumabas na sa bahay ko, pasakay na sana sya sa kotse nya ng nag salita ulit ako

"Kamusta mo nalang ako kay katrina at kuya ian ate" 

pero di nya na ata pinansin yung sinabi ko at pumasok na sa kotse at umalis, saktong pag kaalis ni ate dumating na din yung order kong jollibee

"Thank you po"

binuksan ko na yung mga pinamili ko at sinimulang kumain gutom na gutom nako ang takaw naman masyado ni baby, payapa lang akong kumakain ng mag nag doorbell nanaman kaya tumayo ulit ako para pag buksan kung sino

"Sino po yan" tanong ko muna bago ko buksan 

"Bitch mag papasok ka" 

wait boses to ni kyla ah

kaya binuksan ko at sila rina, mae at kyla pala kaya familiar yung boses

"Ano ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa kanilang tatlo, pero di nila ako pinansin at dumiretsong pasok sa bahay ko

"Anong ginagawa nyo dito kako" Tanong ko ulit sa kanila

"Namiss ka lang namin, tsaka sabi ni mae na dika pumapasok ng 1week na" sabi ni kyla

"1 week lang naman tsaka wala namang ginagawa kaya di muna ako pumasok no"

"Sus porket may nangyare lang" sabi ni mae

Tas yung 2 kaibigan ko naman mga chismosa inaalam yung kwento

"Hoy ano yun?" sabi ni kyla

"Hoy mag share kayo, porket iba kami ng building ganyan na kayo" sabi naman ni rina

tas tumingin silang tatlo na parang nag sasabi na mag kwento ka look

The Guy at the BarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon