9

163 2 0
                                    

Kaitlyn

***

Pag pasok ko sa bahay ko nilinis ko nalang yung mga kalat namin kanina at yung iba naman nilagay ko sa ref kasi may laman pa at yung iba tinapon ko na sa basurahan. Pag tapos kong maglinis pumasok na din ako sa kwarto ko para mag linis ng katawan at para mag pahinga dahil sinabi din sakin ng doctor na bawal ako mag pagod

bago ako humiga sa kama kinuha ko muna yung remote, ipad tas cellphone ko, inopen ko muna yung tv at pinunta sa netflix at nag hanap ng mapapanood na movie, habang nag hahanap ako ng mapapanood ko may biglang tumawag sakin

"Hello" sabi ko don sa tumawag, habang patuloy padin ako sa pag hahanap ng movies na papanoodin ko

"Where are you?"Tanong ni alex 

pansin ko lang din na ang hilig nyang mag tanong kung asan ako

"Bahay, bakit ba" sabi ko sa kanya at pinindot na yung napili kong movie

"You didn't reply to my text that's why"

kaya tinignan ko yung text naming dalawa kung hindi ba talaga ako nag reply sa kanya, tama nga sya hindi ko sya nireplyan

"Bakit ba big deal ba sayo yung di ko pag reply"

hindi agad sya nakasagot sa sinabi ko sa kanya, i end ko na sana yung tawag nung nang nag salita na sya

"Yes" 

yun nalang yung sinabi nya at pinatay ko na yung tawag dahil sa sagot nya biglang tumibok ng malakas yung puso ko ano bang nang yayare sakin, pinatay ko nalang yung wifi ng cellphone at iairplane mood ko para di ako makareceive ng mga calls at text sa kanya nilagay ko nalang sa side table yung cellphone ko

biglang umilaw yung ipad ko it means may nag notif or chat nakita ko yung name nya video call pa talaga ah end ko nalang tas nakita ko syang nag type hindi ko din alam pero inantay ko syang mag chat sakin kung anong sasabihin nya

"Answer it"

tumawag ulit sya, bago ko sagutin tinignan ko muna yung itsura ko kung kaaya aya, bigla kong tinampal yung pisnge ko

"Bat ba ko nag aayos" 

ginulo ko nalang yung buhok ko tas humiga ulit sa kama at sinagot na yung tawag pag kasagot ko sa tawag biglang tumambad sakin yung mukha nya saglit ko lang syang tinignan at binalik yung tingin sa pinapanood ko 

"Hey" 

sabi nya tinignan ko lang sya saglit, naka hoodie sya tas parang nasa labas pa ata 

"What?"

"What are you doing?" Tanong nya sakin

kinuha ko yung Ipad tas switch camera para ipakita sa kanya yung pinapanood ko

"You're watching? title?"

"San andreas"

Nag oh nalang sya tas di na nag salita, tinignan ko lang sya tas out of nowhere nag tanong ako sa kanya

"asan ka?"

nakita kong napatingin sya sakin naka kunot pa yung noo nya ah kitang kita sa screen na kumunot yung noo nya 

"Why? Miss me?" 

napairap ako dahil sa sinabi nya, kapal talaga ng mukha ng lalakeng to

"Kapal mo"

he just smirk tas di na ulit sumagot hanggang sa nakaramdam nako ng antok huli ko nalang na narinig 

"Goodnight"

**

NEXT DAY

Dali dali akong pumunta sa banyo at nag duwal, ilang minuto din ata akong duwal ng duwal parang lahat ng kinain namin kahapon nasuka ko, kumuha ako ng tubig at lumabas na sa kwarto ko para pumuntang kusina

kung nag tataka kayo kung asan yung aso ko pinaalagaan ko muna don sa kasambahay namin dahil hindi ko sya masyadong naalagaan, habang nag iinit ako ng tubig pumunta muna ulit ako sa kwarto ko para kuhain yung ipad, Nakita ko kung ilang oras din naka video call kami ni alex 5 hours din pero alam kong tulog nako nito pinatay nya nalang

uminom lang ako ng gatas ng nag chat si mae kung asan na daw ako

 From: Mae

  asan kana tanga gaga ka mag uusap na about sa grad pic

hindi ko na nireplayan si mae pumunta nako kagad sa kwarto ko para maligo at mag ayos yun na ata yung pinakamabilis kong pag aayos nag ingat din ako may bata na sa sinapupunan ko baka kung anong mang yare sa kanya mga 20 minutes lang ata ako nag ayos kinuha ko nalang yung cellphone at car keys ko at umalis na

pagkatapos ko mag park mabilis akong nag lakad papunta sa classroom namin at pag kabukas ko ng pinto halos lahat sila nakatingin sakin pati si sir alex

andito na pala sya

"You're late Miss Amara"

tumingin ako sa kanya at sa classmate ko tas binalik ulit yung tingin sa kanya at nag salita

"Sorry sir"

yun nalang yung sinabi ko at naglakad na papunta sa upuan ko, pag kaupo ko siniko agad ako ni mae

"Badtrip yan si sir kanina pa"

daldal ni mae sakin kaya napalingon ako sa kanya

"Bakit daw?" tanong ko sa kanya

"Ewan iba hulma ni sir eh" sabi nya

mag sasalita na sana sya ng narinig namin nag salita si sir 

"share your little chitchat there Miss Amara" kaya napatingin kami ni mae sa kanya, nakatingin din samin yung mga classmates namin 

he just looked at me with no emotion in his eyes

"Sorry again sir" 

napayuko nalang ako trip ata ako ng lalakeng to ngayon ah, naramdaman kong siniko ulit ako ni mae

"Sabi sayo ih" bulong nya siniko ko nalang sya para tumahimik at nakinig na sa sinasabi ni alex

"The schedule of your graduation picture is nextweek at south studio 8:00 am until 3 pm" 

sabi nya samin habang nakaupo sya sa desk, lahat kami nakikinig sa sinasabi nya walang nag salita ni isa samin siguro napansin din nila na badmood si sir alex

"This whole week complete all your requirement dismiss" tas lumabas na sya

kami naman lahat nakaupo pa din kami pag ka labas nya ng classroom sobrang seryoso ng pag kasabi ni sir alex, naramdaman ko nanaman na siniko ako ni mae kaya tinignan ko sya

"Bakit?" 

"Dika aalis?" 

tanong nya at tumayo na sya at kinuha yung bag nya

"Hindi, sige na lumandi kana" 

tinaboy ko na sya nag ba-bye nalang sya sakin at umalis na yung mga iba ko ding mga classmate nagsi alisan na din baka yung iba nasa cafeteria, library or gym. Halos lahat sila umalis na sa room ako nalang yung natira. 

binilinan nalang ako ng head officer ng classroom namin na patayin yung aircon pag aalis na ako. Nag earphone nalang ako at nag patugtog ng belong album ni gabriel conte, ganon lang ako ng mga ilang oras nakapikit lang ako dahil sumasakit yung ulo ko siguro nagugutom kami ni baby gatas lang kasi breakfast namin

hinawakan ko nalang yung tyan ko at hinimas 

dahan dahan kong binuksan yung mata ko at nagulat ako ng makita ko si alex na nasa harap ko at tinignan yung kamay ko na nasa tyan


:*



The Guy at the BarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon