Kaitlyn
It's our day 1 today maaga ako nagising kasi maaga ako nakatulog kagabi buti nga hindi na ko pala suka tuwing umaga,nag hilamos muna ako bago lumabas sa kwarto namin, Mga 6 am palang kaya tulog pa sila, dumiretso muna ako sa beach at tinignan yung buong view, breathtaking view talaga
"Ang aga mo nagising" Biglang sabi ng nasa gilid ko
"Ikaw pala chard kamusta na?"Tanong ko sa kanya, kaklase ko sya last year ata at huminto sya alam ko
"Doing good, How about you?" Tanong nya sakin
"I'm good" Sabi ko naman sa kanya
"Alam mo ba na gusto kita?" Biglang sabi ni richard sakin, kaya bigla akong napalingon sa kanya, hindi ko alam yung sasabihin ko
"uhmm crush lang yan mawawala din" Yun nalang yung sinabi ko, narinig kong natawa sya medyo weird yung tawa nya ang creepy, tumayo nako at nag pagpag
"It's nice too see you richard, mauna nako baka gising na sila" Sabi ko sa kanya at nag lakad na pabalik sa villa namin, Pag pasok ko sa villa saktong kakalabas lang nila blake at joshua
"Goodmorning" bati nila saking dalawa
"Goodmorning hindi pa sila gising?" Tanong ko sa kanila
"Hindi pa napagod ata kagabi" Sabi ni blake, nanlake yung mata ko sa sinabi nya
"HAAAAA!!!?" sigaw ko sa kanya, kaya napalingon sya sakin
"Hoy mali yang iniisip mo, nag lakad lakad kami no tanga" Sabi sakin ni blake, Natawa kami ni joshua dahil sa reaction nya
"Defensive blake ah" asar naman ni joshua
"Manahimik ka dyan joshua" Sabi ni blake
Umupo ako sa couch sa mini sala dito sa villa namin at inaantay magising yung mga kasama namin nag usap usap lang kami about sa mga girls nila
"Pano kayo nag kakilala nila rina at kyla?" Tanong ko sa kanila , unang sumagot si blake
"Actually nag kakilala kaming dalawa dahil kay joshua at kyla nireto ako ni joshua sa kaibigan ni kyla na si rina tas nag meet up kaming dalawa pareha kami ng gusto then hangout na hanggang sa manligaw ako tas sinagot nya na ako"Sabi ni blake
"Ikaw pala may puno't dulo nito joshua" Sabi ko kay josh
"Masaya naman sila duh" Sabi ni josh sakin, sabagay mukha namang masaya talaga yung kaibigan ko sa kanya
"Pano kayo nag kakilala ni alex?Sa pag kakaalam ko naging sub prof nyo sya?" Tanong sakin ni blake sakin
Hindi ko alam yung sasabihin ko sa kanila, saktong lumabas na sila rina at kyla sa kwarto kaya natigil na yung pag uusap naming tatlo
"Oh aga nyo nagising ah?" Si kyla
"Mas maaga to"turo sakin ni blake, tinignan ako nila rina at kyla nakita kong concerned sila sakin baka tungkol padin sa nangyare kagabi sa dinner namin, ngumiti lang ako sa kanilang dalawa
"Mag breakfast na kayo, susunod nalang ako" Sabi ko sa kanilang apat, tumayo na sila at nag paalam lang sakin at umalis
Pag kaalis nila nag stay muna ako sa sala ng ilang minuto bago pumasok sa kwarto namin, pag pasok ko nakita kong bagong gising palang si alex, nag ka tinginan kami pero agad ko ding inalis yung tingin ko sa kanya at kinuha lang yung ipad at pumuntang balcony at sinarado
Nanonood lang ako ng pinapanood kong series at napatingin ako sa kanya saktong palabas na sya sa kwarto namin, binalewala ko nalang at binalik yung tingin ko sa pinapanood ko at nag earphones nalang
BINABASA MO ANG
The Guy at the Bar
Teen FictionSi Kaitlyn Amara ay isang Graduating student sa Empire College University ngunit nung nag hiwalay sila ng 6 years nyang boyfriend ay pumunta sya sa bar pag mag pakalasing hanggang sa pag gising niya nakita niya nakatakip sya ng puting kumot at may...