Affection 25

1.3K 50 3
                                    

Levin's POV

Nagising ako dahil sa sunod sunod na tunog ng doorbell. Damn!

My body hurts! Nakatulog ako dahil sa kalasingan!

"Bat ang tagal mong buksan?!" Edward entered as if he owned my unit.

"Anong ginagawa mo dito?" Sinundan ko siya sa loob. Umupo siya sa mahabang sofa at nilagay ang kamay sa baba.

"Bat ba ang init ng ulo mo?" Naiinis ako sa kangingisi niya. "Well, nandito lang ako para sabihin ulit sayo na umayos ayos ka na. Hindi mo alam kung ano ang naghahantay sayo."

"The hell are you talking about?" I spat.

Kung hindi ko lang talaga pinsan to ay baka kinaladkad ko na ito palabas, kanina palang.

"Can you chill first?" He said while smirking.

"Wala akong panahon sa mga ito, Edward. Umuwi ka na." Tila ay wala siyang narinig, instead of standing up, humiga pa siya at pinikit ang mata!

"Do you wanna know why you can't find who are you looking for, dear cousin? I wonder if she wants to see you too? Or- maybe, in the past years, she's now settled right? In the right man, hmm? What do you think about that, Levin?" 

"What the? What do you know, huh?" Sinundan ko ng tingin ang bawat kurba ng kanyang labi habang nagsasalita. Tangina, uminit ang ulo ko sa kanyang sinabi.

"Talli Echavez, right?" He said seriously.

Fuck?

"Why do you know her?" Tanong ko sa malamig na tono.

"Dahil alam ko?" Dinilat niya ang kanyang mata at tumingin sa akin. Nang aasar siya.

"Oh, c'mon Edward. Umalis ka na bago pa tuluyang uminit ang ulo ko at baka sayo ko pa mabunton ito."

"Do you wanna see them?" Them? It's only her i'm looking for!

"Bakit, huh? Do you know where she is? And the hell is with you?
Hindi nga siya ma trace ng mga private investigators ko, ikaw pa kaya? Wag mo nga akong pinagloloko, couz." I sarcastically said.

"Oh, really? Don't you badly want to see her? Kase, baka siya- 'sila nag aantay na sayo." He gave me a smirk again. "or baka kasal na pala talaga siya kaya hindi mo mahanap hanap kase pinoprotektahan na nang asawa niya? Yung mga katulad ni Talli kase dapat binabakuran para wala nang makakuha, diba couz?" he smirked habang ako ay gusto ng umamba ng suntok.

what did he just said?

"Can you direct it to the point? What the hell are you talking about? It's her I only wanted to see." Ngumisi lamang siya.

"Really?"

"Damn, can you go home? You are ruining my day, idiot! Wala namang silbi ang mga sinasabi mo--" Natigil ako sa pagsasalita ng iabot niya sa akin ang isang maliit na kapirasong papel. Tinitigan ko ito bago inangat ang tingin sa kanya.

"What's that?" I cluelessly said, I furrowed my brows. He didn't say anything and just put the piece of paper on the table near us.

"Pumunta ka jan. Ito lang ang magagawa ko para sayo, Levin. Sana ay maging matapang ka na ngayon para ipaglaban mo siya. Show how much you love her before it ends." Tumalikod na siya at lumabas.

____________

I don't know if how many hours I am laying down here on my bed while looking at the ceiling.

I'm thinking if I will go to that place or not. Mapagkakatiwalaan ko si Edward pero parang may pumipigil sa akin na pumunta sa lugar na iyon ngunit meron akong saya at excitement na nararamdaman tuwing tinititigan ko ang maliit na kapirasong paper na binigay ng pinsan ko.

Bumangon ako at dumiretso ng naligo. Gusto kong malaman kung ano ang meron sa Batangas.  Yes, it was written in there. So I will go in Batangas now.

When I'm satisfied with my look, I almost run over my car.

Shit! The hell is with my heart! Why I am damn nervous!

After an some hours from the trip, nandito na ako sa Batangas.

I parked my car beside the waiting shed. I heavily sighed before moving out from my car.

I am here in front of the exact location Edward gave me.

I knocked three times, isang matandang babae ang sumilip, nang makita ako ay tuluyan na niyang binuksan ang pinto.

Tumikhim ako at umayos ng tayo bago nagsalita.

"Magandang araw po"

"Magandang araw din. Ano ang sadya mo iho? Pasok ka." I don't have plan to go inside but I don't have any choice, baka sabihing wala akong respeto.

"Anong gusto mo iho, juice, kape, tubig--"

"Tubig nalang po." Tumango siya at bigla nalang nawala sa paningin ko.

I scanned the whole house. May mga nagkalat na baby dolls at mga laruang kotse sa sala na tanaw ko mula rito sa kinauupuan ko.

Ilang sandali lang ay bumalik na siya dala ang isang basing tubig. Inilapag niya ito sa table at tumuwid ng tayo.

Anong gagawin ko dito at bakit dito ako pinapunta ni Edward?

"Gusto ko po sanang maka usap ang may ari ng bahay" I politely asked habang pinapalibot parin ang aking tingin sa kabuuan ng bahay. Nagulat ako sa biglaang tanong ko, idudugtong ko sana na baka siya ang may ari ng bahay pero sumagot na ito.

"Ah, si ma'am Joy po, sir. Mamaya pa ho ang kanyang uwi, bakit po sana sir?" I stopped sipping on my water and look at her.

Joy? It's impossible! Mali ang iniisip ko! Maybe I just really miss her that's why!

But why the heck would Edward want me to come here in Batangas?

"Ano ho ulit?" I'm not sure but damn my heart's beating fast again!

"Si Ma'am Jo--"

"Nana, who are you talking with? Oh hi there Mr., So handsome. What's your name?" A little girl appear from nowhere. I blink twice to confirm I'm not dreaming and yeah! The little girl is real!

What the? She looks like--

Talli.

But hell, those are my eyes! Absolutely mine! Hindi ako nagkakamali.

"Ay jusko kang bata ka. Baka mapagalitan ako ng mommy mo, go back to your room already."

"I'm bored Nana, beside Drew is in the pool." I saw how the old woman eyes widened.

"Hala, bakit hinayaan mo ang kapatid mo dun, Aliyah. Jusko, baka madulas siya duon." Mabilis ang naging lakad ng matanda, Lumiko siya sa bakuran ngunit rinig ko parin ang pagpapanic niya.

"Mr. Handsome, I'm talking to you." Agaw niya sa atensyon ko.
Kanina pa pala nagsasalita pero naglalakbay sa kung saan ang isip ko.

Kamabog sobra ang puso ko.

"Hello, little girl what is your name, hmm?" Nanginginig ang boses na tanong ko.

"I'm Aliyah Echavez, 5 years old na po ako, how about you Mr. What is your name?."

Echavez!

"Ah sir, excuse me lang po, papalitan ko lang sina Drew at Aliyah, pauwi na ho ang amo ko antayin mo nalang." Dahil parin sa pagkatulala ko ay napatango ako.

"Why are you looking for my mom?" I glanced at the little boy who looks so damn like me!

I was shocked even more! Ni hindi ko nasagot ang tanong niya!

"A pasensya na po sir, akyat na mga bata. Pauwi na ang mommy niyo." Tinignan pa ako ng dalawa, kumaway ang batang babae bago sumunod sa dalawa.

Naiwan akong tulala, iniisip kung ano ang mga nakita ko.

April 7, 2021

Talli's Affection (R18)Where stories live. Discover now