Relationship. Ito na yata ang salitang hindi mo makikita sa sarili kong dictionary. Ano ba ang feeling pag nasa isang relasyon ka? Bakit parang mas madami akong kilala na hindi masaya. Iyak dito. Sama ng loob doon. Kaya kahit gusto kong subukan, ayaw ko. Ayaw ko kasi takot akong masaktan. Ayaw ko kasi baka di ko makaya ang sakit. Baka hindi ko makaya ang ganoong feeling.
I'm Gino. 26 years old and I'm working as a photographer. Meron akong team kasama ang mga kaibigan ko. Freelance event organizer kami sa kahit ano mang mga ganap mo sa buhay. Birthday, anniversary o mapa reunion man yan, pwede kami. Pero hindi naman sa pagmamayabang, killala ang grupo namin pag dating sa kasal.
I love capturing memories lalo na pag nakukuha ko ang mga genuine reactions ng mga tao. Gusto ko pag nakita nila ang mga pictures na kuha ko ay wala silang maaalala sa event na 'yun kundi puro masasayang alaala lang.
In case you're wondering, I'm single. Never had a partner kasi nga takot akong masaktan. Kahit na mga kaibigan ko hinahanapan na ako, pero hindi ko alam bakit parang wala pa akong nakikilalang sa tingin ko ay para talaga sa 'kin.
KARL:
"Huy! Nakatulala ka na naman sa mga pictures"That's Karl, friend ko since college na siyang in charge sa lahat ng bookings namin.
GINO:
"Nakakatuwa lang kasi ang naging client natin last week. Biruin mo nagkakilala lang sila sa isang dating app pero nagkatuluyan sila"KARL:
"Bakit? Hindi ka ba naniniwala na merong true love sa dating app?"GINO:
"Hindi naman sa ganun. Siguro ilang percent lang ang hindi sex ang habol dun. Swerte nalang talaga pag meron nga"KARL:
"Bakit hindi mo pa kasi subukan ng malaman mo"GINO:
"Kesa gawin ko yan, mabuti pang tapusin ko ang pag print nito para madeliver ko na kina Mrs Santos mamaya"After ko mag-lunch ay agad kong tinawagan si Mrs Santos para sabihing ready na to deliver ang kanilang mga photos pati na rin ang video footage ng kanilang anniversary.
Hindi siya available today kaya nakisuyo nalang siya sa pamangkin niya para kunin ang mga pictures sakin.
Ang sabi sakin ay magkikita kami sa isang cafe. Ace ang pangalan ng pamangkin ni Mrs Santos. So since ang meet up time namin ay 3PM pa at nandito na ako 2:30PM palang, order nalang din muna ako ng paborito kong Iced Milk. Weird ba? Ang sarap kaya at iilan lang ang shop na may ganitong drink sa kanilang menu.
5 minutes after dumating ang order ko ay may nakita akong isang paparating na gwapong lalaki. Nasa 5'8 siguro ang tangkad niya sa tantya ko. Moreno at lalakeng lalake kung tingnan. Medyo masungit lang siya or baka hindi lang talaga to nakangiti. Nakasuot siya ng white shirt at maong na pantalon at matching pa sa white shoes nito. Medyo magulo ang buhok niya pero bagay naman sa kanya. Mas lalo tuloy siyang gumwapo. Hindi rin kalakihan o kapayatan ang katawan niya. Sakto lang sa height niya.
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko pero parang papalapit siya sa akin.
ACE:
"Ikaw ba si Gino?"GINO:
"Ahh hi. Y- yeah. Ako nga. Ace?"ACE:
"Yeah. Sorry di na ako naka reply kasi malapit nalang din naman ako"GINO:
"Okay lang 'yun. Anyway, eto na nga pala ang usb at nandyan lahat ng raw and edited photos including ang video ng anniversary ng tita mo. Tapos eto naman ang printed para matago nila at pwedeng balik-balikan anytime"ACE:
"Thank you. Agad-agad ah. Anyway, can I join you or aalis ka na ba?"GINO.
"Wala naman. Ikaw lang naman ang katagpo ko ngayon"Napangit siya bigla at nakita ko na mas gwapo pala siya pag nakangiti. Teka lang nahihilo yata ako. Hahaha. Pero late ko nalang na realize na medyo may laman pala ang nasabi ko. Nakakahiya lang kasi parang naghahanap tuloy ako ng booking.
GINO:
"I mean yung business related na tagpo ha. Baka kung anong iniisip mo"ACE:
"I get it. Hahah. Order lang ako ah"At nag-order si Ace ng Iced Coffee na dala-dala nito ng makabalik sa table ko.
ACE:
"Matagal ka na ba sa work mo?"GINO:
"Sakto lang. Mag iisang taon palang kami ng mga kaibigan ko. Pero kung ang pagkukuha ko ng pictures 3 years na. Freelance kasi ako before"ACE:
"I see. I like your photos. Bago ka kinuha nina tita tiningnan ko page mo at mga gawa mo. Full of happiness. Masiyahin ka siguro kaya nagrereflect sa gawa mo"GINO:
"Oo. Pag malungkot ako hindi ako nakakakuha ng magagandang shots. At kung meron man makikita pa rin nila sa gawa ko na may sadness ito"Hindi ko namalayan na mag-iisang oras din pala kaming magka-usap. Napasarap ang pag-uusap namin kasi madami siguro kaming pareho ng mga gusto. From foods, travel destination at maging sa movies.
Tatayo na sana kami para umalis ng cafe ng biglang may isang lalakeng lumapit sa amin na galit ang mukha.
"Akala ko ba di ka available today pero may oras ka naman palang makipag-date sa iba!"
BINABASA MO ANG
Let's fall in love tonight
RomanceSi Gino ay isang freelance photographer na ayaw pumasok sa isang relasyon pero curious kung ano nga ba ang pakiramdam. Makilala niya si Ace, isang architect na ang hilig ay makipag-fling lang. Si Ace ba ang magiging unang boyfriend ni Gino who will...