(4) You lift me up to see the light

35 1 0
                                    

Hanggang ngayo'y masakit pa'rin ang ulo ko dahil sa pagkakatama nung bola.
Hindi ko na ito sinabi kina Mama, dahil panigurado mag-aalala na naman sila. Yung kupal kasi'ng 'yun. Siya ang may kasalanan nito, e.

Kasalukuyan  akong nakaupo sa parati kong pwesto habang ini-strum ang aking gitara kasabay ng pakikinig ng musika sa mini iPod ko.

Mula pa'man kasi noon ay ganito na talaga ang ginagawa ko sa tuwing nababagot. Kukunin ko ang gitara o kaya'y makikinig ng mga musika sa radyo o cellphone. Sa pamamagitan kasi nito'y gumagaan ang pakiramdam ko, 'yung parang ang ganda lang ng mundo at walang problema. Less toxic and stress, nakakaginhawa.

Now playing: Too Good at Goodbyes by Sam Smith

“You must think that I'm stupid, you must think that I'm a fool,
You must think that I'm new to this,
But I have seen this all before”

I sing as I strumming the guitar,

Siguro isa na'rin 'to sa mga maipagmamalaki kong talento na meron ako, hindi naman sa pagmamayabang ngunit may maipagmamalaki naman talaga ako pagdating sa pagkanta. Bata pa lang ako ay mahilig na kong kumanta, minsan nga'y sumasali pa ako sa mga contest kapag foundation day sa school namin. Hindi naman ako ganung ka-confident pero sinusubukan ko.

“I'm never gonna let you close to me,
Even though you mean the most to me,
Cause every time I open up it hurts,
So I'm never get to close to you, even when I mean the most to you,
In case you go and live me in the dirt”

And I closed my eyes to feel the song that I been singing as I strum the guitar.

“But every time you hurt me, the less that I cry,
And every time you leave me, the quicker this tears dry,
And every time you walk out, the less I love you,
Baby, we don't stand a chance, its hard but it's true.
I'm way too good at goodbyes, I'm way too good at goodbyes”

I can really feel the pain while singing and hearing that song.

The lyrics was a bit hurtful and I can rely on it. Ang sakit lang nung kanta, 'yung ang galing mong magtago ng sakit sa harap ng maraming tao kasi ayaw mong makita nila na mahina ka. Yung pipilitin mo nalang na iwasan s'ya para hindi na masakit kapag nawala siya. Yung maaga pa'lang hinahanda mo na ang sarili mo para kung sakaling aalis man s'ya madali na lang at di kana masasaktan pa.
I'm not so sure kung ganun ang message niya pero para sa'kin ganun 'yun dahil ganun ang nararamdaman at naiisip ko.

I know your thinking I'm...” natigil ako sa pagkanta at pag-i-strum ng gitara ng may pumalakpak mula sa di kalayuan.

“Ang galing!”saad nito habang pumapalakpak.

Hindi ko 'man makita ang mukha niya'y alam ko na at kilala ko na kung sino siya.

Ano na naman kayang kailangan ng kupal na 'to?

“Javeey, ikaw pala! Anong meron?”rinig kong tanong ni Ate Sabrina na palapit sa may direksyon ko.

“Ash, gumawa ako ng sandwich para sayo. Snack ka muna” alok ni Ate Sabrina, at dinig ko pa ang paglapag nito nung dala niyang pagkain sa mesa sa harap ko at hinawakan ang balikat ko.

“S-salamat po, Ate Sab”nakangiti kong sabi.

“Javeey, baka gusto mong umupo” saad muli ni Ate habang nilalagay sa kamay ko ang ginawa niyang sandwich.

“T-thank you po” pasalamat ni Kupal habang papalapit ang mga yapak papunta sa direksyon namin.

“Nga 'pala, anong ipinunta mo rito?”

“Ba'ka naman manghihiram ulit ng cuticle”  putol ko sa sinasabi ni Ate Sab, habang natatawa.

“Ang sama talaga sa'kin ng kapatid mo, Ate Rina.”may paghihinakit na sabi ni Kupal.

“Hay naku, kayong dalawa. Wag n'yong masyadong ikainis ang isa't isa ah, ika nga nila “The more you hate, the more you love” sige kayo!” may halong panunuksong sabi ni Ate Sab, sa'ming dalawa.

What? Hindi 'ata ako makakapayag 'dun, kung ito lang din na lalaking 'to mas pipiliin ko nalang na tumandang dalaga.

“Narinig mo 'yun, Miss Ama? The more you hate, the more you love, raw. Ayiehhh!”

“Bakit sa tingin mo ba magkakagusto ako sa'yo? Wag kang feeling dahil kahit tayong dalawa na'lang ang natitira sa mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo” may inis sa tonong sagot ko.

Napaka-feeling, nakaka-bwisit.

“Hay naku, kayong dalawa! Mag-ayos nga kayo.” saway ni Ate Sabrina, at tumayo.
“Maiwan ko na nga muna kayo rito dahil aasikasuhin ko pa yung niluluto ko sa kusina. Javeey, ikaw ng bahala kay Ash, paki-alalayan na'lang.”

“Oo naman Ate Rina, ako ng bahala.” sagot ni Kupal.

“Wag kayong mag-aaway ah!” pahabol pang bilin ni Ate na  parang nasa loob na ng kusina.

Sa lahat pa ng tao sa mundo, ito pang kupal na'to ang naiwan sa tabi ko.

“P'wede ka ng umalis.”walang gana kong sabi habang kinakapa-kapa ang baso na nasa mesa.

“Heto oh!” sabay lagay nito ng baso sa kamay ko “Hindi kita pweding iwanan, binilin ka sa'kin ni, Ate Rina” dagdag pa niya.

Dapat na ba akong ma-touch dahil sa sinabi niya? Oh, dapat na ba akong mainlove dahil gentleman din pala s'ya? Tsk...as if! Ampp!

“Well, hindi ko po kailangan ang tulong mo. Kaya ko ang sarili ko kaya pwede ka ng umalis.”pagtutulakan ko pa.

“Magaling ka palang kumanta at mag-gitara. Saan mo natutunan 'yun?” pag-iiba nito sa usapan at ramdam kong lumipat sa tabi ko.

“Chismoso ka talaga ano?” saad ko at kinapa ang mesa upang ilapag sana ang baso ngunit siya na naman ang gumawa nito.

“Hindi ba pweding curious lang ako? Ang galing mo kasi e, sumali ka kaya sa mga singing contest sa tv? Oh kaya, isasali kita sa amateur contest sa kabilang barangay. Panigurado mananalo ka run.” saad pa niya habang ngumunguya.

“Ay, nga pala kinuha ko na 'yung isang sandwich mo. Mukhang masarap e” dagdag niya.

Ang kapal talaga ng mukha. Grabi!

My Lighthouse (Short Story, Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon