ATTL: Pool Party Pt.3

41 3 1
                                    

Sophia's POV

Pagkatapos ng nangyari hindi na namin nagawang magtinginan ng deretso ni Vin, sino ba naman kasing magiging normal ang asta kung may unexpected na nangyari sa inyo diba? Pero aminin ko man o hindi, nagustuhan ko.

'Aish ano bang iniisip mo sophia ha? Nababaliw kana ba? Masyado kang marupok!'

Sa sobrang pagiisip, hindi ko namalayang nasa loob na pala kami ng dining area. Agad namang hinanap ng mga mata ko si Vin. At hindi naman ako nahirapang hanapin sya, nakita ko siyang kausap si Enan sa may tabi ng pool. Kita parin sila rito kasi glass wall lang ang pagitan ng pool area at ng dining room namin. Mukhang seryoso ang pinaguusapan mila pero ipinagsawalang bahala ko nalang yon at kumain.


Pagkatapos kumain nagpasya kaming mga girls na umakyat na at magbihis, masyado narin kasing late, baka magkasakit pa kami. Ganon narin ang boys.

Habang naliligo ako ay di parin maalis sa isip ko yung nangyari, pano kami maguusap niyan? Sayang naman yung moment, bakit ba kasi ako humarap ayan tuloy T-T. Pinilit kong alisin yon sa isip ko at tinapos na ang pagligo. Nagsuot nalang ako ng oversize jacket at dolphin shorts.

Lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Phoebe na hinihintay akong matapos habang nakaupo sa kama namin, mukhang alam nya na hindi ako okay dahil kanina pa akong tahimik at di kumikibo.

"Seb are you okay? Napansin ko kasi na kanina ka pang walang kibo, what happened?". May pagaalala sa tono nya.

Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari, as in lahat including the kiss. And imbes na malungkot sya ay aba ang gaga parang sinilihan ang puwet sa pagkakilig. Lord pahingi nga po ng isa pang kaibigan yung matino, char HAHAHAHAHAHAHA.

"So huhulaan ko, di kayo makapagusap ni Papa Vin dahil awkward kayo?". At tumango naman ako bilang pag sangayon.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Seb, natatakot akong baka nagalit sya or whatsoever". Andaming pumapasok sa isip ko, pero ang mahalaga sakin ngayon ay bumalik kami sa dati ni Vin.

"Edi ikaw ang mag first move sebby, kausapin mo na siya at ayusin nyo. Baka kasi kapag pinatagal niyo yan ay hindi niyo na maayos. So ayusin nyo na sa lalo't madaling panahon okay? Kaya mo yan sebby, dito lang ako hm?". Tumango ako at niyakap siya.

"Thank you Seb, Mabubulok na'ko kaiisip kung ano ang gagawin ko. Buti nalang nandyan ka, thank you!!". Habang pinanggigigilan ko sya at napatawa naman kami pareho pagkatapos.

"Oo nga pala sebby, kamusta ka? Kayo ni Enan? Ano ng status niyo?". Tanong ko sa kanya kaya naman namula ng todo yung pisngi nya.

"A-anong k-kami ni E-enan? G-gaga kab-ba wala yon, sapakin kita dyan e". Nauutal pa talaga, kaya ka napaghahalata e.

"Tingnan mo'to, kapag ako sinasabi ko sayo lahat tapos kapag ikaw lihiman? Unfair mo sebby, magagalit ako sayo sige ka". Sabi ko pa with matching pagtatampo.

"Sebby sorry na, eto na sasabihin ko na. Wag kana magalit ha? Nililigawan na ako ni E-enan". Napangiti naman ako sa kanya ng malaki.

"OWEMJI, DALAGA KANA SEBBY HAHAHAHAAHAHAHA YIEEEEE". Pang aasar ko sa kanya habang kinikiliti ko ang tagiliran niya.

"Ano kaba wag ka ngang maingay, baka marinig ka nung iba. Ikaw palang ang nakakaalam bukod samin ni Enan". Napatakip naman ako sa bibig ko at nag peace sign pa.

"Sorry naman hehe, osya sige tara na sa baba at baka miss kana ng 'manliligaw' mo HAHAHAHAHAAH". Diniinan ko sadya ang pagbanggit para mas maasar sya at nagtagumpay nga ako, ang sama ng tingin nya saken HAHAAHAHAHAH.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Asaran Turns to LambinganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon