Sophia's POV
Bumalik na ako sa dating pwesto ni Vin at nakita kong wala na ang mga kasama namin.
"Asan na sila?". Tanong ko kay Vin.
"A-hh humiwalay na sila". Sagot nya.
Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ito.
"Ahh san tayo pupunta?". I ask.
"Basta". Sagot nya.
Sa may tabing parte ng perya kung saan walang gasinong tao ay may parang burol na di gaanong kataasan at may isang malaking punong nakatanim, dun kami nagpunta.
Naupo kami sa ilalim ng puno.
"Bakit tayo nandito?". Tanong ko.
"Kaya tayo nandito kasi may sasabihin ako sayong importante". Sabi nya.
"Vin ano ba talaga sasabihin mo?"
"A-hh Sophia may gusto sana akong sabihin sayo...I like you"
"Hahaha Vin stop fooling me hahaha your funny kung gusto mo'kong pagtripan wag ako iba nalang,nandyan naman sina haz--" pinutol nya ang sasabihin ko sa pamamagitan ng mga katagang nagpatigil sa sistema ko.
"Kung para sayo laro lang tong nararamdaman ko edi sige susugal ako kung yon ang paraan para mahalin mo rin ako". Sambit nya habang nakatingin saking mga mata.
Shet nagsasabi nga sya ng totoo I can't speak, I don't know what to say, I don't know how to approach him.
"Nagsimula tong nararamdaman ko nung elementary palang tayo hindi ko alam pero nalove at first sight ata ako sayo, kaya lagi kitang inaasar para mapansin moko kahit pa magalit ka saken basta mapansin mo lang ako". Pagpapatuloy nya pa habang nakatingin sa araw na palubog na.
"Vin". Tawag ko sa kanya.
Humarap sya saken
"Bakit ako?"
"Di ko rin alam chubs basta ang alam ko mahal kita". Habang sinasabi nya yan ay natulala ako at di ko namalayang nahalikan na nya ko sa pisnge.
"Hokage ka rin no?!". Sabi ko sa kanya na may kasamang batok.
"Aray!". Daing nya.
"Kasalanan mo yan!paraparaan ka eh!". Mura ko sa kanya.
Nagkatinginan kaming dalawa sabay halakhak ng malakas.
"Hahaha"
"Sophia". Tawag nya saken.
"Hm?"
"Kung sakali bang liligawan kita may pagasa ba ako?". Sabi nya tapos nagiwas ng tingin.
"Siguro, Ewan, Baka, Oo, Aish di ko alam pagiisipan ko muna di pa rin kase ako makaget over, binigla moko eh"
"Sorry"
"Okay lang"
"Sana kahit umamin nako sayo ikaw parin ang chubs ko"
"Oo naman at ikaw parin ang tsonggo ko hahaha"
"Hahahaha"
~To be continued~
Ikaw Lamang-Silent Sanctuary🎶
_______________________________________Short update ulet guys
© ASARANTURNSTOLAMBINGAN. All Rights Reserved. Seamoon. 2017.
BINABASA MO ANG
Asaran Turns to Lambingan
Teen FictionSa muling pagkikita ng dating magkaklase may mabubuo kayang pagtingin sa kanilang dalawa?