ATTL:Phone Call

142 7 0
                                    

Sophia's POV

Hayst, hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Vin kanina saken na nagpapagulo sa isip ko haysss. Nandito nako sa bahay kauuwi ko lang galing sa perya.

Flashback

"Vin balik na tayo dun, baka hinahanap na nila tayo". Sabi ko sa kanya.

"Ahh sige". Tugon nya.

Tatayo na sana ko pero hinila nya ko pabalik kaya napaupo ulit ako.

"Ano yon?". Tanong ko.

"Sophia pagisipan mo sana yung tanong ko sayo na kung pede ba kitang ligawan. Gagawin ko ang lahat para lang makuha ko ang oo mo, nakakabading man pero kinikilig ako kapag nakikita ko yang mga ngiti sa labi mo. Pinapangako ko sayo na hinding hindi kita iiwan pag kaylangan moko. Alam ng diyos kung gano kita kamahal sophia, higit pa sa buhay ko ang pagmamahal ko sayo" pakshet ano ba to masyado na nya akong pinapakilig kulang nalang mahimatay nako sa kakiligan namula tuloy yung mukha ko sa mga sinabi nya.

"A-hh sige pagiisipan ko.......a--hh Vin salamat nga pala dun sa kanina ah" Habang nahihiya pakong napatingin sa kanya.

"Alin dun?"

"Ansabi ko thankyou kase your always there for me kapag natatakot ako, lagi kang nakaalalay kapag nanghihina ang loob ko at tsaka dun sa mga sinabi mo kanina na nakapagpagaan ng loob ko, thank you talaga Vin kung wala ka siguro nahimatay nako sa takot kanina hahaha". Sinserong sabi ko sa kanya.

Asaran Turns to LambinganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon