I love you , Pero hindi tayo TALO.! [ Chapter 04 ]

322 2 0
                                    

Chapter 4

Nagsimulang manligaw si Jack .. ayy este Eddy pala noong February 12 2010.. Sweet niya pala talaga kahit na minsan sobra na sa ka-cornyhan ang future boyfriend ko.. Ayos lang kasi sobrang bait niya naman.. Never niya ako binastos.. Naging maginoo siya sa akin..

Kahit na hindi pa kami ni Eddy may theme song na kami kagad.. " Like A Rose "

February 14 noon. Uyy. Valentines day.. 6:00 palang ng umaga tinext ko na si Eddy..

Psyche: Uyy! Jack ng buhay ko! Happy Hearts Day.. I Love You!

Pero di ako umasang magre-reply sa akin si Eddy.. yun pala tulog mantika yung mokong na yun.. mga 10:00 ng umaga siya nagigising , ngunit dumaan ang 10:00 , 11:00 , 12:00 .. wala Eddy ang nagreply sa text ko.. paglabas ko ng bahay wala akong nakitang Eddy.. hinintay ko siya .. 1:00 , 2:00 , 3:00 , 4:00 , 5:00 wala pa rin siya.. Kaya naman sa aking kwarto nahiga at umiiyak.. Nang biglang may kumatok sa aking pinto.. Pagkabukas ko ng pinto may mga talulot ng bulaklak sa lapag..

Sinundan ko ito... Mukhang papuntang labas.. Sa may bakuran.. May biglang lumapit na bata sa akin..

Bata: Ate , Ate .. may nagpapabigay po nito..

Inaabot ng batang cute ang bouquet of Flowers.. Rosas na pula na may kahalong itim na rosas.. at may card ito..

Binasa ko..

"Sundan mo ang bata"

Biglang tumakbo ang bata.. at tulad ng nasa card sinundan ko ang bata.. Madilim na nuon.. Kaya di ko siya masyadong nakita.. Sinundan ko siya hanggang sa kanto.. Madilim duon halos walang street light.. Paglabas ko sa kanto..

Narinig ko ang umpisa ng " Like A Rose " at may spotlight.. si Eddy..

( Habang tinutugtog ang Like A Rose )

Eddy: Pwede ba kitang maisayaw?

Psyche: oo.. oo naman

Eddy: Happy Hearts Day..

Naiyak ako nung sinabi niya yun dahil hindi ko akalain na may mag su-surprise sakin ng ganun kasi first ko yun..

Eddy: Uyy.. Bakit? may nagawa ba ako sayong mali?

Sa sobrang saya ko napayakap ako sa kanya ng mahigpit na mahigpit..

Eddy: teka.. uyy.. okay ka lang ba? Teka di ako makahinga! hui.!

Psyche: Sorry ha.!

Eddy: Bakit nga?

Psyche: Nayakap kita ng mahigpit yan tuloy di ka makahinga.. sorry talaga!

Eddy: Haha.. I mean.. bakit ka umiiyak?

Psyche: Tears of Joy toh..

Eddy: aa.. ganun ba?

Psyche: oo ganun yun!

Eddy: Wala yun!

At ipinagpatuloy namin ang pagsasayaaw sa kalong ng musika.. last stanza na ng kanta.. Parang JS prom lang..

( Within this bed of Earth just like a rose )

Biglang hinawakan ni Eddy ang kamay ko ng mahigpit at dinala na naman ako sa isang lugar  ni Eddy.. madilim.. pagtungtong ko sa parang hagdanan biglang tugtog ng violin ang aking naririnig.. Napakalamig sa tenga.. Kasabay ang pagbukas ng spotlight. Sa lamesang pandalawahan.. Candle light dinner ang inihanda ni Eddy para sa aming dalawa..

Nang makaupo kami sa upuan.. binigyan niya ako ng chocolate at teddybear na halos kasing laki ko na.. We started to eat the foods na.. ang sarap ng mga pagkain..

Sa kalagitnaan ng aming kinakain nang may binigay siaya sa akin..

Isang Rosas na hindi pa bumubuka.. isang bud.. at may nakita akong kumikang na nakasuot sa bud.. Singsing ito.. kinuha ko ito , nakita iyon ni Eddy at kinuha sa akin saka lumuhod..

Eddy: Will you be my Girl?

Psyche: OO! OO! oo naman.!

Nasungkit ni Eddy ang matamis kong oo.. napaka-romantic kasi niyang tao.. Kahit sino namang babae mapapasagot niya kapag ganun diba?

Nang marinig niya ang oo.. isinuot niya ang singsing sa akin.. atsaka tumalon-talon at humiyaw-hiyaw na para bang nabaliw na..

Psyche:Hui , Anu ka ba? mukha ka ng tanga dyan! tumigil ka na nga..

Eddy: I think sa ngayon ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo.. I LOVE YOU PSYCHE!

Psyche: lumang style na yan..

Eddy: Eto bago..!

Binuhat niya ako.. at nilapag mula sa table.. Hanggang sa gitna ng lugar na iyon , pagkalapag niya sa akin lumiwanag ang paligid at umulan ng petals ng rosas .. at sinabi niya sa akin..

Eddy: I love you! tsaka thank you na rin..

Psyche: Para saan ang Thank you?

Eddy: Kasi nagawa mo akong pasayahin ng ganito.. In my entire life ngayon lang ako sumaya ng todo..  

Pagkasabe niya dito tumulo ang kanyang luhang itim dahil sa eyeliner niya.. kinuha ko ang panyo mula sa aking bulsa para punasan ang luha niya..

Psyche: Wag ka ngang umiyak ( habang pinupunasan ko ang kanyang luha ng aking panyo ) wag kang umiyak ha! nadadamay kasi ako ee.. ( nangingilid ang luha ko)

Eddy: Wag ka ding iiyak ..

Nagyakapan kami ng mahigpit.. Dahil sa sobrang tuwa ko ay hinalikan ko siya.. at ganun din naman siya..

Eddy: Marami talagang salamat.. You make my life complete.. Kaya wag kang mawawala sakin ha.. It will never be the same without you!

Psyche: Tama na anga yan.. corny mo na! Uwi na kaya tayo.. 8:00 na ohh..

Eddy: Sige hatid na kita sainyo.. tutal magkalapit lang naman tayo ng bahay..

Psyche: Okay.. Thank you din ha..

Eddy: Para saan naman thank you mo?

Psyche: Sa pagkain , sa rose , sa chocolate mpati na din dito sa teddy bear na kasing laki ko lang..

Eddy: Sus , wala yun.. basta para sayo kaya kong bilhin..

Psyche: I love you.! Happy Heart's day ulit..!

Eddy: Happy Heart's Day din sayo.. I love you with all my life..

I love you.! Pero hindi tayo TALO.!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon