"Okay class, see you tomorrow." huling sabi ng aming professor habang iinayos nito kanyang mga kagamitan bago siya lumabas ng aming silid, ng makalabas ito ay kinuha ko na rin ang aking mga gamit at nagtungo sa silid nila Xander.
Makalipas ang limang minuto ay nakarating na ako sa silid nila Xander, siya'y nag-aayos ng kanyang mga kagamitan habang ang kanyang mga kaklase ay nagsisilabasan narin sa kanilang silid kaya naman pumasok na ako upang sunduin siya at upang tulungan na rin sa pag-aayos.
"Tulungan na kita."
"Ah, sige salamat." ngumiti ito.
"Halika na mahal, bilisan mo at baka gabihin pa tayo." hinila ko na siya palabas ng silid.
"Gabihin? Bakit, hindi pa ba tayo uuwi?"
" Mahal naman... " nagtatampo kong saad. "pupunta tayo sa Mall."
" Oo na. " saad nito habang naglalakad kami patungo sa terminal . Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa terminal ay naghanap na ng masasakyan upang makapunta sa Mall.
"Mahal, ano ba ang dahil at pumunta tayo dito sa Mall?" tanong sa akin ni Xander habang hinahanap namin ang Food Section sa Mall.
"Ito naman! Bibili tayo ng grocery dahil paubos na 'yong stocks natin. " sabi ko sa kanya at taska ko siya hinihila si patungo sa 'Food Section' ng makita ko ito.
" Oh sige."
Nang makarating kami sa 'Food Section' ay kumuha ako ng basket upang mayroon kaming paglalagyan ng aming mga bibilhin.
"Mahal, ikaw nalang ang kumuha ng mga gulay, prutas at mga karne. Dito rin tayo magkita mamamaya ha." pag-uutos ko sa kanya.
" Oh sige." maikling tugon nito.
"Ako nalang ang bahala sa snacks, hygiene kits at can goods." saad ko dito at tsaka ako nagsimulang maghanap ng aming kaylangan.
Matapos ang ilang minutong paghahanap ng aming mga kaylangan ay natapos narin ako, nagtungo ako ulit sa 'Food Section' upang hanapin si Xander ngunit ng makarating ako doon ay wala siya, nagtungo muna ako sa ibang Section upang tumingin ng mga bagay na aking magugustuhan.
Nang mainip ako sa pagtingin-tingin ay napagpasyahan ko ng hanapin si Xander
" Mahal? " bulong ko sa aking sarili habang nililibot ko ang aking paningin.
Nasaan na ba siya? Kanina na pa ako naghahanap dito pero wala pa rin siya. Saan na naman ba kasi siya nagpunta? Arghhh! Napakabigat pa naman ng mga dala ko, baka maputol na ang mga kamay ko.
" Mahal! Saan ka naman ba nagpunta?! " ang mahinang sigaw ko sa kanya habang naglalakad ito papalapit sa akin.
" Diyan lang. "
" Anong diyan lang? "
" Bumili nito. " sabi niya sa akin at pinakita ang isang medyo may kalakihang box na nakabalot sa gift wrap.
" Para saan naman 'yan? " nagtataka kong tanong.
" Wala lang, para sa birthday ng tropa ko. " Tropa? Kaylan pa siya nagbigay ng regalo sa ka-tropa niya.
" Ah... Halika na umuwi na tayo at gabi na. "
ang sabi ko sa kanya sabay abot ngbisang supot ng pinamili namin kanina.Habang naglalakad kami palabas ng Mall ay hindi ko maiwasan ang magtaka sa box na pinakita niya kanina, kasi naman kung sa ka-tropa niya lang naman iyon ibibigay ay hindi na siya mag-effort at sasabihin niyang gastos lang 'yon. Ngayon niya lang naman kasi iyon ginawa eh, noong nakaraang araw nga ay kaarawan din ng pinakaclose niya sa lahat ng ka-tropa niya ngunit hindi man lang niya ito binigyan ng regalo. Nakapagtataka talaga.
" Uuwi na ba tayo o may pupuntahan pa?" tanong nito ng makarating kami sa paradahan.
"Ah wala na, uuwi na tayo."
" Mahal? "
" Ano 'yon? " tanong ko.
" Nandiyan na 'yung taxi. " sabi niya sa akin ng tumingin ito sa paparating na jeep.
Tumingin naman ako sa direksyon niya at doon ko nakita ang jeep, ng makarating ang jeep sa aming puwesto ay sumakay na kami para umuwi.
Nang makarating kami sa apartment namin ay nagtungo agad ako sa aming kusina upang ayusin ang aming mga pinamili, matapos ko itong ayusin ay nagluto na ako ng aming hapunan ni Xander.
"Xander! Kakain na, bumaba ka na." sigaw ko mula sa kusina.
"Sige, saglit lang."
"Oh sige, bilisan at lalamig na aking mga pagkain."
Pagkatapos namin kumain ni Xander ay sinabihan ko na siyang maunang maligo habang ako naman ay inaayos ang aming pinagkainan at tsaka ito hinugasan.
" Xander, tapos ka na bang maligo?" tanong ko dito pagkarating ko sa itaas.
" Oo, tapos na ako, maligo ka narin."
"Ah, sige." sagot at nagtungo na sa banyo upang maligo.
Nang makalabas ako mula sa banyo ay nakita ko siyang nagseselpon.
"Tama na 'yan, matulog na tayo. Diba sinabi ko, bawal ang magpuyat, kahit na walang pasok kinabukasan." ang sabi ko dito habang nakataas ang isang kilay.
"Ito naman, wala na ngang pasok bukas." sagot naman nito na lalong nagpataas ng isang kilay ko.
"Ah basta! Matulog na!"
"Ayaw ko!" sagot nito habang patuloy na nagseselpon.
"Ayaw mo ha!" Tignan nalang nating kong hindi ka pa matutulog.
Nagpunta naman ako sa paanan ni Xander at kiniliti ko ang kanyang mga paa.
"Ah! Hahahahaha! Tama na, oo na, matutulog na ako." pasusuko niya dahil sa matinding kiliti.
"Tignan mo, matutulog ka rin pala. Hahaha!" Napasimangot naman siya dahil sa sinabi ko.
"Madaya 'to!" nagtatampo niyang saad.
"Ulol! Matulog na!"
"Oo na!" sabi nito at tsaka niya kinuha 'yong kumot habang ako naman ay nagtungo na sa tabi niya upang matulog na rin.