Chapter 2

10 4 0
                                    


"Xander?" tanong ko sa kawalan ng ako'y magising. Nasaan ba 'yon? Napakaaga pa ngunit bumangon na.

"Makapaglinis nga muna." bulong ko sa aking sarili at nag-umpisa ng mag-linis ng makababa ako sa sala ng apartment, matapos akong maglinis ay nagluto na rin.

Hooo! Nakakapagod naman! Sandali lang, nasaan na ba si Xander? Tapos na akong maglinis at magluto pero wala pa siya. Saan nanaman ba siya nagpunta?

" Happy 2nd Monthsary mahal!

"Ahhh!" nagulat kong sigaw sabay tingin sa aking likuran, doon ko nakita si Xander na may ngiti sa labi.

" Mahal naman! " may konting inis na sigaw ko dito. Mayroon itong hawak na bulaklak at isang box habang naglalakad patungo sa aking kinaroroonan.

" Happy 2nd Monthsary mahal! " bati sa akin ni Xander sabay bitiw ng isang napakatamis na ngiti tsaka ako hinalikan sa pisngi sabay abot ng bulaklak at ng box na bili niya kahapon.

"Happy 2nd Monthsary din mahal!" tugon ko at ngumiti sabay yakap sa kanya.

Saglit lang, akala ko ba para sa ka-tropa niya ito, pero bakit niya binigay sa akin?

" Mahal?. Akala ko ba para sa tropa mo 'to? " nagtataka kong tanong sabay angat ng box.

" Siyempre, hindi noh. Para sa'yo talaga 'yan, para sa nag-iisang mahal ko." sabi niya sa akin habang magkayakap kami.

Awww! Ang sweet talaga ng mahal ko. Pero wala man lang akong regalo sa kanya. Siya kasi eh, umalis siya ng hindi nagpapaalam, hindi tuloy ako nakabili ng regalo ko sa kanya.

"Sorry mahal, wala akong regalo sa'yo." naghihinayang na sabi ko dito.

" Okay lang 'yan mahal. "

" Pero maha-"

" Shhhh... okay lang 'yon mahal. " sabi niya sa akin habang nakalagay ang hintuturo niya sa labi ko.

" Halika na nga kumakain na tayo, "

" Ah sige mahal, kain na tayo nagugutom na din kasi ako hihihi... "sabi ko habang marahan kong hinahaplos ang aking tiyan. Rawr!

Habang kumakain kami ay masaya kaming nagkuwekuwentuhan tungkol sa mga nangyari sa loob ng dalawng buwan namin bilang mag-kasintahan. Akalain mo 'yun, 2 months na pala kaming mag-kasintahan at dahil doon nagpapasalamat ako sa kanya, sapagkat sa loob ng 2 buwan na 'yon ay hindi niya ako iniwan.

"Mahal, anong gusto mong gawin natin ngayon?" tanong nito.

" Hmmm... Beach! Gusto ko sanang magbeach tayo, pwede ba yun mahal?" tanong ko habang puno ng pagkain ang bibig ko. Gusto ko talagang magbeach eh, nakakapagod na din kasing mag-aral, maraming ginagawa at tsaka masakit sa ulo. Hihihi...

" Oo naman mahal, ikaw pa malakas ka kaya sa akin. Sige mag-bebeach tayo." tugon nito sa sinabi ko. Ayon oh, Yes!

" Yes! Yes! Yes! Salamat mahal! " pasasalamat ko at tumayo upang yakapin siya at hinalikan sa pisngi.

"Your welcome mahal. Oh sige, bilisan mo diyan kasi kaylangan nating bumili ng sunblock at ng mga kakailanganin natin kapag nagbeach tayo." Oo naman noh, ayokong umitim baka pumangit ako.



"Ah sige!" tugon ko dito at binilisan na ang pagkain. Rawr!

Nang matapos kami kumain ay inayos ko na at hinugasan ang mga pinagkainan namin para walang kalat, ayoko kaya ng masyadong makalat, masakit sa paningin.


"Halika na mahal, bibili na tayo ng sunblock." sabi nito ng makalabas siya ng apartment.

"Wait!" sigaw ko mula sa loob ng apartment. Nasaan na ba yung tsinelas ko? Jusko po! Magpakita ka na, ayaw kong masira ang araw ko dahil lang sa tsinelas.

"Mahal! Nakita mo ba 'yong tsinelas ko?" tanong ko kay Xander na nasa labas ng apartment. Magpakita ka na, please!

"Oo, nandito sa labas!" tugon nito sa akin.

"Buwesit ka! Nasa labas ka pala kaya hindi kita mahanap dito." bulong ko sa aking sarili na para bang baliw habang naglalakad palabas ng apartment.

"Saan naman tayo makakabili ng sunblock sa ganitong oras? 8:30 palang, mayroon na kayang bilihan na nakabukas ng ganito kaaga?" tanong kk kay Xander ng makalabas ako

"Oo, meron na." tugon nito.

"Halika na." sabi ko tsaka siya hinila patungo sa paradahan. Yes, excited na ako!

Habang nasa jeep kami ay tinanong ko siya kong saang beach kami pupunta. Wala kasi akong alam na malapit na beach dito sa lugar namin eh, hindi naman kasi ako gumagala.

"Mahal, saan ba 'yon beach na pupuntahan natin? Malapit lang pa dito at tsaka bus ba ang sasakyan natin?"
sunod-sunod na tanong ko. Hihihi...

Natawa siya. "Dahan-dahan lang naman sa pagtatanong, mahina ang kalaban."

Natawa din ako. "Hihihi... sorry."

"Ah... malapit lang ata 'yon at tsaka hiniram ko 'yong kotse ng kuya ko, 'yon ang sasakyan natin."

"Ahhh... biti naman at napapayag mo siya." sabi ko dito.

"Oo nga eh..."






Nang makarating kami ay nagumpisa nankaming mag-hanap ng mga kakaylanganin namin sa beach.

"Mahal? Okay na ba 'to?" tanong nito at ipinakita ang laman ng basket na hawak nito. Sunblock, snacks, sun glasses at floaters. Isang malaking check! Wait, floaters?

"Floaters? Para saan naman 'yan?" tanong ko.

"Para hindi ka malunod." tugon naman nito.

"Grabe ka naman, anong akala mo sa akin. Hindi marunong mag-swimming?" nagiinis kong tanong.

"Okay lang 'yan, at least safe ka." saad nito. Che! Ikaw kaya ang lunudin ko.

"Oo na! Halika bilis, excited na talaga ako." sabi ko dito sabay hila sa kanya papunta sa counter upang magbayad.

Nandito ako ngayon sa kuwarto ko at nag-eempake na ako kasi pupunta na kami sa beach.
Yes! magbebeach na kami.
Excited na talaga ako kasi matagal na kaya akong hindi nakakapagbeach, mga dalawang taon na siguro.

" Mahal, tapos ka na bang mag-empake ng mga damit mo? "

" Oo mahal, nakaempake na ako. " sagot ko sa tanong niya.

" Oh sige, tara na. " sabi niya sa akin habang palabas na ng kuwarto.

"Wait, akala ko ba sasakyan ng kuya mo ang gagamitin natin pero wala naman dito." sabi ko dito ng makalabas kami ng apartment ngunit wala siyang sinabi.


"Peep! Peep!"

"Ay kabayo!" Napatalon naman ako sa gulat.

Natawa naman si Xander. "Oh, nandiyan na pala 'yong sasakyan natin." sabi nito.

"Oh! Bro, heto na oh." ang sabi ng kuya ni Xander.

"Kuya Mark naman eh, nangugulat ka!" naiinis kong sabi dito. Natawa lang naman siya.

Tignan mo to oh, napakasama talaga. Hmp!

"Hahaha... sorry." sabi naman ni kuya Mark.

"Che!" sabi ko dito sabay irap

"Ikaw talaga, napakasuplada mo. Oh sige na, aalis na ako." sabi ni kuya Mark pero hindi ko na siya pinansin at sumakay na ako sa kotse dala ang mga gamit ko.

"Oh sige kuya, salamat ha." pagpapasalamat naman ni Xander sa kuya niya.

"Ano, pupunta na ba tayo?" tanong ni Xander ng makapasok siya sa kotse.

"Oo, pumunta na tayo. Bilis!" saad ko dito ng nakangiti. Get ready for me beach, I'm coming! Rawr!



























Unforeseen NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon