Kabanata 2 : Hindi Nakikita at Hindi Nakikita

47 4 1
                                    

Kabanata 2

Hindi Nakikita at Hindi Nakikita

"Ang taong hindi nakikita ay nakakakita ng taong hindi nakikita."

#WinIsWind

🌙~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🌙

     "Magandang gabi! Welcome to UNISTAR SHOWTIME! Sundan natin ang buhay ng mga buwan!"

     "Ngayong araw, narito tayo para sa isang eksklusibong panayam dahil maraming fans ang humihiling, 'Paano namin mahahanap si In UNISTAR, na sobrang gwapo na parang isang anghel ngunit hindi nakikita?' At ngayon ay inimbitahan natin ang lahat ng miyembro ng UNISTAR para sagutin ang katanungang ito!"

     Nakahiga ako sa kama sa loob ng aking dorm, habang nanonood ng isang tv program sa Youtube gamit ang aking cellphone.

     UNISTAR SHOWTIME sundan ang buhay ng isang Buwan - Episode : IN, Buwan na Hindi Nakikita

     Sa video, naglalakad ang cameraman upang sundan ang mga miyembro ng UNISTAR para mai-record ang panayam sa loob ng studio, siguro ay nasa kalagitnaan sila ng breaktime ng trabaho.

     Nag-zoom ang kamera sa unang miyembro, si P'Leo, #FullMoon ang gamit niya sa Twitter hashtag. Dahil sa pagiging perpekto, magandang mukha, mahusay sa pag-aaral, magandang pagkatao, nag-aaral para maging doktor, multilingual at ang pinakanormal sa grupo, kilala siya bilang ang perpektong modelo na Buwan.

      Leo : Para sa kaso ni N'In na invisible, hindi na ako nagulat. Pwede itong ipaliwanag ng agham, hindi talaga 'invisible' si N'In, hindi ito isang kababalaghan. Sa tingin ko, alam ni N'In kung paano ilalayo ang kanyang sarili sa paningin ng mga tao. Na-curious kami ni P'Kwang noon, kaya tsinek namin ang CCTV at nagtaka kami kung paanong nandoroon lamang si N'In pero walang sinuman sa amin ang nakakapansin. Dahil si N'In ay madalas na pumupwesto sa mga blindspots o sa mga lugar na ang mga tao ay hindi binibigyang pansin. Kapag siya ay lilipat ng lugar, kikilos lang siya kapag ang ibang tao ay abala sa ibang bagay. Bukod doon, palaging ginagawa ni N'In ang lahat ng tahimik at maglalaho bago pa man namin iyon mapansin. Alam ni N'In kung paanong gamitin ang isang lugar para magtago sa paningin ng mga tao.

    
••• T/N : N' (Nong) ay ginagamit kung ang pinapatungkulan mo ay mas bata sa iyo.  •••

    
     Tumango ako bilang pagsang-ayon, nag-aaral si P'Leo para maging doktor, hindi na nakakagulat kung paano niya iyon naipaliwanag ng may isang solidong paliwanag.

     Tagapanayam : Mukhang marami kang naiintindihan. Nakita mo na ba si N'In tuwing siya ay nasa 'invisible mode'?

     Leo : Kadalasan, kung ayaw niyang makita namin siya, bihira lang namin siyang makita. Pero, dahil mas maraming oras kaming magkakasama, mas natututo ako sa paraan niya. Ngayon ay mas nakikita ko na siya. Sa tingin ko ang mga introvert na tao ay may mas malaking tsansang makita si N'In kesa sa mga extrovert.

     Halimbawa, si P'Kwang ay isang introvert din at kamakailan lamang, ang skills ni N'In sa pagtatago ay bihira nang ume-effect kay P'Kwang. Sa palagay ko kung isa kang recluse na tao tulad n N'In at mas kilala mo  na siya, maaaring hindi mo na mapansin na invisible siya. Marahil, dahil sa pagkakapareho ng pananaw at kagustuhan - ang pagiging nasa parehong lugar at pagtingin sa isang bagay sa parehong paraan - iyon ang magiging paraan para makita mo siya.

     Isinaalang-alang ko ang pagsusuri ni P'Leo. Maaaring totoo na ang mga taong may magkatulad na ugali ay may posibilidad na makita ang lahat sa parehong paraan. Bigla kong naalala ang isang pagkakataon kung saan, nakatayo si P'In sa likod ng puno, kung saan walang ibang pumapansin. Gayunpaman, nakakagulat na kahit na hindi ko pa siya nakikilala noon, pero nakikita ko na siya sa unang pagkakataon samantalang ang iba ay kinailangan pang mas kilalanin pa itong mabuti.

UNISTAR : INVISIBLE MOON ( Ang Buwan na Hindi Nakikita ) ~ Filipino Translation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon