PROLOGUE

11 0 0
                                    


"OMG! Ang ganda talaga," nakangiting sabi ko habang nakasandal sa sofa at yakap ang isang unan.

"Ayan na naman? Hindi ka ba nagsasawa dyan? Ilang beses mo nang pinanood yan," epal ng magaling kong kapatid. Umupo siya sa tabi ko habang tutok sa kaniyang cellphone

I just finished watching my favorite movie which I had been watching for so many times. It is a love story where the guy fell in love to the girl he didn't expect to fall for. I turned off the T.V. and gaze that him.

"Why do you care ba? Ikaw nga paulit-ulit kang naglalaro ng ML na yan, pinakialam ba kita?" Iritang sabi ko sabay irap sa kaniya at balibag ng unan.

Nagulat ako nang tumama ang unan sa cellphone nya at nalalaglag sa sahig. Mabilis niyang pinulot iyon at tumingin sa akin ng masama.

"Anu ba?! Ba't ba nambabalibag ka?!" Malakas na sigaw niya sakin at binato rin sakin ang unan. Aba't siya pa talaga ang galit, eh siya nga itong nanggugulo sakin. Tsaka ang OA niya, hindi naman nabasag.

"Oh ngayon pikon ka? Samantalang nananahimik ako dito umepal ka?!" At inabot siya ng paa ko para masipa. Hindi ako papatalo no!

At ayun nagrambulan na nga. Kumuha pa sya ng unan sa sofa at pinagbabalibag sakin, syempre binabalik ko din sa kaniya ang bato niya.

"Huwag mo kong ginaganyan mas matanda ako sayo!" I shouted at him and throw the pillow.

"Ano na naman ba pinag aawayan nyo?!" Nang marinig ang malakas na sigaw na iyon ay natigil kami. Si mommy. Sermon na naman 'to.

"Eto kasi," sabay turo sa kapatid kong epal. "Namb-bwiset na naman."

"Ikaw kaya 'yon, binato mo ko nalaglag tuloy cellphone ko," sisi niya sa akin.

"Lily, dalaga ka na hindi ka na dapat pumapatol sa kapatid mo," nakapamaywang na pangaral sakin. Bumaling siya kay Zack, sa kapatid ko at, "Ikaw naman, alam mo namang ugali niyan ng ate mo pinapansin mo pa."

Ay wow ah. Nananahik lang ako dito eepal kasi. Well, hindi naman na bago 'to, dahil sure na nakita namin ang isa't-isa ay tiyak away na yan. Mapang-asar kasi yang kapatid ko at maldita naman ako kaya kahit maliit na bagay pinag-aawayan talaga namin.

"Hindi ba kayo nagsasawa? Nakakarindi na kayo ah," nako mahaba-habang sermon 'to. "Dapat hangga't maaga magmahalan kayong magkakapatid, dahil paglumaki kayo ay kayo lang din naman ang magtutulungan. Ikaw Zack, sabi ko huwag kang lumalaban sa tae mo di ba?"

Tumingin ako sa kaniya at dimilaan siya. Kaya lang nakita ni mommy.

"Isa ka pa, bawas bawasan mo ang kamalditahan mo," hinila pa niya ang buhok ko. "Noong ganyang edad kami, hindi naman kami nag-aaway ng mga kapatid ko," ayan na naman ang talambuhay ni mommy.

Nakaupo pa rin ako sa sofa habang nakayuko habang ang kapatid ko naman ay nakatayo at masama ang timgin sakin.

"Natatandaan ko pa noon, kaming magkakapatid ay tinutulungan ang isa't isa at hindi nag-aaway lalo na sa maliit na bagay. Kahit yung step brother ko, kahit kailan hindi kami nag-away non. Lahat kami at magkakaclose, kaya kayo, naku umayos kayo.

"Oo na po, oo na," pagmamaktol ko.

"Kaya di ka natututo--," naputol ang sinasabi ni mommy nang bumukas ang pintuan at pumasok si daddy kasabay ang bunso kong kapatid.

"Oh bakit nagkalat ang unan?" Kunot noo niyang nilibot ang paningin, maya maya pa ay tumingin ito samin ni Zack. "Nag-away na naman kayo," umiiling na wika niya.

"Ano pa nga ba?" Tumingin muna si mommy samin ng masama bago lapitan sila daddy. "Pawis na pawis kayo sa paglalaro ng basketball. Magbihis muna kayo at bumaba kayo dito para sa hapunan."

Umakyat sila para makapagbihis at ako naman ay tinawag ni mommy para tulungan siyang maghanda ng hapunan.

Tahimik lang kami sa hapag, minsan nag-uusap ang magulang ko about sa business namin. Close naman kaming family, kaya lang madalas kagalitam dahil sa pag-aaway namin magkakapatid.

Nang matapos kumain ay umakyat na ko sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagscroll sa instagram ko.

Napangiti ako sa bungad na litrato na kapopost pa lang ilang minuto ang nakaklipas.

Si Ceff. Crush ko na basketball player.

It is a picture of him wearing his jersey while sitting on a bench. Maybe they had their training today as I can see the sweat in his face and even his arms.

Grabe kahit sa picture makikita kung gaano kalaki yung muscles nya. Ang gwapo talaga.

Hindi ko pa siya nakikita sa personal, lalo na at sa ibang university siya nag aaral. He also three years older than me. He is popular among teens like me that's why I get to know him. Ceff is one of the varsity in Philippines University in Manila, one of the biggest university of course in the Philippines.

Hindi ko pa siya nakikita dahil sa ibang university siya nag-aaral. He is now in second year college and studying at Philippine University in Manila. Isa iyon sa malalaking university dito sa Pinas at scholar siya dahil sa pagiging athlete niya. Ang school kasi niya ay kabilang sa isang competition kung saan ang mga bigating school ay naglalaban gamit iba't-ibang sports.

This competition is called League Association of Basketball or LAB. Nagaganap ito once every school year at pinapalabas sa television. Kaya naman sikat siya at mraming humahanga is because Ceff is one of the best player.

I hit the like button and continue to scroll until my phone beep for a notification.

Cepheus Estrella is live: #CODMMUNITY

"Yes," ayos makikita ko ulit mukha niya. Every weekend a madals siyang maglive stream sa facebook ng laro niya sa call of duty at lagi kong inaabangan iyon. Wagas mag fan girl ang ate niyo.

I immediately go to facebook to watch and comment on his live.

Liliana Celine Canosa:
Pashout out Ceff baby <3!!

Liliana Celine Canosa:
Isang sharawt naman dyan!

Liliana Celine Canosa:
Notice me senpai <3<3

Hay wala talaga. Kanina pa ko nagcocoment dito, hindi man lang ako pinapansin. Nagbabasa naman siya minsan ng comments, hindi nga lang yung akin. Natapos na lahat hindi man ako nanotice.

Itinulog ko na lang iyon lalo na Monday na bukas at maaga ang pasok ko.

Find a WayWhere stories live. Discover now