Bumaba ako sa para sa agahan at malayo pa lang ay naririnig ko silang nag-uusap.
"Sasama ako sayo mamaya, gusto ko siyang makilala baka siya na ang step brother ko," narinig kong sabi ni mommy.
"Alright," sagot ni daddy, lumipad ang tingin nya ng pumasok na ko sa dining. "Good morning."
"Good morning," bati ko sa kaniya at naupo na sa silya habang sila ay patuloy sap ag-uusap. Hindi ko naman maintindihan pinagsasabi nila basta alam ko about sa step brother ni mommy.
Ang alam ko hindi naman sila related sa blood dahil nang makilala ng lola ko yung pangalawa niyang asawa ay pareho na silang may anak sa una. Ang kwento samin mom noon na halos kasabay na nilang lumaki ang step brother nila na iyon at itinuring na rin nilang tunay na kapatid. Kaya lang daw kalaunan ay nagkalayo na sila dahil naghiwalay na yung lola ko at pangalawa niyang asawa.
Nang matapos kumain ay naligo na ko at gumayak. Habang nag-i-skin care ay narinig ko ang malakas na kalabog sa pinto ng kwarto ko.
"Bilis naman malelate na tayo," Sigaw ng Zack at patuloy pa rin sa pagkatok.
"Oo, teka, sandali lang naman," sabi ko ngunit kabaliktaran ang ginawa ko. Mas lalo ko pang binagalan para inisin siya. Kaya lang paglabas ko ng bahay ay wala na ang kotse ni dad siya kasi ang naghahatid samin. Takte nakaalis na sila!
Mabilis akong pumasok sa loob para puntahan si mommy. "Mom, iniwan nila ko," nakasibangot kong sumbong sa kaniya.
"Ayan kasi ang bagal mo. Ako na ang maghahatid sayo tutal pupunta rin naman ako sa office ng dad mo."
Habang nagmamaneho si mom ay humarap ako sa kaniya at nagtanong.
"Nakita niyo nap po ang step brother niyo?"
"Hindi pa, pero yung bagong investor ng dad mo sa company ay kapangalan at kaaplido niya," nakangiting sabi niya.
Bumaba na ko nang makarating sa school. Wala namang special sa araw na to, just a typical day for a STEM student.
"Loko wala akong maintindihan sa basic calculus kanina," Naiiyak na sabi ni Ayu, isa sa mga kaibigan ko. Naglalakad kami ngayon papuntang canteen dahil sa lunch break.
"Huwag kang mag-alala kasama mo ko," si Kathy naman ngayon na umakbay pa kay Ayu na parang kino-comfort niya ito.
Natawa na lang kami ni Jamie sa kanila. Well, mahirap naman talaga at medyo nakakalito.
"Kawawa naman pala kayo. Send ko na lang sa inyo mamaya notes ko," natatawang sabi ni Jamie.
"Bait talaga, kaya kaibigan kita eh," at pabiro ko siyang siniko. When times like this, us, having hard time understanding the lesson, Jamie is always their trying help us to cope up with the lesson.
Mabilis namang natapos ang araw na iyon dahil hanggang three thirty lang naman lagi ang uwian namin.
Gabi na ngunit wala pa rin si mom and dad. Natapos na kaming maghapunan at ngayon ay nandito kaming magkakapatid sa sala upang hintayin sila.
Maya lang ay narinig na naming ang kotse nila, tumayo kami upang buksan ang pinto at abangan sila. Nagmano kami sa magulang naming at napansin ko agad ang ngiti ni mommy.
"How is it? Bakit ginabi na po kayo?" I ask.
"I found him and we had dinner together that's why we're late," masayang paliwanag niya.
"Wow! That's good."
"Yup and tomorrow they will pay a visit here with his family. You'll meet your tito and your cousins."
Gabi na rin kaya nagpasya na kaming matulog. Syempre bago yon, tingin muna kung may bagong update si crush. Wala namang bago bukod sa story niya na nag-eendorse ng isang energy drink.
Ganon lang din ang naging routine ko nang umaga. Kain, ligo, pasok, sulat. Ngayon ay nakatambay kaming magkakaibigansa isang bench sa ilalim ng puno dahil katatapos lang naming ng lunch at may tira pang oras bago ang klase.
"Hoy tignan nyo 'to!" malakas na sigaw samin ng Ayu habang hawak niya ang kaniyang phone at nanlalaki ang mata.
"Anu yan?" Jamie ask curiously.
"Patingin," kaniya-kaniya kaming tingin sa phone ni Ayu.
Nanlaki din ang mata ko sa nakita. May story sa ig si Ceff at 3 minutes ago pa lang. Nasa sasakyan siya habang nakatutok yung camera sa kalsada at may caption na 'OTW to Pampanga'.
"Pupuntahan niya ko, gusto daw niya kasi akong Makita," biro ni Kathy.
"Feelingera."
"Ay assuming."
"Kapal ng mukha ah."
"Tse! Inggit lang kayo," Tinawanan na lang naming ang pag-iilisyun niya.
After our dismissal, I go straight to our house. Hindi na ko nagulat nang may nakitang sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay naming, Ito na siguro ang step brother ni mommy.
Pagpasok ko pa lang sa sala ay dinig ko na ang malalakas na tawanan na naggagaling sa likod bahay.
Dumiretso ako doon upang makapagmano. May nakahandang malaking lamesa na puno ng pagkain at katapat non ay isa pang lamesa kung saan sila nakaupo. Unang nakakita sakin si mommy at tinawag ako. Mayroon siyang kasama na may edad na lalake pero may bakas pa rin ng kapogian at May edad din na babae pero mukang bagets pa rin at maganda. Dumapo naman ang mata sa isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid-twenties at wag ka, ang gwapo niya. Si dad ay wala, maybe he is still at work.
"Lily, lumapit ka dito at magmano," nakangiting tawag ni mommy, yun nga ang gagawin ko. "This your tito Ricky and tita Carmen and their son Aries, your cousin," she introduced me to them. Nagbless ako.
"Hello po," I greeted and smile at them. Nakatitig lang ako sa kanila at minumukaan sila. Parang nakita ko na sila, parang pamilyar sila.
"Ang ganda ng panganay mo," puri ng Tita Carmen. I know Right! I thanked her.
"Yung dalawa mo pang pinsan kasama ng mga kapatid mo, baka makasalubong mo sila sa loob, batiin mo. Sige na at magbihis ka na at bumalik pa dito para kumain." Si mommy. Nagpaalam na ko sa kanila at umakyat na.
Habang nagbibihis iniisip ko talaga kung saan ko sila nakita dahil sobrang pamilyar talaga nila sakin. Lumabas na ko ng kwarto upang magmeryenda nang marinig ako ng tawanan sa kwarto ng kapatid ko. Iyon siguro mga pinsan ko. Hindi ko na pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Kumuha ako ng pagkain tulad ng carbonara at cake. Nagpaalam ako na sa kusina lang kakain, puro matatanda kasi ang nandoon at hindi naman ako makakarelate sa pinag-uusapan nila
Habang kimakain ay nagpasya akong manood ng vlog ng favorite influencer ko. Upon watching, I heard some footstep but I ignore it.
"Ehem," nagulat ako nang marinig ang ubo na yon kaya napalingon ako sa pinang galingan.
Literal na napanganga ako at nanlaki ang mata ko. No way. This can't be. This is impossible.
"Nasan yung c.r. nyo dito?" nakangiting tanong niya.
"C-c-ceff"
YOU ARE READING
Find a Way
Teen FictionHow does feels to be loved by a person you love too? It was so much satisfying, satisfying that it was like you were lying in a cloud. But what if the people around you keep on hurting you cuz' they don't accept the fact that you are the one that he...