CHAPTER 2

7 0 0
                                    


"C-c-ceff," I stuttered. Nakatulala pa rin ako sa kaniya, hindi makapaniwala na nasa harap ko siya ngayon. He's wearing a navy blue polo partner with a black jeans and white sneakers. Ang gwapo ng dating nita tapos yung mukha niya wala man lang bakas ng tigyawat. Kahit na hindi kami ganoon kalapit ay amoy na amoy ko ang pabango niya, hmm ang bango hindi masakit sa ilong.

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay na parang bang nabigla na kilala ko siya. He chuckled. Dun ako natauhan sa tawa niya at pilit inalis sa mukha ko ang pagkagulat.

"Hm, kilala mo pala ako," nahihiyang sabi niya habang nakahawak sa batok at napayuko, ngunit agad ding nag-angat ng tingin. Sunod-sunod ang pagtango na ginawa ko. "So, you're probably my cousin."

"We're not cousins!" I shouted at him. The shock is evident on his face and confuse at the same time. Miski ako ay nagulat sa sinabi, napakurap-kurap ako. "I-I m-mean we're not r-really cousins cuz you know we are not b-blood related," nauutal na paliwanag ko.

"Oh Yeah, you're right," natatawa at patango-tango niyang sabi. Alam naman pala niya na hindi kami totally magpinsan. Hala baka akalain niya ayaw ko siyang maging pinsan. Loka, ayaw mo naman talaga, crush mo nga yan eh!

"Ahm anyway, yung tanong mo pala, nandon yung c.r.," sabay turo ng daanan. Nagpasalamat siya at tumalikod na. Ay grabe ah, di man lang tinanong ang pangalan ko. Tanga ka ba't kasi di ka nagpakilala.

Pumikit ako nang mariin at umupo ulit, iniisp ang nangyari. OMG! Nakaharap ko siya, ang tangkad pala talaga niya, matangkad din naman ako pero kanina halos na tingala na ko sa kaniya. Wah! Ang gwapo din niya tapos yung ngiti niya err! But...pinsan ko daw sya. Umiling ako sa iniisip, "hindi, hindi naman kami magkadugo at tsaka isa pa crush ko lang naman siya. Walang masama don...oo tama, ayos lang yon." Kausap ko sa sarili ko.

Loko kaya pala pamilyar yung mga magulang niya sakin, nakikita ko minsan sa mga post niya. Bakit ba kasi di ko naiisip iyon bigala? May isip ka ba?

Niligpit ko na ang pinagkainan ko at lumabas na ng kusina para umakyat sa kwarto ng kapatid ko. Habang naglalakad ay naisip ko na ikwento ito sa mga kaibigan ko, iingitin ko mga iyon Bwahahaha! Diretso ako sa kwarto ni Zack at naabutan kong naglalaro sila ng PS5, nakita ko rin na nandon na si Ceff.

Kunot noong tumingin sakin si Zack nang makitang pumasok ako. "Hoy ba't nandito ka?" Ngunit hindi ko siya pinansin, pasalamat siya at nandito ang crush ko kundi binatukan ko na yan.

Tumingin ako doon sa bunsong kapatid ni Ceff at nginitian siya. "Hello, anong pangalan mo?" Kai. Kai ang pangalan niya, alam ko syempre pero tinanong ko pa rin baka sabihin niya ang creepy ko. Dakilang stalker kaya toh! Di ko lang agad nakilala mga magulang niya.

"I'm Kai," nakangiting wika niya. Sa tingin ko sa kaniya ay mukhang kaedad lang siya ng kapatid ko, 14 years old.

Lumipad ang paningin ko kay Ceff na naupo sa sahig na may hawak na joystick. Naupo ako sa dulo ng kama.

"Kumain na ba kayo?" masayang tanong ko habang nakayuko ay sinisilip ang mukha niya.

"Yup, nakapag miryenda na kami," sabi niya at ngumiti. Humarap naman ako ngayon sa kapatid na may hawak rin ng joystick.

"Zack, hindi mo ba kilala si Ceff? Player siya ng P.U."

"Kilala. Anu ba wag ka ngang magulo," sagot sakin ngunit nakatingin pa rin sa laro. I make face and roll my eyes at him. Kaya lang ngumiti agad ako nang makitang nakating pala samin si Ceff.

"Nanonood ka pala ng Basketball?" he asked me with a smile in his face. Si kai na ngayon ang ngalalaro at may hawak ng joystick.

"Maraming crush yan don eh," singit ng kapatid ko. Sinamaan ko siya ng tingin at narinig ko si Ceff na tumawa. Nag-init ang pisngi ko. Hmp! Ikaw lang kaya crush ko dun.

"Ahm, actually lahat naman ng sports doon ay pinapanood ko hehe," sagot ko kahit na madalas lang naman talaga ako manood ng isang sports.

I can't believe na nasa harapan ko siya ngayon at nakakausap ko. Dati sa t.v. ko lang siya napapanood at nakikita ko lang siya dahil sa mga update niya sa social media, pero ngayon grabe ang swerte ko.

Nagpatuloy lang sila sa paglalaro at kung minsan ay pag kinakausap ko siya ay sumagaot at kinakausap rin niya ako. Busy ako sa panonood sa kaniya nang may bumulong sa tabi ko.

"Do you have a crush on Kuya Ceff, Ate?" Napatalon akong at tumingin sa nagsalita, si Jared ang bunso kong kapatid.

"What are you talking about? And where did you learn those word?" kabata bata neto kung anu-ano lumalabas sa bibig ah.

"You've been staring at him for too long," He then shrugged and left to play with them.

Obvious ba ko masyado? Na eexcite lang naman kasi ako dahil nandito siya. Hindi nagtagal ay may kumatok at bumukas ang pinto. Dumungaw ang ulo kaya nakita ko kung sino ito, ang panganay na kapatid nila, si Kuya Aries.

"Tawag na kayo. We're about to eat dinner," Anyaya ni Kuya Aries, bumamaba na siya kasunod ang bunso kong kapatid ang bunso rin niyang kapatid. Si Zack naman ay niligpit ang play station niya at tinutulungan naman siya ni Ceff, tumulong na rin ako. Wala lang, pabibo lang kay crush.

Nang matapos ay lumakad na kami pababa, si Zack ay tumakbo na at naunang bumababa dahil gutom na daw. Timawa talaga.

"Dito kayo matutulog?" tanong kay Ceff habang pababa ng hagdan.

"Hindi eh, may pasok kasi kami bukas," sagot niya. Aw sayang naman, tabi pa naman sana kami. Charot!

"Ah oo nga. Tsaka college ka na rin kaya mahirap umabsent pati malapit na din ang LAB, babad kayo sa training ngayon noh," ang feeling close ko talaga. Siguro naiingayan na 'to sakin, kanina pa ba naman ako nagdadadaldal.

"Yeah, after class naming sabak agad sa training, hanggang gabi na yon. Nakakapagod pero isang beses lang naman sa isang taon mangyari iyon kaya binibigay na naming ang best namin at ene-enjoy," nakangiting paliwanang niya. Next next month na iyon mangyayari, may one month pa sila para mag training.

Nang makarating sa dining ay nandoon na silang lahat pati na rin si dad na mukhang kauuwi lang galling work. Panay ang usap at tawanan nila habang kami naman na mga abta ay tahimik lang. Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang mama ni Ceff na nakatingin sa akin. Nang magtama ang mata naming ni Tita Carmen ay ngumiti ito sakin.

"Ikaw hija, ang ganda ganda mo. Wala ka pa bang boyfriend?" tanong niya. Bakit kaya lagi na lang nagtatanong ng ganun ang mga tita kapag nakiikita ang pamangkin nila?

"Wala po," kasabay ng awkward na tawa.

"Imposible, pero sure ako marami kang manliligaw. Ilang taon kana?"

"17 na po at Grade 11 po."

"Naku marami talagang manliligaw yan. Buti nga sa awa ng Diyos ay wala pang nagiging boyfried. Huwag muna sana at masyado pang bata," singit sa usapan ni mommy.

Kalaunan din ay nawala na sakin ang atensyon at nagpatuloy sila sa usapan nila. Madalas akong sumusulyap kay Ceff at kung minsan ay nahuhuli niya ko ay ngini-ngitian ko siya. Nakakahiya naman baka maweirdohan na sakin to.

Hindi nagtagal, pagtapos ng dinner ay nagpasya na silang umuwi. Nakakalungkot naman, kailan kaya ulit kami magkikita nito? Hinatid naming sila sa labas.

"Ingat po kayo," paalam ko sa kanila. Tumingin ako kay Ceff, nginitian niya ko kaya kumaway ako sa kanila and I mouthed 'ingat' at sinuklian din ng ngiti.

Nasa kwarto na ako ngayon at nagpapagulong-gulong sa kama, iniisip ang mga nangyari. So, nakita ko si Ceff, nakausap ko siya, at mayroon pa kaming chance na nakapagkita ulit. Waah! Kaya lang ang masaklap ay magpinsan daw kami. Pero 'di naman kami magpinsan talaga at hindi ko rin naman siya ituturing na pinsan hehe.

Pagpasensyahan niyo at sobra lang ang pagf-fangirl ko. Ikaw ba naman, Makita mo ang crush mo syempre lubusin mo na. Kaya lang napatakip ako sa bibig ko nang may napagtanto. Hindi pala ako sobra magfangirl, aba nakalimutan kong magpa authograph at magpapicture! Anak ng!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Find a WayWhere stories live. Discover now