On that day

26 4 0
                                    

It's sunday afternoon and the humid air is felt, and it was a normal day for me.

Nasa simbahan ako para sumimba. Hindi ko nasimulan ang misa, medyo late na kasi ako galing sa trabaho, nag sasalmo na ng makarating ako sa upuan.

I decided to sit at the back, I can't clearly see the priest or any of the altar server, buti nalang may speaker dito sa may likod para makinig ko ang misa. Laking simabahan ako, bata palang sumisimba na kami kasi sabi sa'kin ni mama, ang laking tulong ng pag simba sa buhay ko, nagkasakit kasi ako noon, My doctor told us na hindi ako pwedeng operahan, because 'yung sakit ko is unusual for women and it'll be a hard operation plus we don't have the money, but then, months after, I was healed as if a miracle has happened and that was after we keep on attending mass on a specific church which I no longer remember, and we think that it was all because of God.

Sa homily ng pari, napukaw ang atensyon ko at ng mga tao, hindi 'yon tulad ng ibang sermon na nakinig ko, "I used to love a girl nung highschool palang ako" panimula nya, "Hindi naman porket pari ako, hindi nako nagmahal ng isang babae, gustong-gusto ko s'ya, madalas kaming mag usap nung nasa seminaryo pa ako. Halos araw-araw sinusulatan ko 'yon, madami pa akong ibang nakilala, pinakilala ko sila sa kanya kaso lalo lang akong nawalan ng pag-asa na gusto n'ya rin ako kasi parang wala lang naman sa kan'ya 'pag may pinapakilala akong babae, minsan nga medyo pinapa halata ko na para bang gandang ganda ako don sa babae, alam n'yo 'yon? Kaso sa huli, napapasabi pa rin ako na mas maganda s'ya, mas mabait. Bago mag 4th year, s'ya pa rin ang gusto ko, kahit maraming babae ang nakilala ko, nakausap, s'ya lang ang nagustuhan ko, kaso natatakot ako kasi sa tuwing may magtatapat sa kanya, halos mapahiya lagi, palaban kasi 'yon at walang interes sa mga ganoong bagay. Paglipas ng araw, malapit nako grumaduate ng junior high sa seminaryo, hiningan ko s'ya ng letter, baka nga naman sakaling gusto n'ya pala ako, at kung ganoon man, ipapaalam ko sa kanya ang nararamdaman ko, at ipagpapatuloy ang pangarap ko kahit hindi na bilang pari, pero pagbigay n'ya sakin, ibang-iba ang nabasa ko sa ineexpect ko at nagtulak 'yon sa'kin upang magpari, halos memorya ko pa ang nasa loob non, at yung letter na 'yon ay dala ko ngayon, ilang taon na rin ang nakaraan, "Dear father, oh 'yan father na, ituloy mo ha! kunyari ka pa, alam mo sa totoo lang, gusto kita, gustong-gusto. Pero gusto kong ipagpatuloy mo ang pag papari mo, hindi naman dahil natatakot ako na baka makahanap ka ng iba at kalimutan ako, magpatuloy ka dahil alam kong mas sasaya ka sa pagiging pari at pagiging instrumento ng Diyos upang ipahayag ang kaniyang mga salita, gusto kita pero alam kong wala ng mas hahalaga pa sa Diyos Ama, kaya piliin mo ang bokasyon na sa una palang ay pinili mo na, gusto kita, pero lubos ko Siyang ginagalang at alam kong karapatdapat kang maglingkod sa Kan'ya." mahaba pa yung sulat, pero 'yon ang mga salitang tumatak sa'kin. Itinuloy ko ang pagpapari ko at isa s'ya sa mga dahilan niti, at oo tama s'ya, dahil sa pagpapari ko rin nakilala ang aking sarili at kung ano talaga ang aking gusto, at 'yon ay ang kagustuhan kong magpahiwatig ng mga salita ng Diyos. Mga minamahal kong kapatid, ang nais ko lamang iparanting, sa ating buhay ay may mga taong darating, minsan upang magbigay ng isang aral sa atin, minsan sa mag iiwan ng sakit sa ating puso, minsan naman magbibigay ng palaisipan sa atin upang gawin ang isang desisyon sa ating buhay na lubos rin nating papahalagahan at higit sa lahat, maraming tao ang darating upang ilapit tayo sa Panginoon." Iyan ang eksaktong sinabi ng pari sa misa, at kitang kita ang interes sa mata ng mga sumisimba.

Natapos ang misa na nagbigay sakin ng halong kaba at saya, napaka pamilyar ng kwento at sulat na ibinahagi niya, naglakad ako malapit sa altar matapos makalabas ng karamihan sa simbahan, doon ko nakita ang mga matang nagpatibok sa puso ko ilang taon na ang nakakaraan, I saw the man I loved serving the Lord, with the smile I always dreamed to see, it is such a great thing to know, itinuloy n'ya pala.

On that dayWhere stories live. Discover now