Written Star

51 29 51
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, and events in this story is produced by the author's imagination. Any similarities with actual events is not intentionally and just a coincidence.

Plagiarism is a crime punishable by law.

___

Written Star

By girlonblush

Hindi naman talaga ako naniniwala sa destiny na yan. Pinapaniwala lang tayo ng mga pinapanood nating drama, at mga libro na binabasa natin.

Toxic yang mga yan, ang galing mang-uto e. Kaya siguro maraming umaasa na totoo ang tunay na pag-ibig. Na merong mga prince charming sa totoong buhay. Pwe.

Hayy. Hindi ko maiwasang napabuntong hininga kapag naiisip ang mga bagay na yan.

Masyado nilang naa-adapt yung mga nakikita at nababasa nila. Na hindi naman talaga nangyayari sa totoong buhay. Nakakaawa.

Ganyan ang mga bagay na pinaniniwalaan ko noon. Bitter na kung bitter, pero hindi naman talaga nakakabusog yang pagmamahal na yan. Destiny destiny. Ang daming alam.

Pero nagbago ang pananaw ko nang makilala ko si Mira. Naniwala ako na kung ano nga ang intinakda ng tadhana ay wala na tayong magagawa.

Yang Destiny na yan, mapanakit din pala.

___

"Uy pre may chiks!" walang hiya. Nananahimik ako rito tapos siko ng siko si Jasper.

"Ano ba?" Binalingan ko sya ng may kunot sa noo. At iwinaksi ang kamay nyang kanina pa nangangalabit. Papansin e.

"Ayun oh." turo nya pa. Ako namang uto-uto ay sinundan ko ang kanyang tinuturo. Bastos to e.

Gaya ng mga nakikita namin lagi. Nakikita ko mula rito ang dalawang couple. Ews. Ganyan na ganyan talaga si Jasper sa tuwing nakakakita kami ng ganito. Kaso wala nga lang talaga ako sa mood ngayon.

Magkahawak ang mga kamay nila habang bumibili ng fishball.

"Yuck." kusa yang lumabas sa bibig ko ng makita ko pa silang magsubuan. Yuck. Nakakasuka. Kadiri.

Napailing iling ako sa nakita. Narinig ko rin ang malakas na tawa ni Jasper. Bastos na to.

Masyadong PDA akala mo naman kung maganda silang tignan. E mukha naman silang mga kuko. Bigla akong nawalan ng gana sa nakita kaya nagpasya akong umalis nalang at puntahan si Lolo.

"Pre mauna na ako, enjoy the view." Sabi ko pa bago tuluyang lumabas sa bilyaran.

"Gagi!" Narinig ko pang sigaw nito sa akin pero hindi ko nalang pinansin.

Umalis na ako at dumaretso na sa ospital kung saan naka diagnose si Lolo. Mahigit isang buwan na sya dito at sobrang laki na ng ipinayat nya.

Hindi ako sigurado kung tama ba ang naririnig ko ng papalapit na ako sa kwarto kung nasaan si Lolo. Nakakarinig kasi ako ng tawanan, mahina lamang ito. Pero mararamdaman mong masaya sya, sa way ng pagtawa nya. Matagal ko nang hindi naririnig na ganito si Lolo simula nang dalhin namin sya dito.

Written Star (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon