Necklace

9 1 0
                                    


Alam kong mali itong ginagawa ko.
pero hindi ko maintindihan kung bakit ko pa ginagawa ang bagay na ito. kahit sarili ko minsan hindi ko rin maintindihan Lalo na kapag may isang bagay akong nagugustuhan nangangati ang aking kamay sinasabi ng isip kong kunin ko daw baka makuha pa ng iba, mas mabuti kong ako na lang ang makinabang kaysa ang may ari.

isa pa hindi ko rin naman matitiis na balewalain ang sinasabi ng aking isipan, dahil ako rin lang naman ang mahihirapan sa bandang huli. kaya naman kailangan kong pagbigyan ang mga binubulong nito,  Kailangan Ko itong sundin.

Ang  pagnanakaw ang Isa na rin sa   paraan ko para matakasan Ang mga bagay na nag dudulot Ng labis na sakit sa akin.

Aaminin ko sa sarili ko na Noong una ay nahirapan pa akong gawin Ang mga bagay na madalas ko na gawin ngayon. Pero sa paglipas Ng panahon unti unti narin akong nasanay. Hanggang sa Hindi ko na mapigilan Ang aking sarili na gawin Ang mga bagay nato, kahit Alam Kong masama Ang ginagawa ko.

Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nagawa mo na Ang isang bagay na dati rati at Hindi mo Naman ginagawa.

Ang hirap din pigilan Ang sarili mong Hindi gumawa Ng isang bagay Lalo na Kung ito'y nakasanayan mo na. Kahit una pa Lang Alam Kung Mali na itong  ginagawa , Hindi ko na Ito mapigilan dahil may parte sa aking pagkatao na nasasabik sa pagkuha Ng gamit Ng iba. Hindi rin kumpleto Ang araw ko kapag Hindi ako nakakakuha Ng isang bagay Lalo na kapag Ang bagay nayon ay gustong- gusto ko. Katulad ngayon
nakatayo ako sa likod ng puno ng mangga habang  naghihintay ng pagkakaton na makuha ang nahulog na wallet ng aking kaklaseng si Rossa. lunch break namin ngayon kaya walang ibang makakakita sa gagawin ko. hinihintay ko na lang na lumabas si tony nasa loob pa kasi siya ng classrom . hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa loob. nanginginig na ang kamay ko. nakakainis ano ba kasi ang ginagawa ng mokong na yon? bakit ang tagal niyang lumabas.

Hindi ko inaalis ang tingin sa wallet ni rossa, kahit kumurap hindi ko ginawa. gusto kong makuha ang wallet na iyon. dahil sigurado akong marami ang laman ng wallet niya. minsan ko na kasing nakita ang laman ng wallet ni rossa at hindi ako namamalikmata nang makita ko ang laman. may tig iisang daan at mga barya akong nakita  nang minsan niya itong buksan at sa harap ko mismo.

   Naalerto ako bigla ng makita kong palabas na si tony.
  Bigla akong nakaramdam ng kakaibang tuwa sa isiping makukuha ko na ang wallet. mas lalo pang na dagdagan ang pangangati at panginginig ng aking kamay.dahil sa tensyong nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Nang tuluyan ng makalabas si tony ay sakto namang pagpasok ni rossa sa loob kasama ang kaniyang tatlong kaibigan. ang kaninang tuwang nararamdaman ko ay napalitan ng pagkainis at pagka dismaya lalo na ng makita kong pinulot ni rossa ang kaniyang wallet. napapadyak ako sa sobrang inis.

  " Ayos ka lang ba?" napatigil ako sa pagpadyak. napatingin ako sa aking likuran at doon ko nakita ang nag aalalang mukha ng kaklase kong si Warren. Mas lalo pa akong nainis ng makita ko ang pag mumukha niya. isa pa ito sa mas lalong nag papainis sa akin.  hindi ko matukoy kong anong klaseng nilalang itong si Warren dahil sa palagi niyang pag sulpot. pakiramdam ko sinusundan niya ako . kung nasaan kasi ako nandoon din siya.

" Stalker ka ba? " hindi ko napigilang tanong sa kaniya.

" hindi. bakit ikaw stalker ka rin ba? " nakangiting sagot niya. sa halip na sagutin ko ang kaniyang walang kwentang tanong ,  inirapan ko na lang siya at tinalikuran. hindi pa ako tuluyang nakakaalis ng magtanong na naman siya ulit .

" Hindi ka pa ba titigil? " nilingon ko siya at kinunutan ng noo.

"Titigil saan" naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"diyan sa ginagawa mo "  sigurado akong may alam siya tungkol sa mga ginagawa ko.

" Ano ba ang ginagawa ko ?" pag mamaang mangan ko. kahit na ang totoo may ideya na ako sa tinutukoy niya. nginitian niya lang ako. ang creepy ng tingin niya sa akin bigla akong kinabahan ganon din ang ibinibigay niyang ngiti nakaka panindig balahibo. hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. may kung anong pahiwatig ang mga ngiti niya. ilang beses niya na akong nginitian pero ngayon lang ako nakaramdam ng kaba.

Short storiesWhere stories live. Discover now