Patawad

19 2 0
                                    

Bakit napakagulo ng buhay
nais maging masaya habang-buhay
bakit puro na lang away
kaya nauuwi sa paghihiwalay.

Minsan hindi natin masasabi
ang takbo nang ating sarili
minsan tayo'y nagiging makasarili
hindi na iniisip ang mga nasasabi.

Tayo'y nakakasakit ng damdamin
ngunit masakit din para sakin
ayaw mang masaktan ka
subalit nasabi ko na.

Patawad yan ang masasabi ko
hindi mapapangakong hindi mauulit ito
kung tayo'y palagi na lang ganito
sana parehas tayong magbago.

Note: Ang buhay ay hindi parating masaya lang. Nandiyan ang pagsubok na magpapatibay kung saan aabot o hanggang saan ang isang relasyon. Parating may nakaabang na pagsubok kaya walang dapat na sumuko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

About them...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon