Act 10

37 9 14
                                    

Act 10:

The Show, The Horror, The First Step

¤ ¤ ¤

Danica’s PoV

August 25, Friday. August Elimination Event.

Nandito kami ngayon sa backstage naghahanda dahil ang klase na namin ang susunod na magrarampa ng mga designs namin. Since nasa pinakalikod kami ng seating arrangement, kami ni Tyler ang pinakahuling magrarampa ng aming mga designs. Buti na lang dahil kanina pang umaga hanggang ngayon ay ni anino ni Tyler hindi ko maaninag. Saan na namang planeta iyon napadpad? Kita mong napakahalaga ng okasyon ngayon, ngayon pa niya naisipang magmissing-in-action.

“Class Sapphire, get ready. Kayo na ang susunod,” paalala ng stage commentator. Mas lalo akong kinabahan  dahil wala pa talaga si Tyler. Eh hindi ko pa man din alam ang cellphone number niya nang matawagan ko siya. Kung makikita ko siya, first thing na gagawin ko is kunin ang number niya para kapag may mga insidenteng ganito, at least, he's one call away.

Hindi na ako mapakali at akmang aalis sana ako para hanapin siya dahil nagbabakasakali pa akong may natitirang time pa bago ang entrada ng aming class. Sa kasamaang palad, narinig ko ang malakas na announcement ng commentator sa pagtatapos ng Class Ruby sa kanilang pagrarampa ng mga deisgns nila at saka sunod na inannounce ang entrada ng class namin. Nang magsimula ng maglakad ang mga kaklase ko para sa pagrampa, para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi pa rin dumadating si Tyler.

Nararamdaman kong nangingilid na rin ang mga luha ko dahil natapos na ang first 10 ng klase namin at kami na ang susunod. Napasalampak ako sa sahig dahil umentrada na ang mga natitirang hindi pa nagrampa na mga kaklase ko.

“Danica, anong ginagawa mo diyan? Di ba kayo ang second batch?” nagtatakang tanong ni Suzette, kaklase ko na siya ring kumausap sakin noon at sinabihan akong magahanap ng model.

Tumingin ako sa kanya at tuluyan na ngang pumatak ang mga luhang pilit kong pinipigilan.

“Suzette,” mangiyakngiyak na tawag ko sa kanya. Nilapitan niya ako at hinagod sa likuran ko.

“May oras pa, Danica. Maghintay ka dito at tatawagin ko si Kris. Baka sakaling mairampa niya ang dress mo,” paliwanag niya at agad umalis sa tabi ko at tinungo ang dressing room sa kabila ng backstage.

Nagkaroon ako ng pag-asa dahil sa sinabi ni Suzette. Makalipas ang ilang saglit, bumalik si Suzette. Napangiti ako sa pag-aakalang may nahanap siya kaso umiiling siyang nakatingin sakin hudyat na hindi pumayag si Kris at wala siyang nahanap na pwedeng magmodel ng design ko. Nawala ang ngiti ko at ang kaunting pag-asa na pinanghahawakan ko.

‘Bwisit ka Tyler! Pagkatapos mong sabihin na irarampa mo ang design ko pero hindi ka naman tumupad. Bwisit ka talaga!’ sumpa ko sa isip ko.

Pinunasan ko na ang mga luha ko at tumayo. Tinungo ko ang dressing room. Kinuha ko ang design ko at isusuot ko sana nang biglang may kamay na humawak sa braso ko dahilan para mapaigtad ako sabay damba ng suntok kung sino ang humawak sa akin.

“What the! Will you calm down?” medyo naiinis na sabi ng humawak sa akin.

Dinilat ko ang aking mga mata at tumambad sa harap ko ang kanina ko pa hinahanap at hinihintay at hindi malaman kung saang lupalop ito pumunta.

“Sorry I was late-”

“Putakteng bakulaw ka! Hindi ka ba marunong tumupad ng usapan! Alam mo bang kanina pang umaga ako naghihintay sa’yo? Nag-aalala kung bakit wala ka pa. Hinanap kita kung saansaan pero ni anino mo di ko mahagilap. Saan ka ba nagpupupunta pusang galang kumag ka?” pagsisigaw ko sa kanya at dinambahan ulit siya ng mga suntok sa may dibdib niya. Hindi ko napansin na kanina pa pala tumutulo ang mga luha ko na tila ba naghahabulan sa tuloy-tuloy na pag-agos nito. Napatigil ako nang biglang dumampi ang kamay ni Tyler sa pisngi ko at marahang pinunasan ang mga luha ko.

Devil is His NameWhere stories live. Discover now