FE 13

57 2 0
                                    

The Past

2015

"Maganda, gusto ko ang apartment na ito." Ali said in the middle of roaming around the room's bathroom.

"Shall we get it?" ani ko.

"What do you think? I can make it cozier by putting some designs." she chuckled.

"Then, let's get this." natatawa kong sagot. "Kumain na kaya tayo! Kanina pa tayo naghahanap ng room eh."

"Suree, kung hindi ka nagyaya ay hindi ko mapapansing kumukulo na ang tiyan ko."

Matapos magbayad ng down payment para sa apartment na tutuluyan namin habang naghahanap ng trabaho ay dumiretso na kami sa paborito naming silogan. May branch kasi dito sa malapit.

"Elli..." bigla na lamang sambit ni Ali kaya napa angat ako ng tingin habang ngumunguya.

"Wala na ba talaga kayo ni Tyron?"

Agad akong napatuwid ng upo. It took me few seconds to swallow my food and drink some softdrink.

"Nagkita kasi kami kahapon sa mall." dagdag niya pa.

"Oh, kumusta na siya?" I said bitterly.

"He doesn't look good." nakitaan ko ang kaba na nasa kaniyang kayumangging mata at tila ba agad itong sumuksok sa damdamin ko. "Ni hindi niya ako narinig nong tinawag ko siya, kahit ang lapit na namin."

I pressed my lips into a thin line, "Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko."

"Why don't you talk to him again?"

Napapikit ako ng mga mata. Talking to him again might revert back our relationship.

But maybe I have to put a proper closure. He deserves it. Kaya agad akong nagpunta sa condo ni Tyron ng araw na iyon. At tama nga si Ali, Tyron doesn't look like his best right now when in fact he should be. Nakuha niya ng isang take ang top 3 slot sa licensure examination ng mga piloto. He should be happy and at his peak.

Ngunit dahil sa akin ay kabaliktaran ang buhay niya ngayon.

Pinahid ko ang luha niyang tumutulo sa mga pisngi. Ni hindi siya nakaharap sa akin. Blangko siyang nakatitig sa kawalan.

"Tyron, look at me." mahina kong saad.

The moment he did. Walang salitang makapag lalarawan ng sakit na nakikita ko sa mga mata niya. My tears streamed down immediately without a control.

"I..." nahirapan akong makahinga but I still tried,

"I am so sorry." I sobbed.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay na nakahawak sa pisngi niya.

"Mayroon bang bago, Cele?" he talked for the first time since I came here in his dark room.

Nahirapan muli akong maghanap ng salita. Hindi ko mapulot ang tamang sagot dahil ayokong makasakit pa lalo. I just shook my head.

"Mayroon bang bago kaya ayaw mo na?" ulit niya.

Ipinikit ko ang mga mata, I want to say yes. Ngunit hindi ako sigurado roon. Ni hindi ko alam, kung makakausap ko pa ulit ang taong iyon. "I don't know, Ty."

"Sabihin mo na lang na OO!" he shouted, agad akong napaatras sa gulat. "Just say yes, Elli!"

I shook my head again, trying to calm him down.

"Kasi kapag sinabi mong meron, maiibsan ang pagsisisi ko. Kasi kung meron mang bago, ibig sabihin non, mali ako sa inaakala ko." he hugged his knees that are trembling.

Forgive ElliWhere stories live. Discover now