One

6.4K 74 12
                                    

"Pangs! natutulog ka na naman!" sabay talpak ng libro sa mesa.

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at si Andrei ang nabungaran ko.

"what a life!" I yawned and stretched my arms

"what a life" panggagaya nya "hindi ka pumasok kay Mr. Lucambo" parang bakla na tono nya na ikinatawa ko.

"bakit namimiss na ba nya 'ko?" sabay ngiti ng malapad

"haha mukhang hindi na ikaw ang namimiss nya" tawa nya na nagpataas ng kilay ko.

"sino?"

"si Nyl Erron Martin" at hindi ko alam kung anung magiging reaction ko pero sa huli ay napahagalpak ako ng tawa.

"he's really really dead!" I laughingly said.

"mukhang ligtas kana" he said na nagpatigil ng pagtawa ko.

Seryoso na, si Mr. Lucambo ay professor namin sa Major subject at laging ako ang napagiinitan nya hindi dahil sa type nya ako, pero palagay ko may pagnanasa din sakin yon haha,oo tagilid sya at alam nyo na ang tinutukoy ko.

Kulang nalang ay ibitin nya ako patiwarik dahil sa sobrang tigas ng mukha ko sa klase nya, eh anung magagawa ko natatawa ako pag nagdidiscuss sya. Ngayon mukhang ang pinsan ko na ang pagdidiskitahan nya, one year older ako sa kanya at kaklase ko sya kay Mr.Lucambo dahil nag advance subject sya, hindi dahil sa matigas ang mukha nya kaya sya trip nito, kabaligtaran ko sya dahil seryoso sa buhay ang taong yon, matalino talaga at kung gwapo? oo naman walang pangit sa lahi namin pero syempre mas gwapo ako sa kanya, sabi ko! baka pagsinabi kong sabi ng nanay ko isumbong nyo ko eh haha.

Lemme introduce myself, I'm Hunter Cortez •﹏• that's all thank you bow haha. Joke lang!

Anyways third year college na ako, management ang kurso ko at kung itatanung nyo kung bakit management? dahil gumaya lang ako sa mga barkada ko, ewan mukhang walang direksyon ang buhay ko dahil wala pa akong naging desisyon sa buhay na talagang gusto ko pwera sa isang bagay-ang skateboarding.

Sa Luz Suarez University ako nagaaral kung saan nagtapos ang mga magulang ko,hindi nila ako basta basta mapapatalsik sa eskwelahang ito dahil ang kumpanya ng ama ko ang nagdodonate ng lahat ng aklat dito, ang publishing company ni Dad ang libreng nagsusupply dito ng mga aklat, bakit naging libre? simple lang... gawa ko! sa sobrang pasaway ko nakiusap si Dad sa mismong may ari ng University na kung maaari ay hayaan nila akong makatapos dito ng pagaaral kahit pa medyo sakit ako sa ulo ng ibang prof. at dun na nabuo ang deal nila, hindi ko alam ang buong detalye at wala na akong pake!

Oo nga pala nangarap ako maging musician dati kaya naman halos lahat ata ng instrumento ay alam kong gamitin, isa din akong magaling na player ng baseball at basketball hindi sa pagmamayabang. Matalino din naman ako tamad lang minsan.

ok awat na! balitaktakan ba ito? haha

"tara na pangs! punta muna tayong canteen" yaya ko kay Andrei nasa library kasi kami.

habang naglalakad kami papuntang canteen ay may namataan akong chikahotbabes

"witwiwww" I whistled at napatingin naman si Miss sexy slash hot slash gorgeous. Ngumiti sya ng abot tenga sakin at hindi na ako nag-atubiling lumapit sa kanya.

"hi Hunter" malambing na sambit nya sa pangalan ko at di ko napigilang manggigil. Isinandal ko sya sa pader

"hi I lost my cellphone number, can I have yours?" bulong ko sa tenga nya at naramdaman ko ang panggigigil nya. Kumuha sya ng ballpen at sticky notes sa bag pagkatapos ay isinulat nya ang number doon at mabilis na inabot sakin.

"Stacey huh?" hinalikan ko ang hawak kong stickynote na may number nya at kitang kita ko kung pano sya kiligin. She stared at me wonderingly at hindi ko napigilan ang sarili kong halikan sya sa labi na nakapagpatulala sa kanya.

"see you after class Stacey" I said with a wink before I turned back and walked away,naramdaman ko naman ang braso ni Andrei sa balikat ko.

"ayos Pangs ah! nauna ata ang dessert mo?" he teased and I giggled

"Pangs! hindi ko napigilan! sobrang sexy at malaman ang dibdib" sambit ko habang iminumwestra ko kung gaano ito kasexy na parang bote ng coke.

Rae's P.O.V.

"huy best nakita mo yun? mukhang nakabihag na naman ng talangka si Mr. Dreamboy mo" at mega turo pa si Jelai sa babaerong Hunter na yon. Nasa bench kasi kami nakaupo ngayon at kitang kita namin ang eksena kanina.

"hindi kana nasanay halos araw araw ganyan yung taong yun, sa dalawang taon natin dito walang pinagbago!" walang gana kong sagot.

"oy eh bakit mukhang ampalaya yang mukha mo at pati amoy ampalaya ang naamoy ko nung nagsalita ka" pang aasar nya, inayos ko muna ang salamin ko bago ako tumingin sa kanya ng diretso.

"utang na loob Jelai! hindi ko sya type at tigil tigilan mo yang Mr. Dreamboy na pinagsasabi mo! ang playboy nya para magustuhan ko" irap ko sa kanya, si Jelai ay bestfriend ko since highschool at sabay kaming lumuwas ng maynila para dito magaral, awa ng Diyos dalawang taon nalang ang bubunuin namin sa eskwelahang 'to at makakatapos na kami.

"don't tell me inlove ka pa din sa ex boyfriend mong gunggong ha? Athena Rae Cruzado?" at biglang tumigil ang ikot ng mundo ko.

"stop calling me Athena!" matigas na bitaw ko

"grabe! 'to naman highblood agad, affected ka pa alam mo yun? eh anu naman kung tawagin kitang Athena pangalan mo naman yun!"

"Rae sabi eh! Rae!"

"ok. chill, Rae kung Rae" sagot nya, ayokong marinig ang first name ko dahil parang nag-eecho sa isipan ko ang boses ng hinayupak na lalaking yun kapag naririnig ko ang pangalan kong .... yun na yun, dahil sya lang ang nag-iisang tumawag sakin sa paraang yon.

Naging man hater na ata ako simula nung iwan ako ng walang kwentang si Gerald! nakakabitter! pare pareho ang mga lalaki, gusto nila yung maganda sa paningin at kapag panget ka para ka lang bangaw sa kanilang paningin.

"tara na nga sa room baka mag bell na!" nauna na akong naglakad kay best, nagiba na ang mood ko at naiinis ako dahil don.

"best ayun sya oh" turo nya sa lalaking malandi mula sa pintuan at mukhang dito sya papasok sa room namin "best classmate natin sya!" kinikilig na sambit nya na nagpaikot lang sa mga mata ko.

"so what?" I coldly said

"so what ka dyan! ang gwapo kaya nya slash sporty slash brainy slash-"

"mukha kang slash! lakompake kahit sya pa pinakagwapo sa buong campus!"

"amoy ampalaya ka na naman best eh! good catch kaya sya!" ehem hindi sa pagmamayabang gwapo talaga si Gerald kaso ex ko na nga pala sya kaya pangit na sya sa paningin ko!

"oo nalang para matigil ka"pahina ng pahina na sambit ko dahil naaamoy ko ang mabangong pabango nya

"may nakaupo ba dito Miss?" tanong sakin ni gwapo slash sporty slash- ay letse anu bang pinagsasabi ko

"ah wala sige upo ka na dyan"nabigla ako sa malanding sagot ni Jelai kaya pinandilatan ko sya ng mata

"thanks" sagot ni Hunter, oo sya katabi ko ngayon pero busy sya makipagusap kay Andrei, bakit ko sila kilala? sinong hindi makakakilala sa grupo nila eh walang wala ang boys over flower sa itsura nila, marunong naman ako makaappreciate ng gwapo, yun nga lang di na uubra sakin ang basta may mukha lang, aanhin mo ang gwapo kung manloloko naman!

"alam mo best kung nakakamatay lang ang mga titig mo malamang kanina pa patay yang katabi mo" the reality strikes me nang bulungan ako ni Jelai sa tenga at tsaka ko lang napansin na baling bali na pala ang leeg ko kakatingin sa kanya buti nalang hindi nya nakita dahil busy sya sa kausap nya at puro kalandian ang lumalabas sa bibig nya! kainis! sa sobrang inis ko di ko napansin na umiiling ako at natatamaan na pala sya ng mahaba kong buhok na nakatirintas.

"miss..." he called and I frozed... hinawakan nya yung dalawang pisngi ko at umakyat lahat ng dugo ko sa ulo nang maramdaman ko ang maiinit nyang palad duon.

---

I Think I Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon