"Athena!"
Naku naman talaga! Sinasagad ako ni bakulaw.
Mabilis syang nakalapit dito sa pwesto namin. Akalain mong nakita pa kami ng singkit nyang mga mata kahit nasa malayo kami.
"ano na naman bang kailangan mo ha bak-- Hunter?" at bago ko pa mabigkas ang bakulaw ay nagecho sa pandinig ko ang sinabi nya kaninang "i'll kiss you hard" kapag tinawag ko syang bakulaw. eewww!
"wala lang, trip ko lang tawagin ang pangalan mo" preskong aniya na nagpaikot sa mga mata ko.
Bigla nalang nyang tinanggal ang ponytail ko sa dulo ng buhok ko at nalugay ang nakatirintas kong buhok.
"anu ba! ibigay mo nga sakin yang ipit ko!" inis na hinablot ko sakanya ang ipit ko.
"wow! haba pala ng buhok mo?" para naman syang namangha, hanggang bewang ko na kasi ang buhok ko at hindi halata kasi laging nakatirintas.
"inggit ka? pahaba ka din!" asik ko sa kanya tapos ay ginulo gulo nya ang buhok ko sabay hablot ulit sakin ng pamuyod ko at tsaka sya nanakbo palayo.
"ganyan ka nalang mas bagay sayo!" sambit nya nung makalayo na habang tumatakbo sya ng patalikod, hindi ko alam kung nangaasar ba sya dahil napakalapad ng pagkakangiti nya
"may araw ka din sakin bakulaw ka!" pake ko kung narinig nya, malayo na naman sya.
"mukhang trip ka talaga ni Hunter best ah" taas babang kilay pa ni Jelai
"oo trip na trip nya akong bwisitin at sirain ang araw ko! kainis! bwisit talaga ang mga lalaki sa buhay ko!" naghanap ako ng ipit sa bag ko pero wala akong makita.
"best oh, pagtyagaan mo muna" inabutan ako ni Jelai ng sanrio
"salamat best, nanggigigil talaga ako sa bakulaw na yun" inis na bigkas ko habang sinisimulan kong itirintas ang buhok ko.
"gigil talaga? maraming ibig sabihin ang gigil" pangangantyaw nya
"gigil na patayin sya!" tumayo na ko dahil narinig ko na ang bell, sumunod na din sakin si Jelai sa paglalakad.
Walang prof na dumating kaya naman nagsilabasan na kami ng room. Last subject na namin kaya naman umuwi na kaming dalawa ni Jelai. Nagdodorm lang kami at magkasama kami sa iisang kwarto.
Pagkarating namin sa dorm ay inihiga ko ang sarili ko sa higaan ko at pumikit.
"hoy Rae matutulog ka na ba?" tanung ni Jelai
"hindi, gusto ko lang ipikit muna ang mga mata ko" sagot ko habang nakapikit pa din.
"lalabas ako, bibili ako ng pagkain, hindi kasi ako nakakain ng maayos kanina alam mo naman gawa sa nangyari bigla mo nalang akong kinaladkad"
"may halong panunumbat ata ah"
"hindi ah, baka lang gusto mong sumama"
"hindi pako gutom ikaw nalang"
"sure ka? sige!"
"oo" sagot ko, narinig ko na ang marahang pagsara nya ng pinto at iminulat ko ang mga mata ko.
Madaming nangyari sa loob ng araw nato, nakakainis pero yung inis ko nahahaluan ng saya? ang baliw ko ba?
First year college nung una ko syang makita at ni hindi man lang nya ako napansin sa loob ng dalawang taon, pero ngayon nabibigyan nya ako ng atensyon, yun nga lang sa nakakabwisit na paraan. Gulo ko ba?
Ganito kasi yon, ang totoo nyan may konti akong paghanga sakanya, mula nung araw na una ko syang makita ay lagi ko na syang napapansin kahit di ko gustuhin. Masyado syang sikat sa eskwelahan nato at totoo namang gwapo sya at talented. Sinu ba namang babae ang hindi magkakagusto sa kanya, kaya lang playboy eh, sa araw araw na buhay ko sa school eh ibat ibang babae ang nakikita kong kasama nya.
BINABASA MO ANG
I Think I Love You (Completed)
General FictionYung taong pilit mong hinahanap sa loob ng matagal na panahon ay nakakasama mo na pala nang di mo namamalayan. #HunterCortez #CortezSeries