Dedicated po kay "rookieaizen" 'tong prologue for the first vote.. mwuah
--
Nagmamadali ang grupo ni Hunter palabas ng campus nang may masagi syang isang babae.
"oohh shit!" inis na bulong nya nung malaglag ang skateboard na hawak nya. Napailing nalang sya at napapalatak. Kung kailan nagmamadali! kapag minamalas ka nga naman. He thought.
Pinulot muna nya iyon bago nya tinulungang pumulot ng gamit ang babaeng nasagi nya.
"sorry miss" sabay abot nya sa pinulot nyang mga libro ng babae na nalaglag dahil sa pagkakasagi nya.
Parang hindi makapaniwala ang babae sa harapan nya at wala sa loob na kinuha sa kamay nya ang librong inabot nya "a..ahh T-thank you" nauutal na sabi nito,nagkapatong pa ang mga kamay nila sa paghawak sa mga libro at naramdaman nya ang init mula sa palad ng babae. Tinanguan nalamang nya ito.
"Hunter bilisan mo!" sigaw ng isa nyang kasamahan. Napalingon sya doon at pagkatapos ay bumalik ang atensyon nya sa babae.
"sorry ulit" sambit pa nya bago sya tumakbo paalis.
"weird" tanging naibulong nya sa sarili habang tumatakbo sya palayo.
Hindi nya matukoy kung anu ba ang ibig sabihin ng weird na lumabas sa kanyang bibig dahil kung titingnan ang babaeng nasagi nya ay hindi ito katulad ng mga tipo nyang mga babae, ito ay may makapal na salamin at nakatirintas ang mahaba nitong buhok.
BINABASA MO ANG
I Think I Love You (Completed)
Fiksi UmumYung taong pilit mong hinahanap sa loob ng matagal na panahon ay nakakasama mo na pala nang di mo namamalayan. #HunterCortez #CortezSeries