"Samera san ka mag babakasyon?" Tanong ni Koreen habang kinakain yung pagkain ko.
"Ahh siguro sa Hawaii ako mga babakasyon pwede rin sa Singapore."sagot niya. "Ikaw Dinnes san ka mag babakasyon?" Tanong niya sakin.
"Ahh ewan wala pakong plano!" Sagot ko kadalasan kasi tuwing semester break nasa bahay lang ako at pagka gabi nagiging Dj ako sa bar ni Cleeve yan lang yung ginawa ko tuwing semester break.
"Camping tayo Dinnes o di kaya mag punta tayo sa Palawan." Excite niyang alok sakin.
"Nah ikaw nalang ayaw ko!" Tinatamad kong tugon.
"Haitss palibhasa may asaw- aray ano bah!" Inis na sigaw niya. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Sa tuwing maalala ko yung lalaking yun walang araw na ginawa ng diyos na lagi kaming nag aaway kahit maliit na bagay pina palaki niya at dinaig mo pa ang kasungitan.
Naalala ko yung mga grocery na binili ko pinatapon niya lahat sa katulong namin.
"San mo yan dadalhin?" Inis na tanong ko sa katulong namin.
"Ma'am pinapatapon po kasi ni Sir!"
"What?! Nabaliw ba siya?" Inis na sigaw ko
"Nasaan siya?"
"Nasa kusina po Ma'am." Hindi Kona siya pinatapos at nag punta ako sa kusina dala yumg mga pinamili ko.
"Adam! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"And what do you think na kakain tayo sa isang buong linggo ng puro Noddles at can goods! And are you insane at pinuno mo yung ref ng puro junk foods at chocolate!" Galiit na sigaw niya sakin simula noon di nakami nag papansin at hinayaan ko nalang yung katulong namin sa bahay dahil wala naman akong alam pagdating sa kusina.
"Guys!!" Matinis na sigaw ni Madeson agad kaming napatakip ng tinga dahil sa tinis ng sigaw niya.
"Tumahimik kanga Madeson!" Awat sakanya ni Grim.
"Oh by the way guys malapit na naman tayong di mag kita kaya naisip kong mag bar tayo mamaya dahil next week simula na nang semester break.."alok ni Koreen.
"Oh that's gonna be fun I'm in!" Masayang sigaw ni Samera.
"Sige game ako jan!" Saad ni Madeson "mag boboys hunting tayo mamaya sa bar!" Pilyong niyang saad.
"Hahahah game paramehan tayo!" Hambog ni Koreen. Napailing nalang ako.
"Sige doon na tayo sa bar ni Cleeve kasi si Dinnes yung Dj mamaya." Imporma ni Grem.
Maghiwalay hiwalay na kami matapos yung klase namin kaya umuwi nako ng bahay at pumasok nako ng banyo upang maligo pagkatapos ko ay nag ayos nako nag sout lang ako ng black skirt at white channel tube at pinarisan ng leather jacket at nag sout din ako ng black boots at naglagay ako ng kunting make up at lumabas nako ng kwarto dala yung maliit kong sling bag na may lamang phone.
"Manang paki handa ng susi ng motor." Sigaw ko habang pababa ng hagdan.
"Ito na po ma'am saan po kayo pupunta ma'am Dinnes?!" Tanong ng katulong namin.
"May party kami don't worry babalik din ako. Manang paki sirado nalang nang pinto at wag niyo nakong hintayin mag pahinga nalang kayo." Bilin ko.
"Okey Ma'am ingat po kayo." Tumango nalang ako at sabay paharurot ng motor. Gamit ko yung Ducati V4S ni Adam kaya mabilis akong nakarating dahil hindi gaano ka traffic.