It's been weeks at wala akong ganap nandito lang ako sa bahay sobrang bored ko na at itong si Koreen at Samera iniingit pa talaga ako lagi silang nag sesend ng pictures nila kong saan sila gagala ehh ako waley nasa bahay lang at pag gabi naman tumatakas ako at nag pupunta ako sa bar para maging DJ.
Tanghali na magising ako at sobrang sakit ng ulo ko dahil late nakong naka uwi kagabi buti nalang talaga di alam ni Adam na umaalis ako tuwing gabi. Bumaba nako at nagtungo sa sala napatigil ako sa paglakad ng makita ko yung bagahe ko na naka handa na.
"Wait saan niyo dadalhin yung gamit ko?!" Taranta kong sigaw habang patakbo kong inagaw sa katulong yung bagahe ko.
"Ayy ma'am inutusan lang po kami no sir." Magalang na saad ni Mayang at sabay kuha sakin ng bagahe at agad ipinasok sasakyan nakarinig ako ng yabag sa likuran ko at napalingon ako at nakita ko Ang lalaking ubod ng sama at sungit nanaka tingin lang sakin ng masama.
"Ikaw saan mo dadalhin yung gamit ko?!" Inis na tanong ko sakanya pero wala akong nakuhang sagot sakanya at nilampasan lang niya ko. "Hoi ikaw mister mayabang wag munga akong talikuran tinatanong kita saan mo dadalhin yung mga bagahe ko?!" Inis na talaga ako sa lalaking to. "Tsk! Fix your self where living!" Napatingin ako sakanya dahil bigla akong naguluhan kami aalis saan? Napailing ako at tinignan ko siya ng masama. "Tatayo kalang ba jan buong mag hapon? Go kilos na?!" Sigaw niya sakin at mag sasalita sana ako ng "I'll count 1 to 5 at kong di kapa kikilos baka magsisi ka sa gagawin ko!
"One!"
"Two!"
"Tre-"
Agad akong tumakbo patungong kwarto sobrang inis ko dahil sa lalaking yun akala mo kong sino maka utos.
Tahimik lang ako buong byahe dahil sa sobrang inis ko kanina ko pa siya tinatanong pero ayaw niyang sabihin kaya tumahimik nalang ako at binaling ko sa daan yung paningin ko at bigla akong nakaramdam ng antok dahil dala na rin to sa kulang ko sa tulog.
Nagising ako ng may maingay akong naririnig. Napabalikwas ako ng upo ng mapagtanto kong wala nako sa loob ng kotse at napag alaman kong nasa loob ako ng bus nag palinga ako at hinahanap ko si Adam. Palingalinga kong hinanap yung bagahe ko at malas ko Lang at di ko makita at wala na rin yung sout kong shoulder bag naglalaman pa naman yun ng pera at phone ko at nandon din yung mga mahahalaga kong gamit.
Sobrang takot ko at sabay narin ng pagkahilo bigla nalang umadar yung sasakyan at gusto kong maiyak dahil wala akong alam kong saan ang punta nitong sinasakyan kong bus. Kong ganito lang pala ang kahahantongan ko edi sana sinabi na ni Adam na gusto niya pala akong paalasin ng hindi sana ganito ipapasakay niya ako ng bus tapos para akong pusang ililigaw. Pagnaka baba talaga ako dito isusumbong ko talaga siya kay Daddy nakayuko kang ako dahil sobrang nahilo ko. Napatingin ako sa gilid ko ng maramdaman kong may biglang umupo.
"Gising kana pala ito binilhan kita ng pagkain." Agad ko siyang sinamaan ng tingin at sabay agaw ko ng pagkain na binili niya akala ko talaga iiwan niya ko. Nakapikit lang ako buong byahe at walang imik dahil sa sobrang pagkahilo ko.
Adam Pov..
Kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik nitong kasama ko bigla akong nakaramdam ng inis dahil di niya ako kinakausap o nangngulit napabuntong hininga ako at binaling ko ang tingin ko sakanya. "Shit!" Mura ko ng makita ko ang istura ni Dinnes na sobrang putla at nakapikit na at pinagpapawisan.
"Shit! Dinnes hey open your eyes babe!" Nagalala kong tapik sakanya. "A-dam!" Sambit niya habang naka pikit parin. "Bat namumutla kah?!" Mahinahon kong tanong sakanya habang pinoponasan ko yung pawis niya. "Di a-ko sanay sumakay ng bus." Saad niya napa mura ako dahil kasalanan ko pa kong bat siya nagkaka ganito.