Magmomove-on na si Katie? Really?!

60 1 0
                                    

Tuesday 7:00 A.M.

Nakalabas na ako ng ospital. Kumikirot pa ng kaunti yung likod ko pero carry lang. Nasa may parking lot ako ngayon ng school. Iniiwan ko na ang pinapakamamahal kong Vespa T_T.

''Vespaaaa! Huwag na huwag mong tatalikuran ang ating pagmamahalan! Kahit na iiwan kita pansamantala. Lagi mong tatandaan. Ako ay babalik ngayong alas singko. Huwaag na huwaag Vespa.!! T_T'' Ako habang padramang iniiwan si Vespa sa may parking lot. Ayoko siyang mawalaaa!!

Clap cla clap clap

Wait sino yun? Nakita pa naman ang napakaganda kong drama! May bayad kaya iyon!!

*Lingon sa likod*

''Who are y---'' me

''Edi sino pa? :-)''

''Sino ka?'' Ako

''Di mo na ako nakikilala? Kaloka ka teh! Daig mo pang may Alzheimer's Disease sa pagiging makakalimutin!'' Syempre kilala ko siya no! Nagbibiro lang talaga ako.

''Oo na oo na! !! Ba't naparito ka? Diba nasa Russia ka at NAGPAPASIKAT ?'' Me. In a sarcastic way. Bwahaha.

''Grabeh ka makapagsalita ah! Idinidiin mo talaga ang salitang 'nagpapasikat'. Nagmomodelo lang, nagpapasikat agad? Para naman akong loka-lokang attention seeker nyan! At by the way. Wala ka talagan g ichinange. Loka loka ka pa rin. -_-'' Siya. Yasmine 'Amazonang Loka Loka' Buenavista . Ang Amazonian in Shining Bikini ko. Namiss ko siya ah.

''Yea. Whatever. Pero ikaw ha! Pinapamiss moko!'' Sabi ko sabay takbo patungo sa kanya at hug.

She hugged me back.

''So bat ka naparïto?'' Me habang nakahug pa sa kanya.

''Dito na ako magstu-study.'' Pabulong niyang sinabi.

''HUWWAAAAAAT?!'' Pasigaw kong sabi sabay pagbitaw ko sa kanya.

''Huwag ka ngang sumigaw! Para namang magdadala ako ng kamalasan sa school na to!'' Sabi niya while tinatakpan niya ang tenga nya. Nabingi ng saglit :3

''Aware ka naman siguro na sikat na sikat ka na right?'' Sabi ko.

''Ahmm. Hindi. Hindi naman ako sikat eh. Sikat na pala ako? *insert bright eyes na mukhang alam na alam na ang future nya*'' Ngayon lang niya nalaman? Nagplatinum nga yung album niyang 'Fold Unfold' eh..

''Tara!'' Biglang sabi ni Yasmine.

''Tara??'' Tanong ko.

''Starbucks tayo! Libre mo! :)'' sabi niya

''Bahala ka diyan! At school hour pa noh! And to think second day of class pa lang.'' sabi ko.

''Sige na nga, libre ko. Alam kong alam mong alam mo sa sarili mong napakahilig mo sa libre. Mukha pa lang, nakaukit na sa noo mo yung salitang 'LIBRE'.'' sabi niya.

''Te, offensive yun... Tara na nga :3'' sabi ko

**************

At Starbucks

''So ahmm... kamusta na kayo ni Troy?'' sabi niya.

''Look, wala na kami. He broke up with me. I don't even know the reason. Look at me. *tumayo at umikot* Am I not perfect?'' sabi ko. Tumayo rin siya. Tumingin siya sa akin nang pagkaseryo-seryoso at nagsabing ''Hindi, ugok. Umupo ka na nga. Alam mo bang ang mga tao rito'y nakatingin sayo? Ako yung nahihiya sa'yo'' Tumingin ako sa paligid. At oo ngang nakatingin ang mga tao sa akin. Kaya umupo na lang ako.

''So anong plano mo?'' tanong sa akin ni Yasmine

''Eh, malay ko. Baka kakain na lang ako. Makakamove on naman siguro ako nyan diba?'' sabi ko

''Ganyan ka naman eh. Di mo sineseryoso ang lahat.'' sambit sakin ni Yasmine.

''Alam mo bang kapag sineseryoso ko ang lahat, narerecall ko ang lahat ng mga pangyayari sa amin? At sa tuwing narerecall ko iyon, I have nothing to do but to cry and cry. Kaya I don't want to make things serious! *tears starting to fall* I still love him! *cries*'' me.

Yasmine tapped my back para macomfort ako. Mas lalong bumuhos ang luha ko. Sa lahat ng pag-iyak ko, ito ng pinakagrabe.

''Gawa tayo ng paraan. Ay nevermind, ako na lang.Kung meron ka pang friend, kami gagawa, okay? So by now, iiyak mo nalang iyan ng iiyak.'' Yasmine said. Ngayon ko lang nasaksihan ang kaniyang pagiging seryoso. She really is a good friend.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart Beat Stops For AwhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon