CHAPTER TWO

1 1 0
                                    

Thea's POV.

Nandito kaming lima ngayon sa dean's office. Dahil sa pagsagot ni Thalia kay Mr. Quim, agad din kaming tumakbong apat pasunod sa kan'ya dahil na rin sa takot namin sa terror prof na 'yon. Oh baka ako lang, kasi yung takot kasi di pa naman ata nila kilala talaga yung si prof tsaka baka sinabayan lang ako. Anyway, nakatayo kaming apat, hiningal sa pagod, ako, si Gab, Lee at saka yung Lim sa likod ni Thalia na nasa harapan naman ng table ng dean. Madali lang para sa akin na tandaan ang mga pangalan nila sapagkat guwapo sila. Hehe.

Pag-pasok namin kanina dito sa opisina ay sinalubong kami ng secretary ni dean at sinabihang hintayin namin si dean na dumating.

Mga ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang dean. "Good afternoon Mrs. Alvares" sabay sabay naming bati sa kan'ya maliban nalang kina Gab at Thalia na ikinagulat ni dean Alvares kaya napa tingin siya sa dalawa ngunit binawala nalang niya ito.

"Good afternoon as well, my beloved students. Please help yourselves with a seat." Gaya nga ng sinabi niya, umupo kami sa may couch na naka-harap sa kan'ya. "Let me tell you why you're here. I'll get straight to the point. I know who you are. I know where you came from and I know why you're here." Saad niya na nakatingin sa tatlong lalaking kasama namin. Kaya tiningnan ko rin sila at tila sila ay gulat na gulat. Na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ni dean.

But even with their flustered faces they tried to lie their way out. "Huh? Who are we? What are we? What do you mean?" Gab asked with quite the monotonous and proud tone. He was the quiet, tall and moreno guy.

"Oh, please. Stop acting like that. You know what I mean." Mrs. Alvarez stated flatly. "You know who we are?" tila ba naubusang hiningang saad ni Lee.

"Yes, but I can't quite distinguish who sent you" sagot naman ni Dean na kinakausap pa rin ang mga lalaking nasa loob ng silid.

"You mean... You know who we are, you know why we're here yet you don't know who sent us? I mean, how could that be?" nag-tatakang tanong ni Lim. Na ang tono ay para bang hindi makapaniwala. "How is that?" he scoffed.

"Well, that's for me to know. Just answer my question. Who sent you and why are you here? And by the way, what I mean by the term 'I know you' is that I know you're kind but not specifically which side are you in" – Dean Alvares.

"How did you know that? Are you somewhat like us? Or are you something else?" si Gab naman ang nagsalita, ngunit tila hindi naman siya nababahala. Ang paraan kase ng pag-sasalita niya ay parang kyuryoso lang talaga siyang malaman ang sagot.

"You could say that." Kalmadong sagot naman ni dean ngunit agad naman nag-iba ang timpla niya ng napansin niya na hindi parin nasasagot ang kanyang tanong. "Will you just answer my damn question?" tumaas ng konti ang boses na may pag-iiba ng tonong sagot niya pa.

"The Academy sent us. Happy now?" tila nauubusan narin ng pasenyang sagot ni Gab.

Ang mukha naman ni dean ay tila nasatispado ngunit may halong gulat at inis ang ekspresyon niya. Wow. Gumagaling na talaga ako sa pagbabasa ng ekspresyon, I wonder how. "Ibig mong sabihin, ipinadala kayo ni Shen Lhuang?" gulat pa ring sagot ni dean. Ngunit tila ikinagulat din ng mga lalaki rito sa loob na binanggit ni dean ang pangalan na 'yon

"Kilala mo si Grandmaster Shen?" takang tanong ni Lim.

"Oo. Kilala ko siya, at lagot sa' kin ang matandang 'yon pag nagkita kami. Ni hindi man lang siya nag pasabi na mag-papalabas siya ng mga estudyante mula sa Academy." – dean Alvares.

"Well, hindi naman kasi talaga naka planong papasok kami rito sa Unibersidad na ito sapagkat kami ay papauwi na ng Alhenier ng makita namin itong Unibersidad na ito. Tutal, apat na buwan naman ang ibinigay na panahon sa amin upang maghanap ng mga bagong estudyante na papasok sa Academya."

THE CHRONICLES OF SWURVII ACADEMY [ON-GOING]Where stories live. Discover now