Chapter IV

50 3 0
                                    

AEULA

"Oh, sino siya? Ano 'yan? Bagong fan mo? Akala ko ba 'di ka tumatanggap ng mga cheap?" Pagtatanong niya na para bang may pinapatamaan at tinignan ang paperbag.

"Excuse me, hindi namin alam na may Fan club ang 'VARELL' mo." Hindi napigilang pagsasalita ni Nikki at ginaya pa ang boses ng babae.

"Excuse me too, hindi mo ba ako nakikilala? I'm Klea Gerdia the president of his fans club. And i'm concern to my baby. And i don't remember having a member looks like a cheap." Maarteng sabi nito, nagulat ako sa sinabi niya. May kung ano sa loob ko ang parang nabasag.

"Hindi mo ba kami kilala, Na-nay? kami lang naman ang Anti-fan Club niyo!" Sigaw ni Nikki, halata naman ang pagkapikon ng babae sa narinig.

Hinawakan ko si Nikki at sinenyasan na itigil na.

"Klea, stop it." Para bang pagod na sabi ni Varell... So that was his name.

"Thank you for hell-ping my bestfriend, we really appreciate your kind-ness. We have to go." Diin at seryosong sabi ni Veca na halata mo ang pagpipigil, hinatak naman niya ako at nakita ko pang masama ang titig ng mga kaibigan ko kay klea at kay Varell, maging ang mga lalaki sa likod ay hindi pinalagpas ng matatalim nilang mga mata.

Nang makalabas kami sa court, halos sumabog at kulang nalang sabihin na ni Veca lahat ng mura na alam niya.

Mahinahon si Veca pero minsan napupuno din.

"Tanginang babaeng 'yun, kung makaarte akala mo bagay sakan'ya, at 'yung mga unggoy ng lalaking 'yun gwapong gwapo sa sarili ah, hindi siguro nila alam na may nage-exist na tao. " Gigil na sabi ni Veca habang lumilingon pa.

Somehow i feel proud of Veca, she used to be a violent. Palaging naga-guidance dahil sa away, at palaging may sugat sa kung saan pero mas naging mahinahon na ito.

"At 'yung nilalang na 'yun, hindi man lang turuan ng tamang asal 'yung aso niya. Kahol ng kahol! 'pag pinakain ko ba ng dog food 'yun titino ba 'yun?! " Inis na sabi ni Nikki, i was amuse to Nikki of how good she is to expressing her real feelings.

"At ikaw, wala ka man lang sinabi. Hinayaan mo lang sabihan ka nu'ng kung ano-ano ng babaitang 'yun." Reklamo sa'kin ni Nikki.

"Alam niyo naman na hindi ako suportado sa violence, 'di ba?" Sabi ko, nagulat nalang ako ng sumigaw sila at nataranta nang makita akong umiiyak.


Ngayon ko lang napansin na naguunahan na palang tumulo ang luha ko, why do i feel dissapointed to him? Why my heart is pinching so bad?

Is it pain?

If it is, why do i feel this?

Para bang sa loob-loob ko may unti-unting nawawarak, isang bagay na sinisimulan ko palang hulmahin pero nagkakaroon na ng lamat.

"So-sorry... So-sorry..." tanging lumabas nalang sa bibig ko.

,

Shape of Love (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon