Chapter IX

50 3 0
                                    

                            AEULA

Niyakap nila ako dahil sa abala na ako sa pagpunas ng mga luha ko.

"Natandaan mo ba nu'ng una mo akong nilapitan? Palagi kitang napapansin nu'n. For me you're like an angel, masyado kang mabait na lahat ng tao gusto ka. While me... Basagulera, halos lahat takot sa'kin at may galit. Pero...when you approached me that time i feel at ease, nu'ng una plano kong lumayo dahil ang isang tulad ko na makasama ka at manatili sa tabi mo ay impossible, but after i heard your opinions about me, after you win my trust lahat ng mga takot ko nabura. Na baka pwede kitang maging kaibigan, simula nu'n sabi ko sa sarili ko na ilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon mo katulad ng ginagawa mo para sa'kin, sa'min, para lang magkaintindihan tayo." Hindi ko mapigilan umiyak sa sinabi ni Veca, at maski siya ay napaiyak na din. All this time, she values me. She care for me. She really care for me.

"Nung araw na nagkakilala tayo, that was the first time someone's stood for me, na kaya akong paniwalaan at ipagtanggol. Na meron palang isang tao na nagiisip na hindi lahat deserve ang masaktan, you break the walls i created so...easily. i have trust issues, alam mo naman na muntik na din ako molestiyahin ng tiyo ko pero walang naniwala, at kinailangan ko pang maglayas pero nu'ng dumating ka, lahat ng takot ko naglaho, sinamahan niyo ako sa laban ko. Salamat kasi nandun ka nu'ng araw na i'm willing to end my life." Hindi ko na mapigilan humagugol, god! What did i do to deserve them? They didn't know that they saved me too. Saved from drowning in loneliness.

"Both of you.... You saved me too.. And... I'm proud to tell my brother that i finally found an irreplaceable bestfriends." Ngiti kong sabi bago kami nagyakap at umiyak sa piling ng isa't isa.

Nang kumalma na kami ay binatukan ako ni Nikki dahil daw sa'kin nagdrama siya, mas madrama kaya siya!

"Paano niyo nga... pala ako nahanap?"tanong ko sakanila.

Tumingin sila sa isa't isa at ngumiti.

"Pinuntahin kami ni Varell, He told us everything, and i think! I smell something fishy!" Pangaasar ni Veca.

"Nung nalaman namin, alam namin kung saan ka mahahanap dahil panigurado puntirya ka ni Klea, 'yung babaeng 'yun. Buti nalang talaga pinagtulakan niya na si Klea." Nagulat naman ako sa sinabi nila, kaya ba gano'n nalang ang galit niya dahil sa ginawa ni Varell sakan’ya?

"Bakit naman pala kasama niyo sila Jonavair at Ricci?! Akala ko ba galit kayo du'n, nagugulat nalang ako na may mga jowa na kayo!" Reklamo ko na ikinapula nilang dalawa.

"H-hindi namin jowa 'yun, nagbaka sakali kami na baka may alam ang dalawa dahil nga sa madalas naman nilang nakakausap si Klea, dahil nu'ng nakatanggap kami ng picture niyo ni Varell.  Masama na kutob namin kaya tinulungan kami ni Varell at ng mga kaibigan niya, medyo nagkagulo pa nga sila dahil ayaw sumunod ng dalawang unggoy sakan'ya, 'di pa sila susunod kung hind iutos as a captain. Nu'ng pumayag sila, sinusundan na namin ng patago si Klea kasi kung nasaan 'yun panibagong may pakulo 'yung bruhang 'yun." Mahabang kwento ni Nikki.

"Oo, ta's nu'ng nalaman ni Varell 'yung mg ginawa niya, naku! Kung nakita mo lang mukha ni Klea nu'ng pinagtabuyan siya ni Varell." Ani ni Veca na natatawa pa.

"Tapos, kaya ka niya inaya dahil gusto ka daw niya i-cheer up, ehem!  obvious naman kasing may gusto sa'yo si Varell!" Halos hindi makaya ng utak ko ipasok lahat ng sinasabi nila.

"ANO?? MAY GUSTO SA'KIN SI VARELL?" Tumawa naman sila sa sinabi ko.

"Oh... Sweetie!... you're too dense." Sigaw ni Nikki sabay hagikhik.

Napuno ng tawanan ang araw namin, masaya ako dahil nasabi namin ang mga bagay na awkward na sabihin lalo na kapag 'di ka mahilig sa drama.

Kuya...tama ka nga, masayang mabuhay.

                                    ,

Shape of Love (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon