AEULA
"Calling Aeula to the earth!" Napahawak ako sa tenga ko dahil sa sigaw ni Nikkarone, napahiyaw naman ako sa sakit at pakiramdam ko'y mabibingi ako.
"Aray!Bakit ba?!" Inis kong sigaw sakan'ya.
"Hindi kita sinigawan kasi lutang ka na para bang 'yung utak mo napadpad na sa kung saang planeta." Sarkastiko nitong sabi at inismiran pa'ko.
"Ayan na naman kayo, pag-uuntugin ko na talaga mga ulo niyo." Saway ni Aloveca habang kumakain ng pinoy fries.
Pinoy fries ang tawag namin dito dahil gawang pilipinas naman ang fries namin, kaya bakit 'di natin tangkilikin ang sariling atin? Keme."Si Nikki kasi, nakalunok ng microphone ginawa pa'kong speaker!" padabog kong sigaw na para bang batang nagmamaktol.
"Nyenyenye, sumbongerang bata. Kawawa ka naman, iyak ka na? Ito tissue punas mo sa lalabas mong uhog." Sa sinabi niyang 'yun parang nagkaroon ng kidlat sa pagitan namin habang masamang nakatingin sa isa't isa.
Naputol lang ang titigan namin na akala mo papatay nang dumaan sa gitna namin si Aloveca."Tara kain tayo ice cream libre ko! baka sakaling lumamig mga ulo niyong kasing hot ko." Umarte kaming dalawa ni Nikka na parang nasusuka, binatukan naman kami ni Aloveca dahil dito at nagtawanan.
I don't have nothing to wish for, i'm gladly that i became friends with this two precious gems. I think my past life is a pirate who collects treasures, because i love keeping the things i treasure including them.
"Mag-iingat ka, tatanga tanga ka pa naman." Hagikhik na sabi ni nikki nang makasakay ako ng jeep, gusto ko sanang kutungan siya kaso umandar na ang jeep.
Plano niya talagang sabihin 'yon 'pag alam niyang aalis na dahil alam niyang kukutungan ko siya, aba minsan lang naman ako tanga.
Iba kasi ang daan ng bahay ko kesa sakanila na iisang kanto lang ang agwat ng bahay nila. Si nikkirone malakas mang-asar, ayaw patalo, madalas kami ang nagaaway kahit sa maliit na bagay and she became more cheerful.... than before.
Agad naman akong nalungkot sa naisip ko pero napalitan ito ng tawa dahil naalala ko ang ginawa kanina ni Aloveca sa Ministop, nagpustahan kasi kami na kung sino ang matatalo sa rock-paper-scissor kakainin niya ang Ice Cream mula cone hanggang ice cream, iritado siya dahil ang lagkit niya na daw dahil ang bilis matunaw ng ice cream, unti-unti ko naman hininaan ang tawa ko dahil naramdaman ko ang awkwardness dahil 'di ko namalayan na nakatingin na pala sa'kin ang ibang pasahero.
May narinig naman ako takas na tawa, pero hindi ko ito nahanap kung saan nanggaling.Tinampal ko ng pasimple ang noo ko, 'nakakahiya ka talaga aeu'.
Si Aloveca ang nagsisilbing ate samin, minsan nagiging referee kapag nasa mood siya pupusta pa siya sa kung sino sa tingin niya ang mananalo. Palagi naman siyang panalo dahil binoboto niya si nikki, hmp! Sa aming magkakaibigan mas matangkad si Aloveca at pinakamaliit ako sakanila. 152 cm lang ako samantalang si Aloveca 160, si nikki 156. Mas maputi naman ako sakanila, at katamtaman lang ang kanila. Gusto ko nga ang full lips ni Aloveca na bumagay naman talaga sa itsura niya, ano nga bang aasahan mo sa Miss beauty and brain. Si nikki medyo cute siya, 'medyo' lang dahil inaaway niya ako. Sabi ng iba matured daw ang itsura ko dahil sa heart shape na mukha ko at kulay brown kong mata pero para sa'kin mukha lang akong unggoy na nagevolve sa level 3.
Itim na itim naman ang buhok kong sraight na hanggang balikat, si Aloveca naman ay long curly hair na hanggang bewang at si Nikki ay may pagka brown ang kulay, hindi siya nahaluan ng ibang lahi at proud na proud siya dito sabi niya pa nu'ng minsan, "I'm proud to be a pe---ur pinay." mas binigyang diin pa ang pagsasalita.
,
BINABASA MO ANG
Shape of Love (One Shot Story)
Historia CortaAno nga bang alam mo sa pagmamahal? Lahat tayo ang unang naiisip ay ang damdamin ng lalaki at babae sa isa't isa, pero ano nga ba ang pagmamahal? Saan nga ba ito umuusbong? kailan ito nagkakahugis para maging ganap na pagmamahal? pero sa sobrang d...