Chapter 14

1.3K 54 6
                                    

“Lalabas ka o sisirain ko 'tong pinto.” Napalunok naman ako ng laway dahil sa sinabi niya.

Napahinga nalang ako ng malalim. Lumabas na lamang ako. Nagdadalawang isip pa ako na buksan ang pinto o hindi, pero sa huli ay binuksan ko na 'to.

“Ano?” walang gana kong tanong sa kanya.

“I don't know you like my room,” sabi niya at pumasok na sa kwarto niya.

Umupo naman siya sa kama at sinenyasan ako na tumabi sa kanya. Tinaasan ko lang siya ng kilay, at kumuha ng upuan at nilagay ang upuan sa tabi ng kama niya at umupo. Narinig ko nalang na tumawa ito ng mahina.

“So, what do you want to talk about?” tanong ko.

“About our marriage.” I rolled my eyes because of what i've heard.

“Gosh! Clai! Nakakainis na! Ayaw ko ngang magpakasal! Hindi kita mahal! Ilang beses ko bang ulitin ang sinabi ko para maintindihan mo!” sigaw ko sa kanya.

Wait, Napatingin naman ako sa kamay ko na wala ng tali. Hindi ko man alam ang daan, but i think i can escape here.

Agad naman ako tumakbo papalayo pero nagulat nalang ako ng biglang sumara ang pinto. Paano? Agad naman ako napatingin kay Clai na ngayon ay may hawak na remote. At mapaglaro na tumingin sa akin.

“You're not going anywhere, Aviana.” Napalunok naman ako ng laway dahil sa sinabi niya.

Hindi rin ako makatakas dito, dahil wala namang bintana. Gusto ko ng umiyak, pero hindi ko magawa. Hindi na siya kagaya ng dati, na makakatakas pa ako. Now, i don't think i can escape this.

“Clai! Ano bang gagawin ko para pakawalan mo lang ako?!” Lumapit naman ako sa kanya at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. “Clai naman?! Hindi mo ako pagmamay ari! 9 years ng nakalipas! Pero pilit mo pa rin akong inaangkin!”

“Iyan ang problema eh. 9 years ng nakalipas. Ngunit hindi ka pa rin nagbabago. Hindi mo pa rin ako mahal, ate. You know what i want.” Tumayo naman siya at lumapit sa akin. Hindi ako umatras at nakatingin lang sa kanya. “Ikaw lang ang tanging gusto ko, ate. Hindi ko kayang mabuhay kapag wala ka. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin para mabaliw ako sa'yo.”

Wala nga akong ginawa! Hindi ko naman siya inakit! Wala akong natandaan na may ginawa ako para mahulog siya sa akin.

“Clai, isa lang rin ang mahihiling ko, 'yon ay pakawalan mo ako,” seryoso kong saad sa kanya. Hindi lang siya sumagot at nakatingin lang siya sa akin. “Clai, alam kong makaka move on ka rin. Kagaya noon, nagkagusto ka sa ate mo. Tapos, in just one blink, nagkagusto ka na sa akin.”

“Ate, i can't. Naiiba ka, Sinubukan ko na dati, pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko alam kung bakit hindi kita kayang palitan.” Napahinto naman ako ng hawakan niya 'yong kaliwa kong kamay at nilagay niya sa dibdib niya. “Ate, hindi ako naniniwala na dahil 'to sa sakit ko kaya kita nagustuhan, kung bakit sobrang baliw ako sa'yo.... Mahal na mahal kita, Alam kong kahit wala na ito. Ay ikaw pa rin ang mamahalin ko.”

Agad ko naman inalis ang kamay ko na nakahawak sa dibdib niya. Anong gagawin ko? Ang hirap naman. Paano na ako makakatakas dito? Hindi naman ako papayag na angkinin niya ako.

“N-nasaan pala si Wilder?” Bigla nalang siya sumeryoso dahil sa tanong ko. Cold itong tumingin sa akin na parang may ginawa akong malaking kasalanan.

“Bakit mo ba siya hinahanap, ate?” tanong niya. 

Napaiwas naman ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ko tinanong 'yon, pero pinagpatuloy ko nalang.

“W-wala lang. Curios lang kasi ako, Saan kaya siya nagpunta? Matagal ko na rin hindi siya nakikita. Mukhang namiss ko na yata siya.” Ano bang pinagsasasabi ko?! Shit!

“Kaya ba, hindi ka pumayag na magpakasal sa akin. Dahil gusto mo si Wilder?”

Ano kayang mangyayari? Kung sasabihin kong 'oo' makakatakas na ba ako dito?

“Ah oo?”

Nagulat nalang ako ng tumawa ng malakas si Clai, habang nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa tiyan niya at 'yong kanan ay sa noo niya. Anong nangyayari sa kanya? Ng mahimasmasan na siya ay agad siyang lumingon sa akin.

And i tried my best to act normal, “Wala na akong magagawa pa.” Nakangiti niyang sabi sa akin ngunit kita ko ang lungkot ng kanyang mata.

Susuko na ba siya?! Gi-give up na ba siya! Shit! Ang talino ko talaga! 9 years na ang nakalipas. Ngayon lang ulit ako naging proud sa sarili ko—

“Papatayin ko nalang siya.” Napahinto naman ako sa sinabi niya.

“Huh?” Wait?! Hindi ba siya susuko sa akin?! 

Ngumiti naman ito. Seryoso ba siya?! Muntik pa akong mapanganga kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko.

“Dito ka muna, ate. May aasikasuhin lang muna ako,” malambing niyang sabi bago ako nilagpasan.

Natigilan pa ako dahil sa gulat. Ano bang gagawin ko para sumuko na siya sa akin?! Agad ko naman siya hinabol at akmang hahawakan ang braso niya ng agad siya nagsalita.

“Don't touch me,” seryoso niyang saad sa akin.

“What?”

“Kung hindi mo sasabihin na mahal mo ako. You're not allowed to touch me.” Eh paano ko siya mapipigilan niyan.

“Clai, pag usapan naman natin 'to. Wag mo naman patayin si Wilder! Please Clai—” naputol ang sasabihin ko ng agad siya sumigaw.

Napaupo naman siya, habang sinasabunot niya 'yong buhok niya. Agad ko naman hinawakan ang wrist niya para mapigilan siya.

“Clai! Stop it! Ano ba?!” sigaw ko.

Natigilan ako ng nakita ko siyang umiyak. Tumulo na 'yong luha niya na kanina pa niya pinipigilan. Ng magtama ang mata namin ay agad siyang tumakbo papasok sa banyo.

Napatayo naman ako at napabuntong hininga. Ngayon na ang pagkakataon para tumakas ako. Akmang aalis ako ng bigla nalang sumagi sa isip ko na magpapakamatay si Clai. Bakit ko ba naisip 'yon? Napahawak naman ako sa dibdib ko. Bigla nalang ako kinabahan.

Agad naman ako tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. Bago pa man niya masara ang pinto ay nakapasok na ako. Gulat naman siyang tumingin sa akin.

“Clai?! Anong balak mong gawin?!” sigaw kong tanong sa kanya.

Dahan-dahan naman siyang ngumiti ng nakakaloko dahilan para mangunot ang noo ko.

Obsessive Love Disorder 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon