Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang cellphone ko. A-anong nangyari?! Bakit namatay 'yong mama ni Niko?! Sino ang pumatay?!
Maraming katanungan ang pumapasok sa isip ko.
“Hello nak! Aviana! Aviana!” Hindi ako makagalaw dahil sa gulat.
Ano nalang kaya ang reaksyon ni Niko? Kapag nalaman niyang patay na 'yong mama niya.
“Ate?” Nagulat nalang ako ng makita si Niko na kababa lang ng hagdan. Agad ko naman pinatay ang telepono. “Ate, anong problema?”
Hindi ko kayang sabihin kay Niko ang totoo. Gusto kong sabihin pero hindi ko kaya. Ayaw kong nakikitang nasasaktan siya. Ngumiti naman ako.
“Ah wala, Niko. Mas mabuting matulog na tayo.” Hindi nalang ito sumagot at sumunod nalang sa akin.
•••
Nakahiga na kami sa kama habang hinahaplos ko 'yong buhok niya at nakayakap siya sa akin habang ginawang unan niya 'yong braso ko.
“Niko,” banggit ko sa pangalan niya.
“Mmh?”
“Lagi mong tatandaan na nandito lang si ate ha, kung kailangan mo ng karamay. Nandito lang ako sa tabi mo,” mahinahon kong sabi.
“Ate, bakit mo ba sinasabi 'yan sa akin?” tanong niya.
“Ah wala.” Hinalikan ko naman ang ulo niya. “Goodnight Niko.”
“G-goodnight ate.”
•••
Minulat ko naman ang mata ko at nakitang wala na sa tabi ko si Niko. Saan kaya 'yon nagpunta? Ginawa ko nalang ang morning routine ko at bumaba na ng kwarto. Nakita ko naman na nakahanda na 'yong mga pagkain.
At naka upo siya sa sofa habang naka cross legged at komportableng nagbabasa ng libro, para siyang prinsepe. Napailing nalang ako sa naisip ko.
Well, nababagay rin naman siya maging prinsepe. Dahil sa itsura palang at sa ugali ay bagay na bagay na talaga.
Naramdaman niya yata 'yong presensya ko dahil agad siya tumingin sa kinaroroonan ko.
“Ate.” Napangiti naman ito ng makita niya ako.
“Goodmorning,” Nakangiti kong pagbati sa kanya. Napatingin naman ako sa mga pagkain na nakahanda na sa lamesa. “Ikaw ba ang naghanda ng mga pagkain?”
Binitawan naman niya ang libro at agad lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“Opo, ako po naghanda niyan. Gusto ko kasing makapagluto ng pagkai—” naputol ang sasabihin niya ng agad bumukas ang pinto.
Nakita ko naman si Gairo at Mr Kim. Hindi ko ini expect na pupunta sila dito.
“Gai..ro?” Agad naman niya ako niyakap dahilan para mas lalo akong magulat.
“Ate, hindi ko akalaing bumalik ka na?! Sobra akong nag alala sa'yo!” Napangiti nalang ako sa sinabi niya at akmang yayakapin ko siya pabalik pero agad siya hinila ni Mr Kim.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 2
Romance(Completed) Nakatakas si Aviana sa dalawa, at pinauwi siya ng mama niya sa pilipinas, at doon niya nakilala ang dalawang lalaki na may sakit rin na Obsessive Love Disorder. Meet Gairo, 16 year old and Niko a 10 year old boy who fall inlove with Avi...