Kabanata 14

0 0 0
                                    

"ALAM NIYO kanina pa tayo lakad ng lakad subalit parang walang katapusan ang paglalakad natin rito sa loob ng gubat."

"Manahimik ka nga Reyn, puro ka reklamo, mag-lakad ka na lang kaya?!"

"'Eh, pa'no ba naman kasi Zandee, hindi ka ba nakakaramdam ng pagka-uhaw? Alam mo kanina pa tuyong-tuyo ang lalamunan ko... kaya nga sige akong salita ng salita upang maibsan at kahit papaano ay mapatakan man langa na kahit kaunting tubig ang dila ko."

Biglang sumali sa usapan nila si Nasus.

"Ganun ba 'yun? Bakit hindi ko alam? Pero hindi ba nakakadiri? Kasi laway mo 'yung gagamitin mong pamalit sa tubig." nandidiring ani nito at tinignan naman siya ng matalim ni Reyn pati na rin ni Rim.

"Isa ka pa Nasus, ang iingay niyo... Manahimik nga kayo." Pagsusuway ni Zandee sa kanila dahil nabubulabog namin ang ibang mga nilalang rito sa loob ng gubat dahil sa ingay nila.

Kanina pa ang aming paglalakad rito sa loob ng gubat. Batid kong kahit ang iba'y nauuhaw rin gaya ni Reyn. Sino ba naman ang hindi mauuhaw kong ganito kahaba ang lalakarin mo palabas ng Potio at patungong Armure.

"Kasalanan kasi ito ni Eirah, e," biglang tugon ni Reyn habang ngumunguso. Takang tingin naman ang ipinukol ko sa kaniya habang tinuturo ang sarili ko. "K-kasi kung hindi mo sana naisipan ang ideyang ito, e'di sana, hindi tayo nakakaranas ng ganitong hirap." usal nito.

Nanlalaki ang mata ko sa sinabi nito.

Hindi ko naman sila pinilit na pumunta rito, ang sabi ko lamang ay may ideya ako at di 'ko kasalanang sumunod sila sa nais ko. Mangsisisi nalang, ako pa ang sinisi.

"Tama ang naging desisyon ni Eirah at natin." sagot sa kaniya ni Siru na walang bahid na ngiti sa itsura. Takang napatingin naman sa kaniya si Reyn. "Dahil kung hindi tayo aalis roon, posibleng mas domoble pa ang bilang nila na sumugod sa atin, at mas lalong hindi natin iyon kakayanin kung sakaling patuloy pa rin tayo sa paglaban sa kanila."

Natahimik ang lahat sa paliwanag nito. Mamaya-maya pa'y nagsalitang muli si Reyn.

'Kahit kailan talaga, hindi ito makatiis na hindi makasalita.'

"Kung ganon ay dalian na natin at baka makahanap pa tayo ng lawa rito, dahil uhaw na uhaw na talaga ako."

"Bakit hindi ka manghingi ng tubig kay Nezka, tutal tubig naman ang salamangka niyan," suhestiyon ni Rim. Lumiwanag ang mukha ni Reyn sa naisip ni Rim at tila nagsasabing 'bakit hindi ko naisip iyon?'

Namula ang mukha ni Rim sa pagngiti sa kaniya ni Reyn at inilihis ang kaniyang paningin. Bigla akong umiling sa kanilang dalawa nang dumapo ang paningin nila sa akin.

"Hindi maaari, sapagkat maaaring humina si Nezka dahil rito at dahil na rin sa pagod na rin siya," ani ko habang nakatuon sa daanan ang paningin.

"Kahit unti lang? Bawal ba talaga humingi sa kaniya, kahit pambasa lang ng lalamunan?" dismayadong tanong nito at muling inilingan ko siya. Napangiwi ang kaniyang mukha at iniripan niya si Rim dahil sa palpak ang ideya nito na nakikinig rin pala sa usapan namin.

"Magpahinga muna tayo rito sa malaking puno," ani ko sa kanilang lahat. Napatigil sila sa paglalakad ng marinig ang sinabi ko. Tumaas ang kilay ni Siru sa akin at di kalauna'y umupo rin sa ugat ng puno, kahit ang iba ay nagsi-pahinga rin.

THE CONJURERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon