KABANATA DALAWAMPU
SA KABILANG dako, magkakasama ang mga magkakaibigan habang tumutungo sa kuta nina Eirah upang sagipin ito. Kasunod nila ay ang mga kawal na ipinadala ng ama ni Zandee upang maging kaagipay nila kung may mangyaring sagupaan man.
Tahimik lamang silang naglalakad habang nagmamanman upang bantayan ang mga kaluskos sa paligid. Wala ni isa sa kanila ang bumasag ng katahimikan. Sa kaloob-looban ni Nasus ay napapatawa ito sa kanilang kalagayan. Hindi nito namalayan na may naapakan siyang sanga na nagdulot ng ingay dahilan upang maging alerto ang mga kasama niya at nagpalinga-linga.
Napahalakhak ito ng malakas, subalit natigil ito ng tapunan siya ng mga matatalim na tingin ng mga kasama. Napalunok pa nga ito ng makita ang espada ni Zandee na nakatutok sa kaniyang leeg. Ngumiti siya kaunti at inalalayang ibaba ang sandata. Huminto sila ng makita nila ang pinagtataguan ng mga ito.
Nagtinginan pa ang mga ito sinyales na pum'westo sa kani-kanilang mga direksyon upang umatake. Agad silang naghiwa-hiwalay at sinugod ang kinaroroonan ni Eirah. Napahinto si Siru sa kaniyang pagtakbo ng mapansing walang ingay o anumang kaguluhan siyang naririnig. Kinutuban agad ito na maaaring wala na sila rito o di kaya'y isa itong patibong.
Agad nagsalubong ang kaniyang mga kilay at iniisip na baka naisahan na naman siya ng mga bandidong iyon. Mas lalo tuloy nanaig sa kaniya na kitilin na lamang ang mga buhay ng mga bandidong dumakip kay Eirah, lalo na kung makita niya itong pinapahirapan. Hindi na ito nagsayang ng oras, at agad ng tumakbo patungo sa pinakasentro nito.
Subalit ang kaniyang pagkamuhi ay sandaling nawala ng maabutan niyang tanging mga babaeng salamangkero lamang ang naririto, at bakas sa mga mukha nito ang mga pag-aalala. Natigil din ang kaniyang mga kasamahan at kagaya niya ay nagulat din sa naratnan. Takang tumingin ang mga ito sa kaniya, subalit maski siya ay nagulantang rin. Iniiwas niya na lamang ang kaniyang paningin sa mga ito.
Agad silang nakita ng mga ito habang nanlalaki ang mga mata. Ngunit mas lalong nagulat sila, dahil sa halip na labanan sila ng mga ito ay yumuko ito sa kanila habang nagmamakaawa. Hindi tuloy malaman ni Siru ang gagawin sa kanila. Siya ang may responsibilidad sa mga ito sapagkat mas nakatataas siya, higit sa mga kasama niya.
"Maawa kayo mga anak ng maharlika, huwag niyo kaming patayin..."
"Pakiusap nagmamakaawa kami sa inyo... Hindi namin kayang iwan ang aming pamilya ng ganito ang kalagayan namin..."
"Nagmamakaawa kami sa inyo... Kailangan kami ng aming mga asawa lalo na ngayon.."
Nagpantig ang pandinig ni Siru ng marinig ang mga asawang binanggit ng isang babae. Tumingin ito sa kaniyang mga kasama at tiyak niya na gaya nito ay iisa lamang sila ng naiisip. Ito ang mga dumukot kay Eirah. Lumapit si Siru sa isang babaeng nakayuko sa lupa. Inutusan ito ni Siru na tumingala.
Huminga ito ng malalim. "Maaari ko bang malaman, kung may binihag ang inyong mga asawa na isang babae?"
Hindi agad nakapagsalita ang babae. Tila pilit nitong inaalala 'kung may'roon ngang babae itong napansin.' Agad umaliwalas ang kaniyang mukha ng maalala nito siguro ang itsura ng dalaga.
Tipid itong ngumiti. "May natatandaan po ako, isang magandang babae ang dinala ng aming pinuno rito."
Nanlalaki agad ang mata ni Siru gano'n din ng iba pa niyang kasama. Hindi sila nagkamali dahil batid nilang si Eirah ang tinutukoy ng babaeng ito.

BINABASA MO ANG
THE CONJURERS (COMPLETED)
FantasíaSTAND ALONE STORY: [ONLY ONE FANTASY STORY THAT I WROTE] When the world surrounded by magic, what will happen? Eirah was an adopted child by an ordinary magician who's living in a small village far away from civilization, she thought her life will b...