CHAPTER 1

153 22 0
                                    


Minsan tinatanong ko sa sarili ko ano kayang pakiramdam ng isang maging mayaman?

Yung feeling na kaya mong bilhin lahat ng gusto mo, maging ang gusto mong puntahan mapupuntahan mo at lahat ng mga bagay na ginagawa mo ma e-enjoy mo.

Diba ang sarap sa feeling?

Yung tipong hindi mo na iisipin ang problema lalo na ang pangangailangan sa araw araw, dahil ang magagawa mo lang ay maging masaya dahil sa marangyang buhay na mayroon ka.

Sa totoo lang tinatanong ko sa sarili ko bakit hindi na lang ako pinanganak na mayaman?

O bakit may mga taong mahirap hindi ba pweding mayaman na lang lahat?

Bakit ang unfair, hindi ba pweding fair na lang? para ang lahat walang pag aalinlangan sa mga bagay na gusto nilang makamtan.

Sabi nga sa kasabihan "KASALANAN MISMO NG TAO KUNG BAKIT SIYA MAHIRAP DAHIL HINDI SIYA NAG SIKAP"

Pero kung ako ang tatanungin hindi ako naniniwala sa kasabihan nato dahil ang alam ko lahat ng tao nagsisikap hindi lang nila ma reach sabihin na natin yung pinakatuktok dahil nga limitado.

Nakakalungkot lang isipin na bibihira lang ang nakakapunta sa tuktok para maging matagumpay sa buhay.

Napabuntong hininga lang ako sa mga iniisip ko, hayss! ang hirap talaga maging mahirap.

Kuya?

Binaling ko ang tingin sa bunso kong kapatid na masayang nakangiti sa akin.

Oh?

"Tignan mo ang ganda talaga ng mga ilaw" sabi nito na masayang nakaturo sa mga nagtataasang gusali.

Nginitian ko ito at sinimulang haplusin ang ulo nito.

Nakatira kami sa isang squatter area malapit sa nagtataasang gusali dito sa QC at tuwing gabi dito kami tumatambay ng bunso kong kapatid sa taas ng bubungan ng bahay namin para pagmasdan ang nagtataasang gusali. Gusto kasi nito na tumambay dito para daw makita niya ang mga building na puno ng ilaw, sobrang ganda daw kasing pag masdan.

"Kuya ano kayang pakiramdam pag nakapasok ka diyan" sabi nito ng nakaturo sa mga gusali.

"Uhm! sa tingin ko masaya" sabi ko dito ng nakangiti habang hinahaplos pa rin ang ulo nito.

"Kuya sana dumating ang araw na maranasan natin na makapasok diyan sabi kasi ni denden maganda daw diyan mayroon daw sasakyan na bumaba at tumataas tapos may mararamdaman kang malamig dito kasi sa atin mainit ehh"

Biglang napawi ang mga ngiti ko dahil sa mga sinabi ng bunso kong kapatid. Kahit din pala ang kapatid ko gustong makaranas ng mga bagay na gusto kong maranasan.

Sabagay sino ba namang tao ang ayaw makaranas ng marangyang buhay.

Pinagmasdan ko ito, ang masayang mukha nito ay napalitan ng lungkot.

Bigla ko itong pinaharap sa akin at nagtitigan kami sa mata.

"Vj promise sayo ni kuya balang araw ipapasok kita diyan at pag naging successful si kuya hindi lang kita ipapasok diyan gusto mo bilhan pa kita ng isang building, gusto mo yun? "masaya kong sabi dito.

Kita kong umaliwalas ang mukha nito.

"Talaga kuya excited na ako" masaya nitong tugon habang pumapalakpak.

Natatawa na lang ako sa reaksyon ng kapatid ko, kahit na biro lang ang sinasabi ko sa kanya napapasaya ko siya at thankful din ako dahil napalaki namin ito ni mama ng maayos. Pinalaki naming masayahin, positibo sa lahat ng bagay at syempre mapagmahal sa magulang.

UNEXPECTED LOVE ( Boyxboy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon