Chapter Two

88 7 0
                                    

Chapter Two

Tahimik na kumakain si Aria ng
Tanghalian kasama si Grace at
Clark. Napakaliit naman talaga ng mundo Dahil sa dinami-rami ng pwedeng Maging pinsan ni
Grace, ang lalaki Pa sa bookstore kahapon.

Ang dalawa ay panay ang
kwentuhan Habang siya ay ngalingaling batukan Ang katabi. Napakaantipatiko ng Dating.
Mula nang umupo si Clark
At umorder sila ng pagkain ay
wala Nang ibang ginawa ang lalaki kundi Ang ipagyabang ang
modelling job Sa U.S. kadarating lamang pala nito Mula sa
Amerika at mananatili na
Sa pilipinas.

Nakangiting humarap sa kanya si
Clark. "How about you,Lizzy.?
Ano'ng pinagkakaabalahan mo?"

"Don't call me 'Lizzy.' Hindi tayo
Close. Aria ang pangalan ko.
I'm blogger-slash-writer,"
Walang gana niyang sagot sa
Katabi.

"Ahm, she writes inspirational
Articles about love, positivity
Of life, success, and any other
Thing under the sun. Kanina,
Bago ka dumating, pinag-uusapan
Namin yong pangarap niyang
Makapagsulat ng nobela. She
Has written two self-help books
But what she really wants is to
Write romances novel,"mahabang
Litanya ni Grace nang mapansing
Walang gana si Aria na kausapin
Si Clark.

"Kayah pala puro romance novels
Ang bibilhin mo sana kahapon sa
Bookstore. Kung alam ko lang na
Makikita uli kita ngayon dinala ko
Yong mga librong bibilhin mo sana."

Natigilan si Aria sa pagsubo ng
Pagkain. "You mean binili mo yong
Mga libro?"

"Yes. I was hoping to see you again
At eto nga nakita uli kita. Next time,
Ibibigay ko sayo yong mga libro mo."
Nakangiti pa rin si Clark.

Hindi ba siya nangangalay sa pagngiti? Kanina pa ngiti, eh kunsabagay, modelo
Nga pala siya sa U.S kaya
malamang, Fixed na ang
mukha nito sa pagpapa-Cute.
At next time niya ibibigay yong
Mga libro?

Ibig sabihin ay magkikita uli sila.
Nainis si Aria. Ayaw na niyang
Makita pang muli si Clark pero
Sige, alang-alang sa kanyang
Mga libro ay titiisin niyang makita
Pa ang lalaki sa huling pagkakataon.

"Kumusta naman ang pagiging
Romance writer?" Muntik na
Siyang nasamid sa itinanong ni
Clark. Nahalata iyon ni Grace kaya
Ang kaibigan na ang sumagot sa
Tanong ng pinsan. "Hindi pa siya
Totally romance writer. Hindi pa
Kasi siya nakakabuo ng nobela.
At yon ang pinoproblema niya.
Kaya kung gusto mong makauwi
Pa nang buhay, wag mo nang
itanong Sa kanya ang tungkol
diyan dahil Hindi mo alam kung gaano siya ka frustrated ngayon. Intiendes?"

Tiningnan ni Aria ang kaibigan
Nang may pasasalamat. Gustuhin
Man niyang bumuntong hininga
Ay hindi niya magawa dahil nasa
Harap sila ng hapag kainan.
Masyado Naman kasing mausisa
ang Clark na Ito.

"Ibig mo bang sabihin,walang love
Life tong kaibigan mo kaya hindi
Siya makabuo ng nobela? Madali
Lang yan. Humanap ka ng
Inspirasyon!" Bumaling sa kanya
Si Clark. Ngalingaling tadyakan
Niya ito dahil sa kadaldalan.

"Bakla ka ba? Bakit ang daldal
mo? Isa pang salita mo diyan,
tatadyakan.Na kita."
Pagkasabi niyon ay ininom
Ni Aria nang deretso ang
pineapple Juice. Agad siyang
tumayo at Isinukbit sa
balikat ang bag.
"Tapos na kong mag lunch.
Bye, Grace . I'll just call you later.
Wala na ko sa mood kaya mag
Papahinga na muna ako."
Halatang Nagulat ang dalawang kasama dahil Sa biglaan niyang
pagpapaalam. Hindi na
hinintay pa ni Aria sa
Sumagot si Grace kahit alam
niyang Aangal ito.
Nakakadalawang  hakbang
Pa lamang siya  nang bigla
ay may Naalala.

"Siyanga pala, yong mga
Libro ko, ibigay mo nalang kay
Grace. Siya na ang bahalang
Magbigay sakin. Ipapabigay ko
Nalang din sa kanya yong bayad."
Muli ay tumalikod na siya, nang
Maramdamang may humawak
Sa kaliwang braso niya.

A Dream With YouWhere stories live. Discover now