Chapter Six

54 1 0
                                    

Chapter Six

Nasa biyahe na sila pabalik ng maynila. Nalungkot Si Aria sa pagpapaalam kina Tatay at Nanay Ruby Ngunit nangako siyang babalik. Gustuhin man Niyang manatili pa ay Hindi na puwede dahil kailangan
Na niyang simulan ang pagsusulat ng naisip na plot Kanyang Nobela.

"Clark, salamat. I really had a great time."

Pareho Silang tahimik at halatang pagod. Kahit kasi
Nanatili lamang Sila sa loob ng bahay ay napagod pa Rin sila
dahil sa pakikipaglaro sa dalawang matatanda Na ay sa paglalaro
ng piko at patintero. Kaya
lalo siyang Nalungkot sa pag-alis.

"Walang anuman. Masaya ako na natutulungan kita."

"Bukas na bukas, sisimulan ko na agad 'yong nobela ko.
I guess my ' sweet bones' are alive again." Ngumiti si Aria nang
tumingin si Clark sa kanya.

"I m happy to hear that."

Nagpaalam na si Aria nang huminto Ang sasakyan Sa building ng condo unit niya.

"Ihahatid na kita Hanggang sa unit mo". Bumaba
Rin si Clark at kahit sinabi niyang huwag na siyang
Ihatid ay nagpilit pa rin.

"Gusto mo ba'ng magkape Muna sa loob?" Alok Ni Aria nang makarating Sila ni Clark sa kanyang Condo unit.

"No, thanks. Magpahinga ka na lang. Alam Kong Napagod ka maghapon."

"Oo nga, eh. Nakakapagod pero masaya naman. Sana, maulit 'yon, Clark."

"Sure. Sabihin mo lang kung kailan mo gustong Pumuntan do'n
lagi Kang welcome sa Bahay
na'yon. O, pano na? I have to go. Goodnight, Aria. I also had
A great time." Tumalikod na ang binata pero pinigilan
Niya bago pa man nakahakbang.

Nagtama ang kanilang mga mata
nang lumingon si Clark.
Magtatanong sana ang binata
kung bakit niya Pinigilan
pero hindi na naituloy ang
sasabihin dahil Bibigyan
niya ng halik sa kanang pisngi. Nanlaki ang Mga mata nito at halatang gulat na gulat sa kanyang
Ginawa.

Nang mapagtanto ni Aria
ang ginawa ay agad Siyang
pumasok sa loob ng condo unit
at isinara Ang pinto.
Sumandal Siya sa pinto at sinampal ang Magkabilang pisngi.

"Anak ng pating! Bakit ko Siya
Hinalikan sa pisngi? Ang engot mo talaga, Aria!"

Sinimulan na ni Aria ang
pagsusulat. Ginamit Niyang mga karakter ang dalawang batang nakitang Nag-aaway sa plaza sa Tagaytay.

Hindi naipagkakaila ni Aria na magmula nang Dalhin siya ni
Clark sa Tagaytay ay nadagdagan
Ang kanyang sigla sa pagsusulat.
Apat na araw na Ang nakalipas
mula nang bumalik
Sila sa maynila. At kasalukuyan niyang itinutuloy ang nobela. Nasa
Ikatlong kabanata na Siya at masayang tumitipa sa
Keyboard ng laptop
nang mapansing may pagkaka-
Hawig ang isinusulatsa nangyayari
Sa kanila ni Clark.Napailing siya.

Papalitan sana niya mga scene na naisulat Ngunit pakiramdam niya ay mas magiging Maganda kung
isusulat niya ang nadarama.
Ganoon nga ang nangyari.
Dahil tulad niya ay Takot ding mag-take ng risk ang bisang babae
Sa kuwento.

Nasa kalagitnaan na si Aria ng pag-I- imagine Ng susunod na senaryo na isusulat nang tumunog
Ang kanyang cellphone.

Si Grace ang tumawag. Hindi sana niya sasagutin Dahil ayaw niyang magpaistorbo pero baka
Importante ang sasabihin nito. Mag-iisang linggo
Na kasi silang hindi nagkikita.

"Hello, Grace? Bakit?"

"Hoy, bruha! Bakit hindi mo nire-replay-an ang
Mga text ko? Miss na Kaya kita!"

Bahagyang nailayo ni Aria ang cellphone sa tainga
Dahil sa pagsigaw ng kausap. Ngalingaling batukan
Niya ang kaibigan kung kaharap lamang niya. Palagi
Kasing nakasigaw si Grace,
iyon bang parang langing
May kaaway.

A Dream With YouWhere stories live. Discover now