NUMERO 1

6 0 0
                                    

*******

"Uy may bagong labas daw na sports car, samahan n'yo ko tignan natin!" Bungad ko sa mga kaibigan ko.

"Ayan ka nanaman sa mga sasakyan mo Rain. Kelan ka ba titigil sa pag ka addict mo d'yan?!? "

"Tignan lang naman ehh, samahan n'yo na ako please..." Pagpapa awa ko sa mga kaibigan ko, sabay puppy eyes.

"Ella, please!!" Pag mamakaawa ko kay Ella na samahan ako.

"Pass girl."

"Christian.…" Naka pout pero inilingan lang ako ni Christian sa pag aaya ko sakanya.

Kaya bumusangot naman ako ng sobra sobra, yung tipong maawa sila.

"Sge na sasama na ako! " Prisinta ni Clint.

Napatingin naman ako sakanya at-

"Wahhh! Mahal na mahal mo talaga ako  Clint! Promise 'yan ha?! Wala nang bawian! Narinig ng mga kaibigan natin 'yan!! Diba-diba?!??" Excited na tugon ko ng sinabi ni Clint na sasamahan nya akong tignan yung sasakyan sa mall knina!

"Oo, sasamahan kita. Mukha ka ng aso dyan nagmamakaawa na samahan ka mag kalkal ng mga buto sa ilalim ng puno."
Saad ni Clint.

"Ang sama mo! Pero papatawarin kita dahil sasamahan mo naman ako HAHAHA!"

"Hee shut up! Isa kang adik! Lumayo-layo ka saakin ha?" Sambit naman ni Addi. Isa sa mga kaibigan ko.

"Tse! Hindi tayo bati! Kayong lahat, si Clint lang kilala ko dito eh!" Ma attitude na saad ko sa mga ito, ngunit sabay-saby na iling lang mula sa kanila ang natanggap ko.

"O sha! Malapit ng mag end ang five minutes break na binigay saatin, bumalik na kayo sa mga upuan nyo." Saad ni Asheia

Dali-dali naming sinunod si Ash. Nag si balikan kaming lahat ng mga kaibigan ko sa kanya-kanya naming mga  upuan dahil sa pwesto ni Ash kami kanina nag-ku-kilitan.

Mga ilang sandali lamang ay dumating ang aming lecturer para makapag turo ng muli.

Habang nakikinig ako sa aming Lec. ay biglang sumagi sa isip ko ang aking mga kaibigan.

Walo kaming lahat na mag ka-kaibigan. At maiingay pa, lalo na kapag nasa canteen kami at kumakain. Madaming nakaka-kilala saamin sa aming paaralan dahil sa sikat ang mga apelyido namin.

Mariella Agatha Soriano, kilala sya bilang isa sa mga pinaka matalinong mag-aaral ng aming paaralan, walang laban na hindi n'ya kayang ipanalo dito sa Holy Javier State Campus. Madalas din ilaban si Ella sa mga Divisional, Provincial, Reagonal at minsan ay umaabot pa siya ng ibang bansa sa talinong taglay niya.

Christian Luke Peñaflor, pangalan palang ay banal na. Christian is a sakristan here in Holy JSC.  May sariling Chapel ang paaralang ito, may Pari rin na taga bantay, mga sakristan at isa na doon si Christian. Gwapo s'ya kaya tuwing may simba at isa sya sa nag s-serve sa altar ay hindi mapigilan ng mga kababaihan na mapatingin sakanya. May mga time panga na kami mismo ang tinatanong kung ano ang IG at FB account n'ya ehh.

Addison Ching, Addi is half Chinese. Their family was one of the wealthiest in Philippines. She's into sports too like me. She's the ace player of their team in Softball. Madami din s'yang fans na lalaki, dahil sa galing n'yang mag home run at mag bato ng bola.

Asheia Lenea Ang, may lahing Española kaya't sobrang ganda. Si Ash ang pinaka matanda saamin dahil late s'yang nag aral. One year older saaming magka-kaibigan. Sikat s'ya dahil sa kanyang angking ganda. She's into modeling and pagents. Sobrang daming nagkakandarapang lalaki sakanya may mga tagahanga din s'yang mga kababaihan dahil sa Fashion Sense nya. Lagi s'yang panalo kapag may pagent s'yang sinasalihan. At parang laro lang sakanya ang mga lalaki dahil never syang nag seryoso sa mga ito.

Inlove With Race (Extream Sport Series Girls[ESS Girls 1])Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon