Chapter 1

2 2 0
                                    

You are such a disappointment soleign


You are such a disappointment soleign


You are such a disappointment soleign


You are such a disappointment soleign


Mga salitang pabalik-balik kung naririnig sa aking tenga. Madaling araw na at ito parin ako walang tigil ang pag agos ng mga luha sa aking mga mata habang nakatitig sa unti-unting naglalahong buwan at mga bituwin.




Dati rati galit ako sa tuwing sumasapit ang dilim dahil kasabay nito'y pag sapit rin ng dilim sa aking emosyon. Unti-unting dumidilim at unti-unti rin akong kinakain ng kalungkutan. Kalauna'y
nagpapasalamat na ako sa pag dating ng buwan at mga bituwin masaya silang tingnan at nakikinig silansa aking mga hinanakit.




Nag daan ang mga buwan at nasanay ako sa ganitong pakiramdam. Hindi makatulog at makakain ng maayos.



Ang dating masiyahin at makulit na babae ay binago ng mga masasakit na salita.




Talagang ganito ang mundo sinusubukan tayo para hindi ipakita ang ating kahinaan kundi para sukatin ang ating kakayahan.



"Ling, gumising kana unang araw mo ngayon sa school anak" Tinig ni tita andrea ang narinig ko sa likod ng pinto. Si tita andrea ang naging sandalan ko sa lahat ng problema tanging sya lang ang nakakaintindi at dumadamay sa akin kahit na tipid ang sagot ko sa kanya lagi!



"Ling gising kana ba?" Tanong niya pero hindi parin ako sumagot "Papasok ako anak"



|Ekkkkkkkkk•|
( hoy tunog ng pinto yan, wag kang ano diyan!)





"Anak pwede bang mangako ka sa akin, wag ka ng umiyak ng umiyak please. Walang araw na hindi kita nakikitang umiiyak at ako ay nasasaktan sa tuwing nakikita kita sa sitwasyon na yan" Humihikbi si tita habang nag sasalita at ito rin ang pinaka-ayaw ko ang nakikita ang taong mahal ko na umiiyak.



Tango lang ang naisagot ko sa kanya, niyakap nya ako ng mahigpit at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa yakap na yun!



"Sige na maghanda kana at papasok na kayo"
Sabi ni tita sabay lakad palabas ng kwarto.




'I'm sorry tita, promise hindi mo na ako makikitang umiiyak'... bulong ko habang tinitingnan ang bultong paalis.


"Ling, kilos na! Bilis!" Sigaw na naman ni tita, tsk ang ingay talaga parang si Hanna lang.


Mabilis akong nagtungo sa banyo hindi ko pa man nabubuksan ang shower may naalala na naman ako.


Flashback

"Maria Soleign! Go to your room and take a shower now!" Sigaw ni mommy sa akin.


Ganyan talaga ang uri ng pagdidisplina ni mommy sa aming tatlo. Pero ako yata ang may pinaka matigas ang ulo hihi.



Lakad- takbo ang ginawa ko paakyat patungo sa kwarto ko baka sumigaw na naman si mommy nakakatakot!


Pumasok ako sa banyo at binuksan ko ang shower. Unti- unti kung inilapit ang isa kung daliri at...

huhuhu ang lamig...
Ayaw ko na huhu..




Agad kung pinatay ang shower at tumakbo ako patungo sa aking kama.
Grabe talaga si mama pati ba naman pagligo ko pahihirapan ako.

Anak mo ba talaga ako mommy...



Syempre!
Ayaw kung mag tampo kay mommy dahil alam ko this is her only way to teach us a lesson and as she always said ' I'm just being responsible mother ' alam ko na ang lahat nang ginagawa ni mommy ay para sa kapakanan naming lahat at wala akong karapatan para mag-tampo o kwestyunin ang kanyang ginagawa.




"Ma'am Soleign pinapatawag po kayo ni ma'am elysanddra" mahinahing sabi ni yaya awring. She is one of the best yaya in this house kasi mahal na mahal ako niyan.



"Okay Yaya! pababa na po si ako hihi" sabi ko at agad-agad na tumayo. Inayos ko ang aking sarili para hindi ako masigawan nanaman ni mama.




Pababa pa lang ako nang hagdan amoy na amoy ko na ang mabangong pinakbet! Yayyyy my Favorite...




Tatakbo na sana ako pero nakita ko si mommy kaya dapat maging formal ako.




Nasa harap na ako ng mesa nang mag-angat ng tingin si mommy sa akin. Ang kanyang mata ay nakakatakot at nanaliksik, parang umaapoy si mommy sa galit.





"Maria Soleign!" Galit na sigaw niya "You are not allowed to eat! as your punishment"


"Mommy? Diba I did nothing wrong naman po, bakit ako bibigyan ng punishment?" Tanong ko kasi litong-lito ako kakaisip.




"Uh-huh... nothing wrong Soleign? Really? Why don't you smell yourself and look look in front of the mirror!" Mommy said sarcastically.

Ohh shit hindi pala ako naligo...




Ayy buhay talaga Oo, talagang takot ako sa malamig at wag ninyong itanong kung paano ako nakakaligo syempre may Hot water naman pero hindi subrang init, sakto lang.



Swerte talaga ako pag si ate o kuya ang naunang umuwi kesa kay mama. Hindi kasi nila ako hinayaang magtiis, ayaw nila na masaktan at mahirapan ako ganyan nila ako ka love.





"Ah-mmm... mommy sira po kasi ang
shower ko" pagsisinungaling ko para naman makakain ako ng paborito ko.





Hindi ako sinagot ni mommy sa halip tinalikuran niya kami ni daddy, hindi ko alam kung saan sya pupunta.




Si daddy nasa tabi ko lang at kahit na tutol sya sa ginagawa ni mommy hindi sya umiimik dahil alam niya kung anong patutunguhan pag nakikipagtalo pa sya, mag-aaway lang sila at ayaw ko na ako ang maging dahilan non.




"Daddy kumusta ang work mo po?" Tanong ko sa kanya habang hinihintay ang utos ng mahal na reyna choz! ( peace mama )^^




"So far okay naman anak medyo pagod lang si daddy but don't worry nakapagluto ako ng paborito mo" halata ang pagod sa mukha ni daddy pero nakakaya parin niyang tumawa at syempre gwapo pa rin.
Chef si daddy sa Restaurant lang din namin kahit na gusto ni mommy na siya nalang sana ang mag manage dito pero ayaw ni daddy sabi kasi nya mas gusto niyang gawin ang bagay na mahal niya hindi iyong naipilitan lamang siya.
Lagi silang magka salungat ni mommy syempre ang isang Chef na minsang employee lang rin ay nakapag-asawa nang isang business hearted woman.




"Thank y-" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bumalik si mommy na may bitbit na isang grapon ng...

Omayyyyy asin..



"This another punishment is for your being such a liar Soleign. Ang shower ay hindi sira!" Sabi ni mommy at galit na galit na talaga.
"You don't have a choice luluhod ka o luluhod ka sa asin"




Unti-unti akong lumuhod sa sahig na binudburan ng asin, ramdam ko ang sakit pero nanatili akong matatag, ayaw kung umiyak at ayaw kung ipakita kay mommy na mahina ako.


End of flashback



















A/N: Thankyou for reading po! Godblessyou all my estrellas

Sorry for my super slow update hihi marami po kasi akong ginagawa
I'm a Writer yes!(char) but I'm a half student, Half taga hugas ng plato kaya wamport-wamport lang tayo my estrellas sana maiintindahan nyo...
Iloveyou'll mwahhh

















Luna y estrellas (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon