✨ 08 ✨

10.7K 195 19
                                    


CHAPTER 8


Kinuha ko ang lahat ng gamit ko sa kotse, madilim na at kailangan ko na rin magpalit. Buong akala ko ay mag-aaral kami ni Sir Pogi, 'yon pala ang ibig sabihin ng sinabi niyang lahat ay as in lahat ng gamit ko.

Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit alam ni Sir Pogi na naglayas ako. Bukod kay Vera wala na akong ibang pinagsabihan. Sinabi kaya ni Vera? Pero bakit naman sasabihin ni Vera, hindi naman niya alam na teacher ko si Sir Pogi.

At dahil gusto ko ang nangyayari, pumayag na lang din akong dito matulog. Mukha namang harmless si Sir Pogi kaya wala akong dapat na ikabahala. At saka Tito naman siya ng kaibigan ko, 'yon nga lang walang alam si Vera dito.

"Sa kwarto ko na lang ikaw matulog," ani Sir Pogi pagkapasok ko sa bahay dala-dala ang lahat ng gamit ko. As usual, hindi niya ako tinulungan. Gentleman talaga. Hmp.

"E, san ka po matutulog?"

Tumingala ako at tiningnan ang kwarto sa itaas. Da-dalawa ang kwarto, at kung ako ang matutulog sa kwarto niya ay saan siya matutulog? Tabi kami? Aba, gusto ko 'yan!

Bahagya akong napangiti sa naiisip bago ibinalik ang tingin kay Sir Pogi. Nakatingin na siya ngayon sa akin. Kanina ay busy siya sa pagbabasa sa librong hawak-hawak niya, at ngayon ay parang ako naman ang binabasa niya.

Maagap kong inalis ang ngiti sa labi ko at baka kung ano pa ang isipin niya.

"Hindi ako tatabi sa'yo kaya 'wag kang magsaya d'yan," saad niya bago bumalik ang tingin sa libro.

Sabi ko na nga ba at mapapansin niya 'yon. Magme-menopause na siguro ang lalaking 'to at lahat ay pinag-iinitan. Tsk.

"Sa kabilang kwarto, o dito sa sala ako matutulog," dagdag pa niya nang hindi nag-aabalang tingnan ako.

Saglit ko muna siyang pinanood na prenteng nakaupo sa sofa habang nagbabasa. Para siyang isang modelo na kahit saang anggulo ay p'wedeng pagkakitaan. Bakit kaya hindi na lang siyang nagmodelo o hindi ka ay nag-artista? Tiyak na pagkakaguluhan siya ng lahat kung nagkataon.

"I thought you weren't interested in me," bigla niyang sabi kaya agad akong natauhan mula sa pagkakatitig sa kan'ya.

Hindi pa rin siya nakatingin sa'kin, pero bakit nakikita niya ang pagtitig ko?

Hindi ako nakapagsalita. Para na naman yata akong namumula sa hiya. Iiwas na sana ako ng tingin nang bigla naman siyang nag-angat ng ulo at direktang tumingin sa'kin.

"Pero bakit parang pinagnanasaan mo 'ko?" seryoso pero may bahid na pang-aasar niyang sabi.

Kung sasagutin ko siya ay baka kung ano lang ang masabi ko. Bukod sa hindi ko rin alam ang isasagot ay mas mabuting manahimik na lang ako.

Umiling ako. "Gutom na ako," tanging nasabi ko na kung tutuusin ay hindi 'man lang sumagi sa isip ko.

Hindi naman ako gutom. Actually, busog na ako sa kakatitig ko pa lang sa kan'ya.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. Mula sa pagiging seryoso ay agad na kumunot ang noo niya sabay lapag ng libro sa center table. Pinanood ko ang bawat galaw niya, mula sa paggalaw ng adams apple niya hanggang sa tuluyan na siyang tumayo kaya agad akong umurong.

Nawala na ang kunot sa noo niya at kalmado nang nakatingin sa akin."Anong gusto mong kainin?" he asked calmly.

Natameme ako at hindi alam ang isasagot.

Ikaw, Sir Pogi? Hehe.

Hindi naman kasi talaga ako gutom, pero kung siya ang kakainin... why not. Sarap, e.

✔ || The Walwalera (Part I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon