✨ 01 ✨

18.8K 303 62
                                    


CHAPTER 1


Binagsak ko ang bag sa upuan ko bago umupo at sumubsob sa arm chair. Iilan pa lang kaming nasa classroom at ilan pa ay busy sa paggawa ng kung ano sa kani-kanilang sariling upuan.

Baka may ipapasa sa isa sa mga subject?

Wala akong maalala...

At dahil hindi ko nga maalala, malamang wala akong gawa kung sakaling meron nga dahil alas singko na ng umaga ako nakauwi sa bahay at pagkatapos ay nagbihis na para pumasok. Buti na lang bukod sa mga katulong namin sa bahay wala pang ibang nagigising ng gan'ong oras. O, baka gising na rin sila hindi lang lumalabas.

Matutulog na muna ako, bahala na ang kung ano gawain na 'yan. Mangongopya na lang siguro ako kay Autumn mamaya.

"Hindi na raw papasok si Engr. Andra dahil kabuwanan na niya. Mabuti na lang hindi ko ginawa iyong pa-take home quiz niya n'ong isang araw."

Hindi pa ako tuluyang nakakatulog nang narinig kong nag-uusap si Serenity at Margarette na mukhang kapapasok lang ng classroom.

Baka iyon 'yong ginagawa nila... mabuti naman at manganganak na ang babaeng 'yon dahil ako ang nahihirapan sa kan'ya sa tuwing nakikita ko ang malaki niyang tiyan. O, sa mas madaling salita nahihirapan ako sa subject niyang Calculus kaya pa-tatlong take ko na siguro ito.

Narinig ko ang pag-upo ni Serenity sa tabi ko pero hindi ko iyon pinagtuonan ng pansin. Sabi ko ay matutulog ako...

"May naririnig akong kapalit ni Engr. Andra kaya 'wag kang makampanteng hindi 'yon ipapasa," ani Margarette.

Napairap ako mula sa pagkakasubsob at saka bumuntong hininga. Paano ako makakatulog kung ganito kaingay ang mga kasama ko. Kainis.

Napangiwi na lang ako at saka padabog na umayos ng umupo at matalim silang tiningnan. Nakatingin na rin sila sa'kin dahil siguro sa ingay na ginawa ko.

"Alas tres ka na naman umuwi 'no?" tanong ni Anastasia na agad kong nilingon.

"Hindi..." tipid kong sagot at saka ipinatong ang dalawa kong braso sa arm chair bago inaantok na pinatong d'on ang aking baba. "Alas singko."

Pare-pareho silang nagulat sa sinabi ko. Improving ba?

Well, si Tala kaya 'to.

Marahan ko na lang na ipinikit ang aking mga mata. Baka sakali makatulog ako ng ganito. Antok na antok na talaga ako.

"Sigurado ako, wala ka na namang gawa sa Calculus," ani Piper.

Hindi ako nagmulat ng mata at nanatiling gan'on ang puwesto. "Kayo nga rin wala... ako pa kaya. E'di pare-pareho tayong bagsak, the more the happier."

Rinig ko ang kanya-kanya nilang ismid sa'kin dahil sa ilong nilang lahat iyon lumabas.

Hmp.

Nagkaroon ng katahimikan nang dahil sa sinabi ko. Hindi na kasi sila muling nagsalita dahil pare-pareho silang natamaan. Mabuti 'yon para makatulog na ako.

Bukod sa Calculus, may ilan pa akong kinukuhang subject sa klase nila. Limang taon na ako sa Engineering pero hanggang ngayon pabalik-balik pa ako sa second year. Ano pa nga ba ang aasahan ko... pasulpot-sulpot lang din naman ako sa klase.

Hindi ko alam kung ilang minuto lang akong nakatulog... pero at least nakatulog pa rin ako.

Dumating na kasi ang teacher namin sa Rizal.

Tsk.

Pa-simple akong umirap. Paanong hindi ako maiinis, dalawang beses na kasi akong binabagsak ng bruhang matanda na 'yan dahil lang hindi ako nagpapasa ng essay sa kan'ya.

✔ || The Walwalera (Part I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon