Chapter 6| training

5.1K 327 25
                                    

I am looking at myself in the mirror habang suot ang uniform na ibinigay sa amin. Nasukat ko na ito once nung first night namin dito pero iba pa rin ang feeling ngayon dahil magagamit ko na talaga sa labas.

We have three types of uniform. Ang suot ko ngayon ay ang casual which is grey polo and black tokong shorts. Sa left side ko ay nakakabit ang nametag pin ko na "Sin" ang nakasulat.

The other two uniforms are for formal gatherings which is grey suit, white longsleeves, and black slacks, and the other one is semi casual which is grey polo and black slacks.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang marinig kong kumatok doon si Mau. "Sin, are you ready?"

"Hold up. Wait a sec." Sigaw ko sa kanya bago ko muling kinuha ang suklay upang suklayin pataas ang bagsak kong buhok. We have to look neat and clean kaya't bawal na may buhok na nakasagabal sa muka namin.

Pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto habang ingat na ingat na huwag malukot ang suot ko.

"Wow, fresh." Nakangiting bungad sa akin ni Mau.

Napangiti rin ako nang makitang ibang-iba na ang ayos nya kumpara sa mga araw noong mapunta kami dito.

Her hair is neatly put in a bun. Kapansin-pansin din ang simple yet fresh-looking touch ng makeup na nilagay nya. She's also wearing the same uniform, ang pinagkaiba lang ay mayroong white scarf sa collar ng polo nya.

"As fresh as you," sagot ko naman sa kanya.

"Exactly. By the way, nasa labas na yung tatlo. We have to meet sir George daw muna for our assignments."

Pagkalabas namin ay napangiti ako nang makita ang ayos nung tatlo. Tulad ng ayos namin, sobrang linis din nilang tignan na akala mong kay babait na nilalang.

This is our first day of training. It isn't the official start of our job yet, pero gagawin ko ang best ko sa araw na 'to. I'll make sure to do good.

Around 8am nang marating namin ang head office. Kinabahan tuloy ako sa thought na nasa pinakataas ng building na 'to ang CEO na bad shot ako for two times already.

Shet. Bigla ko tuloy naalala yung kaganapan kahapon sa private island nya. Akala ko ipapatapon na talaga ako.

Sinalubong kami kaagad ni sir George sa receiving area. Napansin ko ding mayroon pa syang lima pang kasama na sa feeling ko ay pawang mga staffs din dahil parehas ng uniform nila ang amin.

"Good morning, sir." Bati namin nang tuluyan na kaming makalapit.

"Good morning. Are you guys ready for today?" he asked. Napadiretso tuloy kaming lahat ng tayo. 

"Always, sir." Nakangiting tugon naman ni Maggy.

"Great. So these are the handpicked regular and excellent staffs natin sa resort. Sila ang makakasama at magga-guide sa inyo ngayong araw," sir George instructed saka tinuro ang lima pang staffs na kasama nya. Bumati naman sila kaagad sa amin.

I got paired to "Cheska" based sa nametag nya. Muka naman silang mabait lahat kaya wala namang problema.

We got assigned in welcoming area together with Mau and his partner, Lloyd. Habang si Maggy naman ay sa pag-aassist sa mga villas. Si Jasper at Mich naman ay sa isa sa mga maliliit na island naassign.

"We got this guys!" Mau motivated us with her bright smile.

"Good luck to us." Sagot ko naman.

"Break a leg." Maggy.

"See you later. Stay fresh." Sabi naman ni Mich bago kami tuluyang lumabas ng head office at naghiwahiwalay.

Basically halos magkalapit lang kami ni Mau pero hindi rin kami magkakausap dahil sa other side sya ng welcoming area nakaassign. Regardless, nandito naman kami para magtrain hindi magchikahan.

Disguised Paradise (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon