Chapter 66| photo album

3.1K 204 63
                                    

Nagising ako nang marinig ko ang pagkatok sa kwarto ko. Pupungas-pungas pa ako ng mga mata na tumayo ako para pagbuksan iyon.

"Oh, ate aalis na po kayo?" tanong ko nang makita ko si ate Sheila. Gayak na gayak na ito na mukhang papasok na sa trabaho.

"Nagising ba kita?" she gave me an awkward smile. "Sorry ha? Busy kasi mama, ang sabi ay gisingin na raw kita at ikaw muna ang tumingin kay Lei."

Agad naman akong umiling. "No, okay lang po. Sige po ate, ako na hong bahala," nakangiti kong sagot.

She pats my shoulder. "Thank you. Sige mauna na ko. Nasa kwarto pa naman si Lei. Tulog pa kaya't makakapag-almusal ka muna."

"Hmm. Sige po. Ingat po kayo," sagot ko na lang saka tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Agad akong dumiretso sa dating kwarto ni Kuya para silipin muna si Lei. Nakita ko ngang mahimbing pa syang natutulog sa crib nya kaya naman muli na akong lumabas para mag-almusal.

Nang papunta na ako ng kusina ay nakita ko si Mama na naglalabas ng mga box mula sa kwarto nya.

"Oh, Ma, ano pong gagawin nyo dyan? Anong meron?" takang tanong ko.

Tumingin naman sya sa akin nang tuluyan nang mailapag ang box. Pansin kong may tatlo pang kahon ang nandoon.

"Ah kukuhanin na kasi ng Papa mo ang mga natitirang gamit nya rito. Tumawag kanina," sagot nya saka nagpunas ng pawis.

"Iyan na ho ba lahat 'yon?" 

Naalala ko nung umalis dito si Papa ay kaunting gamit lang ang nadala nya dahil medyo biglaan iyon. Kaya naman natira ang ilang gamit nya sa kwarto nila ni Mama.

Tumango sya. "Oo, iyan na lahat."

"Kelan nya raw po kukunin?"

"Baka maya-maya," sagot nya na ikinabigla ko.

Okay... hindi ko alam kung paano sya pakikitunguhan matapos nang ilang taon naming hindi nagkita. 

Tumango na lang ako. "Kumain na po kayo?" 

"Kanina pa. May pagkain pa dyan sa mesa, kumain ka muna at maliligo lang ako."

"Si Ate po?"

"Nandoon kina Michael. Kanina pa rin umalis."

"Sige po," sagot ko na lang saka nagtungo sa mesa. 

Sakto namang katatapos ko lang kumain at maghugas ng mga pinggan nang marinig ko ang pag-iyak ni Lei mula sa kwarto. Dali-dali tuloy akong nagpunas ng kamay saka patakbong nagtungo doon.

Gising na ang alaga ko, bulong ko pa.

Pagkapasok ay agad agad ko syang binuhat para ihele saglit sa braso ko. Nang tumigil na sya sa pag-iyak ay hiniga ko muna sya sa kama saka nagtimpla ng gatas.

"Achuchuchu oh ito na po kamahalan," pangbaby-talk ko sa kanya saka sya muling binuhat. Umupo ako sa kama bago sya tuluyang pinadede.

"Kamusta naman ang tulog ng baby, ha?" dagdag ko pa. Napangiti na lang ako nang tignan ako nito. He got Kuya's eyes. Nakahawak pa ang dalawang kamay nya sa kamay kong nakahawak naman sa feeding bottle.

"Alam mo, kamukang-kamuka mo ang daddy mo pati si Papa."

Pagkatapos ay tumayo ako saka lumabas ng kwarto habang buhat pa rin sya.

Isinakay ko sya sa stroller nya saka ako nagtungo sa apat na kahon na inilabas kanina ni Mama. Hinalukay ko iyon. Napangiti na lang ako nang makita ang hinahanap ko.

It's my Papa's photo album. 

Muli akong tumayo at kinuha si Lei para ikandong sya sa couch. Pagkatapos ay binuklat ko na ang photo album paharap sa aming dalawa. Narinig ko pa ang paghagikgik nito nang sandaling sumilay ang mga larawan.

Disguised Paradise (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon