CHAPTER 21

4.1K 196 3
                                    

PAGKATAPOS niyang iligpit ang mga gamit na nasa loob ng kanyang barrack ay lumabas na roon si Achilles upang umalis. He was excited to go home and he can't wait to see her and his daughter.

He was smiling mentally when he saw the men formed a line as he was taking long strides. He looked at their face one by one and he cannot contain his happiness. The side of his lips stretched in a smile.

Sa huling linya ay tumigil siya sa paglalakad at inilibot ang mga mata sa mga sundalong naroon. Sabay-sabay na sumaludo ang mga ito sa kanya.

Achilles stand firmly and raised his hands on his eyebrows to return the salute.

"Take care of yourselves," he uttered. Tinapik niya sa balikat ang isang staff sergeant na nasa kanyang harapan bago tumalikod upang tuluyang umalis.

"Can't you stay, Sir?"

Napatigil sa paglalakad si Achilles at muling napatingin sa staff sergeant na nagtanong. Nang ipalibot niya ang paningin ay nakatingin din sa kanya ang iba at tila ba hinihintay ang kanyang sagot.

Achilles smiled at them and raised his ring finger. "You're all invited to my wedding."

Sabay-sabay na naghiyawan ang mga ito sa nalaman at binata siya.

Achilles knew that he would probably miss these great soldiers around him. They were his friends, his companions, his comrades for how many years. Maybe the men would also feel relieve, no one will give them a hard time as he did.

Surely, he would miss his life being a soldier, but he knew he made the right decision. Achilles left the base with a smile on his face.

"INIIBIG kita, Achilles Sanford. Ngunit may mga bagay na hindi natin magagawang kontrolin sa buhay natin. I do not deserve you, I cannot fulfill your dream, and I can't never complete you. I'm sorry, Aki. Ayaw kong maging makasarili at itali ka sa akin kung hindi ko naman kayang ibigay ang mga bagay na hinahangad mo, ang bagay na magpapasaya sa 'yo. Mahal kita at gusto kong maging masaya ka at matupad lahat ng bagay na gusto mong makamtam. Hindi kayang punan ng aking pagkukulang ang puwang sa iyong buhay. Maraming salamat sa lahat, hangad ko ang iyong kasiyahan, kahit hindi man sa piling ko."

Margareth

Nilumukos niya ang sulat nang mabasa ang laman niyon. Sari saring damdamin ang namahahay sa kanyang dibdib dahil sa mga bagay na nakapaloob doon, dinagdagan pa ng pagod at puyat.

Kagagaling lang niya mula sa kampo nila at dumiretso siya pauwi. Pagkalipas ng dalawang linggo ay iyon ang dinatnan niya.

It was his last mission, he already handed his resignation letter to his superiors who tried to stop him, but to no avail, he already made his decision. Dalawang linggo sila ng team niya sa malayong kabundukan ng Mindanao, hindi pa siya nakakakuha ng maayos na tulog mula nang ma-deployed.

Nagsimulang bumukal sa kanyang dibdib ang pait at pangambang tuluyang mawala sa kanya ang dalaga. Kumuyom ang kanyang kamao nang matitigan ang singsing sa kanyang palad na iniwan rin nito.

Pagkapasok niya sa kanyang silid ay hindi niya agad napansin ang sulat na nasa ibabaw ng kanyang kama. Kung hindi pa niya nasagi ang singsing at mahulog sa sahig ay hindi niya makikita ang sulat na iniwan ni Margareth para sa kanya.

Mabilis na nilinis niya ang katawan at pinalitan ang uniform na suot suot parin niya hanggang sa pag-uwi. Pagkatapos ay lumabas siya ng bahay at tinungo ang kabila. Naabutan niya roon ang matandang kasambahay ng pamilya na nagulat nang makita ang walang emosyon niyang mukha.

Nang marinig ang itinugon ni 'Nay Caring nang tanungin niya ito kung saan naroroon si Margareth ay agad siyang lumabas ng bahay sa malalaking hakbang. Muntik na niyang mabangga si Vince na papasok.

Achilles Heal (Sanford Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon