Anong hanap
Anong ganap
Poot laganap
Walang hinaharap
Anong paki
Walang sinabi
Wag kang leche
Manahimik pwede
Walang asenso
Puro pamumulitiko
Walang trabaho
Panay tarantado
Ayoko ng plastik
Hindi organik
Lason, tinik
Mata titirik
Madaming bata
Pugad ng puta
Bagong salta
Adik dito nagkuta
Titis ng sigarilyo
Sirang karsulsilyo
Ni walang sipilyo
Amoy impyerno
Walang idlip
Pagod na isip
Matang nakasilip
Sa buhay inip
Bakit saliwa
Sabog na diwa
Utal na lakandiwa
Humihingi ng awa
Ayoko na dito
San mo gusto
Lahat hindi husto
Alis na tayo.
xxx
Marya
01.08.201
YOU ARE READING
Mary's Not So Secret Garden
PoetryMy collection of poems and paintings since 2014 Most of my posts here are from my blog: https://marysnotsosecretgarden.wordpress.com/