Ibulong mo sa hangin
Ang iyong pagtingin
Pati buong saloobin
Ibulong mo sa tubig
Wagas na pag-ibig
Sa dibdib kinakabig
Ibulong mo sa langit
Ang sakit at pait
Panaghoy na impit
Ibulong mo sa kakahuyan
Poot at kalungkutan
Ng mawala ng tuluyan
Ibulong mo sa pintakasi
Nasa pusong pagkamuhi
Nang pagpupuyos mawaksi
Ibulong, wag mag atubili
Lahat ng pagmumuni muni
Walang ikukubli.
xxx
Marya
02.22.2016
YOU ARE READING
Mary's Not So Secret Garden
PoésieMy collection of poems and paintings since 2014 Most of my posts here are from my blog: https://marysnotsosecretgarden.wordpress.com/