Chapter 1
Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa gilid ng refrigerator-2003 ang taon ngayon, Mayo 6, Martes. Umaga pa lang ay naririnig ko na ang ingay sa bukid, busy na ang mga magsasaka sa kani-kanilang trabaho. Ako naman, napatingin sa bintana sa labas, pinagmasdan ang pagsikat ng araw na tatama na sa bintana.
Hawak ang tasa ng kape, lumabas ako at nagstay sa maliit na terrace. Naupo ako sa upuan na gawa sa kahoy at saka pinagmasdan ang paligid. Ang hangin ay sariwa at ang tanawin ay nagpapakalma sa akin. Tila ba isang bagong simula ang bawat umaga rito, isang pagkakataon upang iwanan ang mga alalahanin ng nakaraan at yakapin ang mga bagong posibilidad. Habang iniinom ko ang kape, naramdaman ko ang isang tahimik na kasiyahan, isang uri ng kapayapaan na bihira kong maramdaman sa maingay na lungsod.
Saka ko naalala ang mga papel na inilagay ni lolo sa laptop ko na hindi ko pa nabubuksan. Agad akong pumasok at dumiretso sa kwarto sa second floor, hindi ko na sinarado ang pintuan sa labas dahil sa pagmamadali. Sumampa ako sa gilid ng kama, inilapag ko ang hawak na tasa sa gilid ng mesita at pagkatapos inilagay sa aking hita ang laptop at binuksan ito.
Pagbukas ko, agad akong dumiretso sa file at hinanap ang file ni lolo. Nang mahanap ko ito, agad ko itong binuksan at binasa isa-isa. Ang mga dokumentong narito ay importante at hindi dapat binubura, base sa bilin ni lolo. Patungkol ito sa kanyang kumpanya kaya kailangan ko itong ingatan.
It's a good thing na original copy ang nasa akin, at ang hawak niya ay ang fake copy. Kahit makuha pa ng mga kaaway ni lolo ang kopya niya, wala silang mapapala. Alam kong malaking responsibilidad ito, pero mas mabuti na ang ganito para sa seguridad ng aming pamilya at ng kumpanya. Habang binabasa ko ang mga dokumento, lalo kong naiintindihan ang halaga ng mga ito at kung gaano kahalaga ang proteksyon ng mga impormasyon.
Kinuha ko ang tasa sa mesita at pagkatapos hinigop ang natitirang kape. Pinatay ko ang laptop, iniwan ko ito sa ibabaw ng kama, at saka sinarado ang pintuan ng aking kwarto. Pagbaba ko sa hagdan, napansin ko ang paggalaw ng pintuan at ang kakaibang putik sa sahig. Sinundan ko ang mga bakas ng putik na papunta sa kusina.
Nagulat ako nang mapansin ang isang maliit na batang nagtatago sa ilalim ng mesa, may hawak na kulay kahel na bola. Nakatapak siya at halatang galing sa bukid dahil putik-putikan ang kanyang mga paa. Bahagyang magulo ang suot niyang kulay pink na ternong damit. Sa tantiya ko, nasa limang taong gulang pa lang siya.
Napangiti ako kahit nabigla sa mga nangyari. Lumuhod ako upang mas makita siya nang malapitan. "Hi, anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya, pilit na hindi siya tinatakot.
Ngumiti siya pabalik, medyo nahihiya. "Lia po," sagot niya. "Pasensya na po, naglalaro lang ako."
"Okay lang," sabi ko. "Bakit ka nandito? Nawawala ka ba?"
Umiling siya. "Naglaro lang po ako, pero nadapa ako sa putikan."
"Halika, tulungan kita," sabi ko, sabay abot ng kamay ko sa kanya. "Linisin natin yang putik sa paa mo."
Tinulungan ko siyang tumayo at pinalabas ng kusina, dala pa rin ang bola niya. "Hindi ka ba hinahanap ng nanay mo?" tanong ko habang pinupunasan ang putik sa kanyang paa gamit ang isang basang basahan.
"Hindi po. Alam niya pong naglalaro ako sa labas," sabi niya habang nakangiti, bakas sa kanyang mukha ang inosente.
Habang pinupunasan ang kanyang paa, nakarinig ako ng pagsigaw sa labas ng bahay. Noong una, malabo ito dahil sa ingay ng mga nagtratrabaho sa bukid, pero nang makalapit na ito sa tapat ng bahay, malinaw ko nang narinig ang sinisigaw ng tao. Mukhang hinahanap niya ang batang babaeng si Lia na nasa harapan ko. Napatingin ako kay Lia, na inosenteng nakahawak sa bola habang pinapanood ang ginagawa ko.
YOU ARE READING
Beneath The Disguise
Misteri / ThrillerAurélie, a newcomer to town, sensed an eerie familiarity as she met Ugo. Days passed, their friendship deepened, yet beneath his charm lurked shadows that whispered of secrets darker than the moonless nights they strolled through. Pero ano nga ba 'y...