CHAPTER 34

2.1K 115 31
                                    


Amazon PoV.

Tulala akong nakabalik sa dorm dahil hanggang ngayon hindi parin nag si-sink in sa utak ko lahat nang sinabi ni Daegan kanina. Hindi parin matanggap nang katawan ko ang inasta kanina ni Daegan sa harapan ko. Binaliw niya yung puso ko. Ginulo niya ang isipan ko. Nanginginig ako matapos ko siyang iwan doon. Gusto ko na sanang magpakain sa lupa kanina dahil alam kung naririnig niya yung tibok nang puso ko.

Hanggang sa mabuksan ko ang pintuan nang dorm ay nakatulala parin ako ni maramdaman ang yakap nila hindi ko naramdaman. Binungad ako nang mga kaibigan ko nang mabigat na yakap at ngiti sa labi habang ang isipan ko ay lumilipad sa langit at naghahanap nang kasagutan kung bakit niya ginagawa ang mga iyon.

"Mukhang napagod ka ngayon ha?" nahalata ni Alessia ang tulala kung mukha kaya niya naitanong iyon.

Hindi ako pagod sadyang natulala lang ako dahil sa ginawa ni Daegan.

"Pinagod kaba ni Mister President?" gulat akong napatingin kay Zayn nang tanongin niya iyon.

Anong pinagod eh wala nga kaming ginagawa kanina.

"Anong pinagod? Ni hindi nga kami naghalikan no'n tapos pinagod! Anong klasing tanong yan Zayn?" natahimik ang lahat matapos kung sabihin iyon. Nakanga-nga lang silang nakatingin sa akin. Nandito pa si Francheska dahil mamaya pa ito uuwi o kung hindi ay dito siya matutulog ngayon.

"What the heck! What i meant is pinagod kaba niya sa parusa mo" pagkaklaro ni Zayn sa ibig niyang sabihin.

"Parusa?"

"Abay anyari Amazon?"

"Anong nangyari? May nanakit ba sa inyo?" lutang kung sabi sakanila. Hindi ku'na talaga alam kung bakit hanggang ngayon ay lutang parin ako.

"Ay naboang na si Amazon" sabat ni Karim. Batid kung bisaya iyon pero hindi ko iyon maintindihan. "Late kana nga umuwi lutang kapa anong nangyari sayo teh?" dagdag pa niya.

"Wala naman, siguro napagod lang ako" pagsisinungaling ko at saka pilit na ngumiti sakanila. Alam kung hindi kumbinsado si'na Karim at Zayn dahil sa paraan nang pagkakatitig nila.

"Nako sakto naghanda narin kami nang pagkain, tara kain na tayo" yaya naman ni Shepherd rason para makahinga ako nang maayos. Hindi nagsalita si Francheska na para bang sinisita lahat nang mga ikinikilos ko at ang tono nang pananalita ko.


Kumakain na kami ngayon nang tahimik. Gaya nang iniisip ko ay dito nga matutulog si Francheska. Habang tahimik na kumakain ay hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Nagsimula ang lahat sa titig ko sakanya. Ang kanyang mukhang mahirap tanggihan. Ang kanyang labing nilalaro nang kanyang daliri. Ang kanyang bruskong boses. Ang kanyang mga titig sa akin na para bang inaakit ako sa paraan nang pagtitig niya. At yung sinabi niya.

Kapal nang mukha.

Hindi rin mawala sa isipan ko yung pagbigkas niya sa buong pangalan ko. Para may kung anong paro-paro sa loob nang tiyan ko nang banggitin niya yung buong pangalan ko sa tono nang nang-aakit. Yung ang lapit namin sa isa't-isa. Aaminin kung napansin ko yung labi niyang namamasa kanina. Ewan ko pero inalis nang labi niya yung matinong pag-iisip ko. Bigla ay nag-iba ang ihip nang hangin kanina.

Aaminin ko ri'ng medyo nag-init yung katawan ko nang maramdaman ko ang labi niya sa tenga ko habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Parang sasabog ang puso ko kanina. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no'n pero halos sasabog na talaga ang puso ko kanina.

PERFECT UNIVERSITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon